MONA LISA

7 0 0
                                    

Hello ulit ! Ginawa ko lang itong chapter na ito dahil gusto kong ilarawan sa inyo ang pananaw ko kay Mona Lisa dahil isa ako sa mga natatakot sa kaniya habang tinitignan siya. Hindi talaga ako mapakali and so I wanted to share it with you para matakot din kayo ! Hehehehe...


**


"Tara na !" yaya ng kapatid kong si Janelle.

Nasa isang museum kami ngayon. Niyaya niya kasi ako na tumingin ng mga paintings and historical pieces of art. Kahit na wala naman akong hilig doon ay wala akong nagawa kundi pagbigyan siya. 


"Hintay nga lang !" sigaw ko sa kaniya na nauna na. Walang hiya rin itong kapatid ko eh.


Malaki ang museo, moderno ang disenyo. Naka tiles sa labas man o loob at makikita mo ang kalumaan nito kahit na bagong pintura lamang. Hindi ko na nakita ang kabuuan dahil nga'y ang ingay ng kapatid ko at pinapapasok na ako. 


Bakas sa mukha niya ang excitement. Hindi ako kailan man naging mahilig sa History. Mahirap kasi sa akin magkabisa ng mga dates and names kaya baka iyon ang rason. Si Janelle naman ang kabaligtaran ko. Gustong-gusto niya ang History at laging inaalam ang mga pinanggalingan ng mga bagay-bagay. Kahit na magkaiba kami ay hindi naman kami palaging nag-aaway. Mayroong mga hindi pagkakasunduan pero nagkakabati rin.


Pagpasok ko ay namangha ako sa mga sari-saring naka disenyo roon. May mga malalaki at mayroong mga maliliit na larawan. Mayroon ring mga sculptures and models na siguradong mapapa-wow ka dahil sa attention to detail ng mga ito. Parang buhay na buhay ang lahat. 


Makikita mo talaga ang kinang sa mga mata ni Janelle na nagpapahiwatig ng tuwa. Bilang isang ate, wala na akong ikatutuwa pang makita.


After many paintings, nakarating kami sa pinaka-kinaabangan niya at ang pinaka pamilyar at popular. Ang Mona Lisa. 

Hindi ko alam pero parang lagi akong kinikilabutan sa tuwing makikita ko ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam pero parang lagi akong kinikilabutan sa tuwing makikita ko ito. It's just the way that she looks. That smile, those eyes, and the ever so calm face. Idagdag mo pa ang walang kilay at pilikmata na talagang weird. Parang napaka-kalmado niya sa puntong nakakakilabot na. Para siyang may binabalak na kung anong masama na lingid sa kaalaman ko. Habang patagal nang patagal ang pagtitig ko ay unti-unti akong humihiwalay sa realidad hanggang ngayon ko lang napansin na wala na ang kapatid ko sa tabi ko. 


Madilim ang buong paligid at wala ng tao. Ako nalang ang nagiisa habang nakatitig sa nag-iisang may ilaw na larawan sa buong museo. Gusto ko nalang umalis at umuwi kaysa na maparito na nakatitig rito but my body froze. Suddenly nasa harapan ko na si Mona Lisa. Hindi sa isang frame kundi nakatayo sa harapan ko while still wearing that face. That creepy killer face. Papatayin niya ako, I know it ! I couldn't move a single muscle dahil sa takot. Sa likod ng kaniyang ngiti ay mayroong kutsilyo sa likod ng damit niya, alam ko iyon ! Papalapit siya nang papalapit sa akin at wala akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko, hoping that all of this would just end.


"Ate ?" 


Rinig ko ang boses ng kapatid ko and I slowly opened my eyes. Maliwanag na muli ang lahat, maraming tao sa paligid na kasabay naming nakatingin sa Mona Lisa at nasa tabi ko si Janelle na hawak-hawak ang kamay ko.


That scene will forever be engraved in my mind.

The Heart of a Madman (HORROR STORIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon