Plan 5

34 2 0
                                    

(Awkward.)

Tumigil ako sa isang bench para magpahangin sandali. Masyado kasi akong nadala sa mga sinabi ni Logan-mine. Oo, stupid na kung stupid. Idiot na kung idiot... Hindi ko naman itinatanggi iyon eh. Marami na ang nagsabi nun sakin.

Kaya lang mas masakit talaga kapag nanggaling na mismo sa taong mahal mo!

Agad kong ipinilig ang ulo para hindi na naman umiyak.

"Aish! Nakakainis! Bakit ba ako naging tanga at pangit?!" Pagdadabog ko ngunit agad rin namang napatigil dahil masakit pala iyon sa tuhod kong nasugatan.

"No, you're not." Loic? Tama nga ang hinala ko paglingon sa likuran. Nakapamulsa siya habang nakangiti at nakatingin sa malayo.

"Psh. Pinagsasabi mo diyan?" Nakayuko kong tanong tsaka namalayan na nakaupo na pala siya sa tabi ko. Presko siyang sumandal bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Forget about it." Out of the blue niyang ani at sakto namang napatingin kami sa isa't-isa. Problema nito?

"Huh?" Balik tanong ko. Minsan nga eh hindi ko maintindihan si Loic.

Kelan lang naman kasi kami nagkakilala dahil galing siya ng States at transferee lang siya dito sa university. Kaya panay english lang pinagsasabi niya at kung makapagtagalog ay sobrang slang pa.

"Psh. What I mean is forget about all that my brother have said, Alex," Naiinis niyang sagot bago nagkamot sa kanyang batok. "I just want to apologize for what happened..." Agad ko siyang pinatigil sa pagsasalita.

Mabuti pa siya nag-sorry...

"It's okay Loic. APOLOGIZE ACCEPTED!" Masigla kong sagot sakanya ngunit buong pagtataka ko ng bigla siyang tumahimik at tiningnan lang ako ng matagal bago namula at...

"Pffft-- HAHAHAHA!" Kumunot ang noo ko ng makita siyang halos mapaluhod na sa kakatawa. Gagong ito?! Siya na nga ang pinatawad eh! "The heck! What did you say? 'Apologize accepted'? Haha!" Tumango ako ng ilang beses na mas lalo lang na ikinatawa niya. May mali ba sa sinabi ko?

"Bakit ka ba tumatawa?! Apologize accepted na nga 'di ba? Bwisit to!" Inirapan ko siya ngunit hindi pa rin natinag ang loko at tumawa lang ng tumawa. Makaalis na nga!

"Haha. Wait, Alex! Pffft-- I think, what you mean is Apology Accepted... Right?" Pagpipigil niyang sabi. Eh? Apolog--y accepted?...

Waaaah!!! Tanga ka nga Rara!

Paniguradong kasimpula na ako ng kamatis ngayon! Mukhang nasampal na siguro ako ng ilang beses dahil sa napakapula kong mukha.

"Heh! Sige, ikaw na ang magaling sa english! Ewan ko sa'yo!" Pagkatapos nun ay mabilis akong umalis ng paika-ika.

Hindi naglaon ay lumingon ako para tingnan si Loic at ayun nga ang gago tawa pa rin ng tawa kahit nakatalikod na at naglalakad palayo.

Eeeeeeeeehhh. Nakakahiya talaga!!! Ano na lang sasabihin ni Logan-mine kapag nalaman niya iyon? Ang tsismoso pa naman ni Loic.

"Aray koo!!!" Kapag minamalas ka nga naman. Malakas pa talaga ang pagkabunggo ko sa poste. "Ba't ang daming s-stars?.." Halos pabulong kong sambit until everything went black.

Capturing a Certified HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon