TULOG NA...

21 0 0
                                    

Biglaan akong nagising sa kinauupuan ko. Ang malambot na unan ang nakapagpatulog sakin. Naiwang nakabukas ang TV, ang paboritong show ko ang nakaplay rito ngayon.

Sakto naman pala ang pagkagising ko. Alas-otso na, iyon kasi ang time ng show na ito. Masiyado akong nai-stress dahil sa trabaho. Buti nalang at hindi naman umiyak ang anak kong si Jack. Siguradong magigising ako kung iiyak iyon. Mayroon kasing radyong naka connect mula sa kwarto sa itaas, at sa kwarto rito para mapakinggan ko kung gising ba ang bata o hindi. Idagdag mo pang walang tatalo sa lakas ng iyak ng batang iyan na parang mababasag na ang mga salamin sa buong bahay tuwing iiyak.

Inisio ko ang upcoming deadline ng project ko. 'Larry's Business', pag-isip ko. Napakasarap mapakinggan na sinasambit ng mga tao bilang isa sa mga pinakamahusay na business na itinayo. Parang hindi na ako makapaghintay.

Pero siguro ang isang beses na panonood lang ng paborito kong show ay hindi naman makakahamak sa trabaho, hindi ba? Minsan ay kakailanganin din naman ng isang tao ang mag cool off at magprocrastinate. Maayos na naman ang buhay, napapakain ko ang pamilya ko, may maayos na bubong, sapat na pera para sa buong buhay namin pati na rin sa pag-aaral ng anak namin na si Jack. I deserve this don't I?

Rock-a-bye baby ♪

On the tree top. ♪

When the wind blows,  ♪

The cradle will rock. ♪

When the bough breaks, ♪

The cradle will fall. ♪

And down will come baby, ♪

Cradle and all.  ♪

Hindi ako makapaniwalang ang aking asawa na si Wendy, ang kumakanta. Maririnig mula sa radyo ang  napakaganda niyang boses at halos perpektong pagkakakanta. Those soothing words wanted to put him to sleep as well. Nasa itaas siguro siya, kandong-kandong si Jack at masayang kinakantahan ng lullaby.

Umulit pa muli ang pagkakakanta at nakinig ng ako ng mabuti. Natapos ang kanta ng isang kalabog mula sa radyo naipinagtaka ko naman. Pero siguro may nahulog lang si Wendy mula sa itaas o may nabangga pagkatapos niyang ibalik si Jack sa crib niya. Baka mga laruan.

Nagtuloy lang ako sa panonood. Nasa itaas naman pala si Wendy, binabantayan si Jack.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal niyon ay ang asawa kong pagod, dala-dala ang mga pinamili niya mula sa grocery na may nagtatanong na mukha kung bakit tulalang nakatingin ako sa kaniya.

The Heart of a Madman (HORROR STORIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon