La Monja

5 0 0
                                    

"At ito po ang classroom nila..."  the nun formally said. Tumango-tango ako.



Maganda nga naman ang salon de clases nila rito. Maaayos at mukhang malilinis. Wala kang makikitang mga dumi na nakakalat o kahit ni isang agiw sa mga sulok. Nakaayos ang mga upuan at malinis ang blackboard kahit na kakagamit palang nito kanina. 



Noong papasok kami rito ay ganoon rin ang field. Napakapulido na para bang walang nagkakalat kahit na puno ng bata. I applaud them for their discipline. 



"Dito na po tayo, Ma'am." sabi ni Mother Agatha na aming gabay sa eskwela. Nais ko kasing ipa-enroll ang anak ko rito sa isang catholic school. Gusto kong lumaki siyang matino at may pagka-delikadesa. Lalong lalo na ang pagkilala sa salita ng Diyos. Ito na yata ang pinaka sukat na paaralan para sa kaniya.



Dumaan ang ilang mga sister habang naglalakad kami. Masaya nila akong nginitian at bahagya pang yumuko. Kay galang ng mga ito. 



"Lahat ng mga guro rito ay magagalang at laging nagtuturo ng disiplina sa mga bata, kung kaya makikita mo Ma'am, mataas ang rating namin dito." nakangiting sambit niya. 



Napatingin ako sa isang hallway at napatigil dahil sa kalansing na narinig ko. Isang musmos na batang lalaki ang nakatitig sa akin. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at natatakpan nito ang kaniyang mga mata. Gula-gulanit din ang kaniyang kasuotan na isang malaking puting camiseta. Wala siyang salawal na aking nakikita at nakayapak lang siya. Mukhang nasa bingit na siya ng pag-iyak o di kaya'y kanina pa lumuluha. Bigla siyang tumakbo patungo sa isa sa mga silid at ginusto kong sumunod. 



Mabilis ang kaniyang takbo at napatungo ako sa isang classroom. Sigurado akong dito siya pumasok. Sa pintuan ng silid ay naroon ang sign na iyon ay ang playroom ng mga bata. Mula sa bintana ng silid ay wala namang ilaw kaya walang tao. Hindi ko na alam ang nangyari kay Mother Agatha at kung hinahanap na ba niya ako sa mga sandaling ito, pero ipinagpatuloy ko pa rin ang nais kong matagpuan ang bata at tanungin ang nangyari sa kaniya.



Malamig ang busol ng pinto. Ipinihit ko ito at tumambad sa akin ang isang madre na nasa harapan ng ilang bata na umiiyak. Nakaupo ang mga bata habang humahagulgol sila dahil sa pananakit ng madre. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang pinagpapalo ang mga musmos na mga bata gamit ang isang baston. Balisang-balisa ang mga bata habang nakalahad lang ang kanilang mga kamay at pinipilit na tiisin ang sakit. Pilit rin namang nagsasalaysay ang madre sa kanilang aralin at kapag may nagkamali ay isang hambalos ang katumbas. 



Bakit may ganito rito ? Ano ba itong nakikita ko ? Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko kung takot ba o awa dahil sa nangyayari. 


Nakita ko ang batang kanina kong nakita. Nakaupo siya kasama ng iba pa. Nakalahad ang kaniyang duguang kamay sa harapan ng kaniyang desk at makikitang puro bugbog at pasa ang mukha. 



"At ikaw, Diego ! Ano nanaman ba itong ginawa mo ?" sigaw ng madre sa bata.



"Wala po..." nakayuko siyang sumagot habang nakakuyom ang mga kamao. Halata ang pangangatog ng kaniyang katawan.



"Kasinungalingan ! Isa kang huwad ! Tumayo ka roon, halika !" ikinaladkad ng madre ang batang nanahimik at ibinalibag ito sa may sulok sa kabilang dulo ng kwarto. 



"Dapat ang mga batang katulad mo ay pinaparusahan !" inihampas niya ang kaniyang baston sa likod ng bata na talagang lalatay sa kaniyang memorya ang sakit. Walang pag-aalinlangan siyang nagpatuloy habang humahagulgol ng iyak ang kawawang paslit hanggang manlumo at nahimlay ang kaniyang katawan sa sahig.



Hindi ko namalayang lahat ng bata ay nakatingin na sa akin. Nagmamakaawa ang kanilang mga mukha na tumulong ako at patigilin ang karahasang nangyayari. Lahat sila'y umiiyak at tinuturo ang kanilang kaklase na pinahihirapan ng kanilang guro. Hindi ko na kayang tiisin pa ang nakikita ko.



"Tama na !" sigaw ko. Napatingin ang madre sa aking direksyon at ngayon ko lang napansin ang kaniyang pagmumukha. Siya ang kaninang gumagabay sa akin at maamo ang mukha. Si Mother Agatha ! Bata ang kaniyang itsura at walang bakas ng pagka-maamo ang kaniyang mukha sa mga sandaling ito. Punong-puno lang ito ng galit.



Dahan-dahan siyang pumupunta papalapit s akin at palaki rin ng palaki ang takot na nadaramdam ko sa bawat hakbang na tinatalakay niya. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo. I ran without looking back.



"Ma'am ! Saan po kayo pupunta ?" narinig ko ang tawag ni Mother Agatha sa akin na kanina pa akong hinahanap pero wala na akong pakiealam doon at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang makalabas ng paaralan.





The Heart of a Madman (HORROR STORIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon