CHAPTER 2

624 32 2
                                    

Dedicated to Ate Louisse. Beautiful inside and outside of wattpad. <3

Thank you so much sa mga nagbabasa! I love you, guys! Really.

CHAPTER 2:

Her POV

“Pagtapos tumugtog ng Demigod, umalis na agad si Ryder! Kawawa naman siya!”

Umikot ang mga mata ko. Anong kinawawa ng halimaw na yun?! Malamang, takot lang siyang matalo sila ng banda nila Kenzo my love kaya siya umalis. Pssh. Duwag naman pala yun eh!

“Aurgh! Excuse me! Sabi nang excuse me eh! Paraanin ako! Hala, alis! Magsialisan kayo sa dadaanan ko!” Buong pwersa kong hinahawi ang fans na nag-aabang dito sa trailer van ni Kenzo at ng banda niya.

Pahirapan ang paglapit sa van dahil na rin sa lahat ay gumstong makalapit din. Mabuti na lang astig tong mga back-up ko!

“I swear, Naika, tapos ng gabing to, ako mismo bubugbog sayo! Ay, ano ba! Dumadaan kami oh, umalis nga kayo! Mga harang!” Silent type itong si Six, ang bestfriend ko. Pero lagi niyang sinasabi ang mga nasa isip niya kapag ako ang kasama niya. At mabilis rin siyang  mabwisit sa mga taong nakapaligid sa kanya. Tulad na lang ngayon.

“Calm down, Secret. Melepet ne teye!” Binanggit ni Missy (true-blooded na alagad ni Edwina literally and figuratively) ang buong pangalan ni Six na siyang dahilan para tignan siya ng nakakatakot ng bestfriend ko.

“Manahimik ka na lang, Hermisito!” Patuloy pa rin kaming tatlo sa paglapit sa trailer van pero nag-aaway pa rin ang dalawa kong kaibigan. Kapwa ayaw nilang tawagin sila ng isa't isa sa mga tunay nilang pangalan.

Dahil na rin sa kasupladahan ni Six at kamalditahan ni Missy, nakarating din naman kami sa likod ng trailer van nila Kenzo. Grabe! Ang hirap makipagsapalaran sa napakaraming tao na may dala-dala pang mga banner, lightsticks, at iba pang merchandise. Sayang nga lang di ko nakita kung ano yung pictures ni Kenzo my love sa mga banner dahil na rin sa dilim. Wala naman kasing nag-expect na susugurin ng fans ang trailer van dahil nasa isang liblib na parking space na ito nakaparada. Pero dahil nga fans being fans, sinugod pa rin.

May nakita kaming isang maliit na bintana sa may gilid.

“Teh, doon ka dumaan, getch? Bilisan mo habang walang taong nakakakita satin dito.” Pinagtulungan ako nilang dalawa na iakyat doon sa bintana.

“Sige, itetext ko na lang kayo pag tapos na! Salamat, Six! Salamat, Missy!” Kumaway ako at mahinang sumigaw sa kanila nang makapasok na ako sa bintana.

Temporarily MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon