I dedicate this to my idol pajama_addict. Super addicted ako. Haha!
PROLOGUE:
Masyadong tahimik ang buong Royata. Palibhasa wala ang mga minamahal na apo nina Aurelio at Cynthia. Silang dalawa lang na naman ang nasa mansyon kahit na pinagsikapan ng matandang lalaki na itayo ang napakalaking bahay na ito para sa kanyang buong pamilya. Para sa iba, ang bahay na ito ng mga Bellisario ay hindi lang basta bahay kung hindi isang mansyon. Isang emperyo. An international magazine even called it a fortress. Pero para kay Aurelio Bellisario, sa kanyang misis, at sa kanyang buong pamilya, isa itong tahanan. Malaki at malawak nga ito na ilang magazine at tv shows ang nag-feature dito pero ang mga tao na nakatira dito at ang kanilang matinding pagmamahal para sa isa’t isa ang nagbigay sa mala-kastilyong bahay na ito ng buhay. Despite its enormity, it is really homey and everybody can’t help but feel comfortable.
“Ako, Aurelio, kinakabahan para sa mga apo mo.” Kumunot ang kanyang noo. Kahit sa kanyang edad, bakas na bakas pa rin kay Cynthia Bellisario ang ganda at pagiging elegante. Mahinhing ininom ng babae ang kanyang tyaa habang nakatingin mula sa verandankung saan sila nakapuwesto ng asawa patungo sa hardin na siya mismo ang nag-aalaga.
“Cynthia naman. Magtiwala ka sa mga apo mo. I’m their grandfather, after all!” Napuno ng halakhak ng matanda ang buong paligid na hindi na napigilan ng kanyang misis ang mapangiti. Umiling iling ito habang pinagmamasdan ang asawa na tuwang-tuwa sa sarili.
Sa tanda nito, sino ang mag-aakala na ganito pa ito kalakas? Must be the love… Sa dinami-dami ng mga nakamit nitong si Aurelio ay iisa lang ang pinagmamalaki niya- ang kanyang buong pamilya. Kung mayroon nga daw itong isang bagay na hinding-hindi niya ipagpapalit kahit sa kanino at ano man, ito ay ang kanyang pamilya. Naging isa siyang matagumpay na tao dahil sa kanila. Mula sa pagiging mahirap ay nagsumikap siya para bigyan ng isang magandang kinabukasan ang lahat ng kanyang minamahal. Ang look at what he has now.
A business empire that is so successful it became a household name, a fortress that is envied by many, and a loving and successful family he can proudly claim as his.
“Yes, yes. You are indeed their grandfather which is the primary reason why I’m worried about them. They’re all troublesome like you! Look at your eldest apo. Yan si Troy Aries natorpe na at ilang buwan na sinusubukan magpropose kay Shy pero hindi magawa. Si Ace nagmumukmok lagi. Isa pang torpe! Nakahanap lang ng babaeng katapat, aba tumiklop na! Wala ng saysay ang palayaw niyang ‘Ace’. Tas itong si LA… Hay, dyusme por santo! Hindi ko na maipaliwanag ang problema niyang apo mong ‘yan! Balita ko nandito na si Meg sa bansa pero wala man lang ginagawa iyang apo mo. Tas yung iba mo pang mga apong lalaki! Kung makapagpalit ng babae akala mo nagpapalit ng damit. Ewan ko bas a mga apo mo, Aurelio.” Humugot ng isang malalim na hininga si Cynthia bago uminom muli sa kanyang tyaa.
“Itong babaeng ito! Akala mo hindi niya mga apo. Mana lang sa iyo ‘yung mga ‘yun. Lahat matigas ang ulo.”
Maya-maya lang ay nagpasya na ang mag-asawa na bumaba sa “throne room”. Tinawag itong ‘throne room’ dahil sa isang napakalaking upuan doon sa gitna ng isang malaking kwarto na ginagawa nilang drawing room. Ang upuan na ito ang paboritong upuan ni Aurelio Bellisario hindi dahil pakiramdam niya ay isa siyang hari kundi dahil dama niya ang pagiging pinuno niya sa kanyang pamilya.
BINABASA MO ANG
Temporarily Mine
RomanceA princess crushing on her knight in shining armor... Nysa Kamie Zabarte is a typical fangirl. Tahimik at walang imik tuwing nasa university pero kapag maka-fangirl naman ay sobra-sobra. She's been crushing on the vocalist of Runaway Ember since for...