Plan 6

38 2 0
                                    

(He saved me -- twice.)

"LAYUAN MO ANG KAKAMBAL KO!!" Kahit nakapikit ay ramdam na ramdam ko pa rin ang tensyong nagaganap saming lahat. Malakas na hinatak ni Cath si Loic patayo para maalis sa pagkakadagan sakin.

"Aw, shit! Stop it, Catharina!" Lagot talaga si Loic kay twinnie. Tinawag niya ba namang 'Catharina'.

"Ah ganun?! Pwes, humanda ka sakin, Loic-loko-loko!!" Nanatili akong nakahiga at nakapikit kahit nagkakagulo na silang dalawa. Ayaw kong makita si Logan-mine!

"Stand up." Well, speaking of the 'hot' devil who's standing beside me.

~Wala akong narinig...~

Nanatili akong nakahiga at umaktong nawalan ng malay. Best actress ata to!

"Damn. Sinasagad mo na masyado Ms. Aranica." Eh? Anong sinasagad? Kilala niya ako? Paano? "I said STAND UP!" Sabi ko nga tumayo eh. Dahil sa sigaw niya ay napatigil rin sa pag-aaway sina twinnie at Loic na parang mga tuta samantalang ako ay napayuko na lang dahil sa hiya. Ako na ang obvious.

"Speak up and explain EVERYTHING." Napalundag ako sa gulat ng malakas niyang sinipa ang upuan at padabog na sumandal sa table na nasa harap namin bago humalukipkip. Kulang na lang eh isigaw niya mismo sa pagmumukha ko ang mga sinabi. Asus. Nagseselos siguro to. Hihihi.

"Kuya! We're just having fun, especially Alex." Ewan ko ba kung may halong kamanyakan ang pagkasabi ni Loic nun pero sa pangit ko ba namang to, magagawa niya akong pagnasahan? No comment. "In fact, I'm really having a good time being here." He put his arms around me and firmly pinched my nose! Aray!

"We already talked about this Loic!" Medyo tumaas ang boses ni Logan-mine kaya agad akong natauhan at kumawala kay Loic. Nakita ko naman sa gilid si twinnie na kakakuha lang ng panyo at ready ng punasan ang ilong. Kahit kailan talaga oh!

"Hell, kuya! I'm staying and that's final. You can't dare stop me. No one else can." Mariing sagot naman ni Loic kay Logan-mine na ngayo'y nakatiim-bagang sabay ngisi na parang nang-iinis. Ano bang pinag-uusapan ng mga to? Kasama pa kaya to sa naggawa namin kay prof. Panes kanina? Aish.

"Oy! Pwede ba--" Akmang sasabat si twinnie ng biglang sumigaw si Logan-mine at kinuwelyuhan si Loic. My goodness! Sa harap pa talaga namin sila mag-aaway?! Hinawakan ko silang dalawa sa braso at pilit na pinaglayo. Tsansing rin to!

"Shut it! You are really fucking out of your mind Loic! One hell move, just stump hell move and we're done!" Naawat rin silang dalawa pagkatapos ngunit kahit nabitawan niya na si Loic ay matalim niya pa rin itong tinitigan bago ulit nagsalita. "Tss. Brothers? I don't think so." Nanliliit ang mga mata at namumula na rin ang mukha niya dahil sa pinipigilang galit. Langya! Bakit ang gwapo niya pa rin?!

"Fine." Kibit-balikat na sagot ni Loic at naglakad paalis. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay lumingon muna siya at nagsabing... "We're on it... Logan." Ayoko na.

"Twinnie, kamusta na kaya sila?" Wala sa sarili kong tanong bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Tangina naman Rara! Wala ka na ngang lakas para matapos iyang pagbubunot mo diyan kanina pa ngunit nakukuha mo pa ring mag-alala sa bwisit na magkapatid na iyon?!" Biglaang pagwawala ni twinnie kahit hirap na hirap na habang patuloy pa rin sa pagbubunot kasabay ng pagpunas niya sa mga tumutulong butil-butil na pawis. Oo nga no? Masakit na rin sa kamay. "Pucha lang talaga! Makakatikim sakin iyang Loic kapag nakita ko! Siya dapat ang nandito eh! Isa pa yang si Logan, satin ba naman ibunton ang galit niya?!" Pinipigilan ko lang ang matawa dahil baka sakin naman niya ngayon maibunton ang inis.

Capturing a Certified HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon