Hi! Sobrang tagal, I know. I hope you like this update. Enjoy!
CHAPTER 6:
Her POV
Sabi ng Itay, mag-ingat daw ako sa mga lalaking napakaswabe at mabilis dahil kapag umalis din sila sa buhay ko, swabe din at mabilis. Hindi ko naman iyon pinapansin noon pero sa tingin ko, dapat ko na siyang pakinggang mabuti.
Hindi mahirap kalimutan lahat ng pang-aasar sa akin ni Rye. Actually, madali nga lang talaga dahil sobrang kulit at sweet niya. Sa sobrang ikling panahon, siya na ang male best friend ko. Pero dapat hanggang doon lang kasi may Kenzo pa rin ako. At hindi ko pwedeng maging crush ang isang notorious na bad boy.
Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Ryder at exactly eight days na kaming hindi nagkakatext. Alam ko namang busy siya. Ang dami nilang kailangang gawin. May recording, tv guestings, shooting and pictorial for advertisements. Hindi ko masisisi si Rye kung wala siyang time para sa akin. Isa pa, it's not as if girlfriend niya talaga ako.
"Naika, anak, hindi ba si Kenzo ang gusto mo? Bakit ba boyfriend mo 'yung Bellisario na karibal ng gusto mo?" Hindi naman ito ang unang beses na tinanong ako ni Itay nito. Kahapon pa ako nandito sa bahay namin dahil nagtext siyang nahihirapan siyang maglakad kaya umuwi muna ako.
Hindi naman pala totoo na nirarayuma na naman siya. Gusto lang niya akong kausapin tungkol sa "boyfriend" ko daw. Syempre sinabi ko ang totoo sa kanya kaya ayun, todo-homily siya sa akin. Hindi daw dapat ako nagpapadala sa lalaking iyon dahil swabe moves lang daw iyon. Ewan ko diyan kay Itay saan niya nakuha ang term na 'yan. Hindi ko rin naman siya masisisi. Si Kenzo ang kilala niyang gusto ko at noong time na hindi talaga ako makauwi at kailangang-kailangan ni Itay ng tutulong sa kanya, si Kenzo ang pumunta. Simula noon, botong-boto na si Itay kay Kenzo.
Pero as if naman na magkakagusto iyon sa akin. Unang-una, I'm way out of his league. For the first time in my life, naintindihan ko ang mga katagang "langit ka, lupa ako". Pangalawa, alam na ng mundo na ako ang girlfriend ng karibal niya sa industriya. Saklap ng life.
-iisang kwarto Hindi ko na lang pinansin ang tanong ni Itay at dir in nagtagal ay pumasok na siya sa nagHindi pa naman ako masyadong inaantok so naisipan kong manuod ng tv. Namangha agad ako sa gara ng lugar. Tinignan ko kung anong oras na at mag-aalas onse na pala. Umpisa na ng live broadcast ng VBC Elite Ball. Marami sa mga kaklase ko ang inaabangan ang broadcast na ito dahil ito ang taunang gathering ng mga sikat na celebrity ng leading tv network sa bansa, ang VBC. No wonder ang engrande ng buong place. Mala palasyo. Patalbugan din ang mga mga kilalang tao sa kanilang mga gown at suit.
Nakakatuwang panoorin. Nakita ko na ang appeal nitong Elite Ball sa mga mayayaman kong kaklase. Miski ako ay nangangarap na makapunta din sa ganyang klaseng party. Pinakita ang lahat sa pag-ikot ng camera. Isa-isang tinututukan ng camera ang mga nandoon. Nakakamangha pagmasdan ang mga sikat. Kung kumilos sila aakalain mo walang camera at mga milyon-milyong mga matang nanunuod sa kanila. They all look at ease.
May isang lalaking naka-coat and tie na pinaresan ng maong jeans at white rubber shoes ang nahagip ng camera. Bukod sa piercing niya sa labi, may makinang din na hikaw sa isang tainga niya. Nahagip lamang siya ng camera dahil ang babaeng nakayakap sa kanyang braso ang focus ng camera.
BINABASA MO ANG
Temporarily Mine
RomansaA princess crushing on her knight in shining armor... Nysa Kamie Zabarte is a typical fangirl. Tahimik at walang imik tuwing nasa university pero kapag maka-fangirl naman ay sobra-sobra. She's been crushing on the vocalist of Runaway Ember since for...