Dedicated to my favorite author, my super duper idol! Queen J. <3
PART 1: TEMPORARILY MINE
CHAPTER 1:
Her POV
Umalingawngaw ang hiyawan ng mga fangirl ng bandang Demigod. As usual, napatakip ulit ako ng magkabilang tenga. Kairita ha! Ang lawak naman kasi ng buong Asia Pacific Academe for Elite pero bakit dito pa kasi sa field malapit sa library sila nagpractice? Ang alam ko, ang practice dapat tinatago, hindi ginagawang free mini concert! At isa pa, bawal ang mag-ingay sa library at mga kalapit na lugar nito, so bakit hinahayaan lang ng school ang ganito?!
Aurgh! Damn those rich, manipulative students!
At ang yayabang talaga kasi ng mga lalaki ng bandang yan! Walang-walang sinabi sa banda ng baby ko.
Biglang nag-360 shift ang mood ko. Napabuntong hininga ako sa kilig sa alaala ni baby. Alaala pa lang iyon ah! Pano kaya kung makita ko na si baby ulit??
Biglang tumunog ang cellphone ko na pinagdidikit-dikit na lang ang mga parte ng isang goma. Tinignan ko yung caller ID. Si Edwina. Syempre ako lang pwedeng tumawag ng Edwina sa kanya. Mas kilala kasi siya bilang si Prof. Edwin. Pero dahil isa akong student assistant, madalas makasama ko ang mga professor at naging close ko ang beking prof na iyan. Tas swerte namang ngayong graduating na ako, siya pa ang isa sa mga naging prof ko sa kinakatakutan naming major subject.
“Hello po, beks?”
“Hoy, ikaw na babae ka! Hindi porket friendship kita, pwede mo na kalimutan ang schedule mo sakin! Nasan ka ba at 10 minutes ka ng late sa exam mo?”
Napatingin ako sa relo ko. Shizz! Late na nga ako! Bwisit na Ryder Bellisario yan! Kung hindi siya nagpasya na magpractice ang banda niya malapit dito sa library, di ako madidistract at makakaligtaan ang oras! Ni hindi nga ako nakapag-aral! Errr! Sarap niyang patayin!
“Hala, beks! Sorry na. Nawala sa isip ko tong exam na to. Teka, papunta na ako.” Mabilisan kong kinuha ang mga nakakalat kong gamit at nagmadaling umalis papunta sa room.
Bibigyan kasi ako ngayon ni Edwina ng advance test. Di siya basta-basta nagpapa-advance test dahil pwede itong maging source of leakage pero dahil ako naman ang humiling at valid ang reason ko, pinayagan niya ako.
“Bilisan mo teh! May class pa ako in 45 minutes! Tandaan mo na kapag di mo na-take tong exam mo, itetake mo to kasabay ng classmates mo... habang nagcoconcert ang baby Kenzo mo!! Sige ka! Kaya bilisan mo, teh! Namern! Imyerns!”
BINABASA MO ANG
Temporarily Mine
RomanceA princess crushing on her knight in shining armor... Nysa Kamie Zabarte is a typical fangirl. Tahimik at walang imik tuwing nasa university pero kapag maka-fangirl naman ay sobra-sobra. She's been crushing on the vocalist of Runaway Ember since for...