CHAPTER 4

661 33 4
                                    

CHAPTER 4:

Her POV

I’m doomed.

Bakit ba maling trailer van ang napuntahan ko?! Ang saya ko na kanina eh. Akala ko talaga si Kenzo iyong humalik sa akin. Grabe. Kenzo! Any chance that I have na pwede siyang magkagusto sakin ay nasira na dahil lang diyan sa pesteng Bellisario na ‘yan!

Naiinis talaga ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagsisipain ang dingding dito sa loob ng maliit na kwarto sa trailer ng lintik na Demigod, ang karibal na banda ng banda nila Kenzo.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang pinakabwisit na lalaki sa buhay ko.

“Stop acting as if you don’t want to be my girl. Pinadali ko na nga ang lahat para sa’yo. Sinabi mo kayang mahal mo ako, kung nakakalimutan mo.” I wanna erase that smug look on his face.

“Hindi naman kasi para sa’yo ‘yun. Maling trailer ang napasok ko.” Kumunot ang noo niya at tinitigan niya akong mabuti. Napansin siguro niyang hindi ako nagbibiro at galit na galit na ako.

“Ibang trailer? Dalawang banda lang kanina ang may trailer van.” Alam ko na na na-figure out na niya ang hindi ko masabi. Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagsuntok sa dingding. “Fxck, Naika! Lagi na lang!”

Ako naman ang kumunot ang noo. What the hell is happening? Anong lagi na lang? At bakit ba siya bwisit na bwisit?!

Hindi ko na naitanong ang mga nasa isip ko nang bigla niya akong hinila papunta sa kama. Ang bilis niyang kumilos na natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama at nasa ilalim niya. Mabuti na lang at mahaba ang mga kamay niya kaya malayo-layo ang mga mukha namin sa isa’t isa. Pero gayun pa man, naiilang pa rin ako. This is the guy who makes my life a living hell, for goodness’ sake!

Kung hindi lang siguro nakakainis itong lalaking ito, hahanga din ako dito eh. Kakaiba ang kagwapuhan niya. Mapupungay na mga mata, matangos na long, mapupulang mga labi. Lalaking-lalaki ang tabas ng kanyang panga. No wonder napakadaming babaeng nagpapakabaliw para sa kanya. Ang daming nag-aaway-away dahil lang sa kanya.

“I won’t take back what I said to the media. As far as everyone knows, you’re my girlfriend now.” Seryoso ang mukha niya pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin ito. Pwede namang bawiin niya at sabihing isang malaking misunderstanding lang ang lahat. Sinabi ko iyon sa kanya at umiling siya.

“Hindi mo naiintindihan. Anong idadahilan mo kung bakit ka nandito sa trailer van ng banda namin? Sasabihin mong dapat doon ka sa trailer ng Runaway Ember pupunta pero maling sasakyan ang napasok mo? That won’t work, Naika. Imbis na fans lang ng Demigod ang gagalitin mo, pati fans ng Runaway Ember ang magagalit sa’yo. Pero kung sasabihin mo namang fling kita, I’m sure napakadaming susugod sa’yo. I’m protecting you that’s why I announced you as my girlfriend. That way, walang may dahilan para awayin ka. Sure maraming maiinggit at magagalit sa’yo, but no one would be stupid enough to hurt you because they know you’re with me.”

Temporarily MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon