XII. Tradisyunal na Tula

33 1 0
                                    

Nakalalasong Bino

Sa bawat alindog ng bilugang apoy
Braso ng orasan, hatak sa panaghoy
Katanunga’y mapusok na dumadaloy
Ginoo, wala na’ng matamis na amoy

Kahapon, tanaw pa ang aliw sa mata
Bisig mo ang init sa’king pag-iisa
‘Yong tinig ang panduyan sa’king kalul’wa
Labi mo’ng rason sa pagdagsa ng saya

Kapit sa segundo’y tuluyang lumisan
Nabuo ang pader sa ating pagitan
Sakong alipala pala ang ibigan
'Pagkat dal'wa kaming 'yong hinahagkan

Inyong sumpaa'y 'di ko nais baliin
Bigyan mo ng halaga ang bisa ng singsing
Lilisan at kalilimutan 'yong piling
Larawa'y nawa'y mabaon ng malalim...

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon