NGITI

49 0 0
                                    

Ang isa sa mga pinaka di ko makakalimutang karanasan sa buhay ay ang pag dayo namin sa bahay ng aming kaibigan. Gabi na noon, alas-otso.

"Ang ganda naman pala ng bahay mo e." komento ni Angela.

"Oo nga, dapat pala dito tayo tumatambay." dagdag ni Joshua.

"Mangugulo lang kayo dito eh !" sabi ni Matthew, na siyang may-ari ng bahay at ang aming sadya. Kaarawan niya kasi ngayon at inimbitahan niya kami.

We stood at their gate, nakatingala sa karangyaan ng kanilang buhay. Even though the house was old, kitang-kita pa rin ang kagandahan at pagka-elegante nito na nakuha niya mula noon pa.

Hanggan second floor ang bahay, at mayroong terrace. The windows were opened freely, at ang mga kurtina ay tinatangay ng hangin. Most of the exterior of the house was made out of wood, isang malaking pinto ang nasa harapan nito na mayroon pang mga floral na engraving.

Sa labas pa lamang ay mahihinuha mo na ang kalagayan ng kanilang buhay. Isang pathway gawa sa marble ang nakaukit mula sa gate hanggang sa front porch ng bahay. On the sides ay may isang topiary, may tigre, pusa, aso at iba pang hayop na hindi ko maalam. Napakalinis ng kapaligiran, at parang nasa ibang mundo ka rito kahit na nasa kalagitnaan ka ng Maynila.

"Halika na, Ace !" tawag ni Matthew sakin.

I was knocked out of my reverie. Masiyado akong namangha sa kanilang bahay at hindi namalayang nakapasok na pala sila.

Dali-dali naman akong sumunod.

"Anong ginagawa mo dun ?" tanong ni Matthew.

"Ah, wala. Napaisip lang." sagot ko.

"Andun na silang lahat." inakbayan ako ni Matthew at ginabayan patungong living room ng bahay.

Maganda parin kahit sa looban. Presko at hindi masalimuot. May tatlong upuan sa gitna at isang coffee table sa pagitan nila. Isang 48-inch flat TV ang nakasabit kaharap ng mga ito. All around, the house was decorated with paintings. Paintings na luma pero mayroon rin namang makabago na parang tinitingnan ang bawat galaw ko.

Nakaupo na si Joshua at Angela, and I followed suit. Isang teleserye ang ipinapalabas mula sa TV.

"Hintay lang kayo, ah ! Malapit na." sambit ni Matthew. "Ate Merly, paki hain na po !" sigaw niya.

Naghintay kami ng mga sampung minuto, puno ng biruan at kuwentuhan. Wala ang pamilya niya rito ngayon dahil sa trabaho nila sa ibang bansa, bale ang yaya Merly niya lang ang nagaalaga sa kaniya sa ngayon.

"Nakahain na, sir !" isang babaeng naka maid uniform ang lumabas mula sa isang pinto.

"Maraming salamat, ate." sagot ni Matthew. "Oh, tara na."

We all stood up and traipsed towards the dining room.

Nakakatakam na pagkain ang sumalubong sa amin. Lumpia, spaghetti, macaroni, salad, at hindi mawawala ang cake. Masaya kaming kumain lahat, hindi napapansing lumalalim na ang gabi. After the chanting of happy birthday for Matthew, nagpaalam muna ako na magpapahangin sa labas.

Papalabas, nakita ko nanaman ang mga literaturang nakasabit sa mga dingding. Habang nakatitig ako sa kanila, ay parang tinititigan nila ako ng malalim, like their stares were piercing through my soul. Ang kanilang mga mukha na walang ekspresyon ay parang unti-unting ngumingiti na nagpakilabot akin. Alam kong imahinasyon ko lang iyon, kaya't isinambahala ko nalang.

I stationed myself at the front porch, overlooking the topiary and garden. Hindi ko napansing may isang malaking puno palang nakatayo sa gilid ng bahay, nagbabantay. Hindi ko mawari pero parang iba ang pakiramdam ko.

I curiously stepped outside, my shoes crunched the cropped grass underneath. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ang mata ko, o sadyang inaaktok na ako. Natigil ako nang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa mismong harap ng puno. She was clad in all white, her hair clouded her face.

Nakakapagtaka, ang alam ko wala namang kasama si Matthew ngayon sa bahay, kundi ang yaya niya. Pero bakit mayroong babae ngayon sa harapan ko ?

Nagsimula siyang maglakad papalapit sakin.Hindi ko maintindihan pero biglang sumikip ang paghinga ko at rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso.

Rub... Dub...

Isang tapak.

Rub...Dub...

Isa pa ulit.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, sa bawat paghakbang na ginagawa niya. Papalapit siya ng papalapit, na parang kakainin ako. I couldn't move nor shout. I was frozen in place.

Hindi na ako makapagisip ng maayos. Wala ba si Matthew ? Si Angela ? Si Joshua ?

Mula sa kaniyang kintatayuan, unti-unti niyang itinaas ang ulo at ang sumulyap sa akin ay karumal-dumal. Her face was pale white, a wide gruesome grin on her face. Parang isang mamamatay tao na sarap na sarap sa pagpatay ang nasa harapan ko ngayon. Everything felt like in slow-motion. Dead silence.

Malapit na akong himatayin, pero hindi ako makapaniwalang naigalaw ko pa ang mga paa ko. Nagmadali ako papunta sa mga kaibigan ko na nasa living room. Nakita nila ang mukha ko at agad na nagalala.

"Anong nangyare sayo ?" salubong ni Joshua. Ibinababa niya muna ang plato ng cake.

"May... babae... sa labas....." paghahabol ko sa hininga ko.

"Babae ? Tayo-tayo lang naman ang nandito ah ?" pagsisigurado ni Matthew.

Pagkarinig ko niyon ay nagbigay muli ng takot sa aking mukha. Ang kaniyang nakangiting mukha, ang sobrang puti niyang kulay.

"Kelangan ko nang umuwi." sambit ko nang mahimasmasan ako ng kaunti at nakaupo.

"Sige, sige, sayang naman kakasimula palang." malungkot na sabi ni Matthew. "Hatid na natin siya."

Inihatid na nila ako papunta sa gate and I never dared to look back at the dark murky tree.

Kelangan kong magpahinga. Napaidlip ako ng kaunti sa UV pero pagmulat ng mga mata ko ay naalala ko nanaman ang nakakakilabot niyang mukha, na nagpasigaw sa akin sa loob. Nagsitinginan ang lahat sa akin na nagpadama sa akin ng konting hiya pero nanaig parin ang pagkatakot.

Pagkauwi ko ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko at hinandusay ang sarili sa malambot kong kama. Doon ko ipinagpatuloy ang akin tulog na nasimulan ko na sa UV.

Lumipas ang oras at umaga na. Hindi ba't isang masamang panaginip lang iyon ? Isang imahinasyon dahil sa mga pinagbabasa kong horror story ?

Nagpasalamat muna ako sa Diyos para sa isang araw na aking mararanasan muli. Iminulat ko ang mga mata ko, and what met my eyes was nightmarish, it sent chills down my spine. Akala ko tapos na.

Mula sa paanan ng aking kama, naroroon siya. Isang ngiting karumal dumal, isang ngiting hindi ko kailanman makalilimutan.


The Heart of a Madman (HORROR STORIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon