CHAPTER 5

920 36 9
                                    

Thank you for the inspiration, Insan. Bantayan mo kami diyan sa heaven. This is for you.

CHAPTER 5:

Her POV

“Matagal pa ba, Rye?” Napaikot ako ng mga mata dahil pang-ilang tanong ko na iyon at hindi niya pa rin ako sinasagot. Kanina pa siya type ng type sa phone niya at ayaw niya akong pansinin. Nasa loob kami ng isang bakanteng classroom dito sa loob ng university at gusting-gusto ko nang lumabas. Pinagtataguan namin ang nagluluksa niyang fangirls na gusto daw akong “makilala”. Makilala, my ass. Sinong niloko nila. Gusto lang nila akong pahirapan dahil “inagaw” ko daw ang idol nila. Apparently, boyfriend ng lahat itong si Ryder Bellisario.

Nagpapadyak ako bago padabog na umupo. “Sabi ko naman kasi sa’yo eh! Hindi mo na dapat ako sinamahan ngayon. Ayan tuloy dinumog tayo. Hindi naman ako dudumugin ng fangirls mo kung ‘di ka kasama.”

Bumuntong hininga siya at saka lumapit sa akin. Umupo siya sa teacher’s table na nasa harap ng inuupuan ko. Napalunok ako sa kagwapuhan niya. Napaka-sexy pa niyang tignan habang nakacross ang ankles niya at nakaupo sa desk.

Umiling siya. “Tsk tsk. Napakainosente mo talaga kahit kailan.” Kumunot ang noo ko kaya pinitik niya ito. Napasigaw ako at hinimashimas ang noo ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Nginisian niya lang ako.

“Sikat ako, Naika. Sikat na sikat ang banda ko. Hindi man ako laging nilalapitan ng mga tao dito dahil siyempre, normal lang ang may makasalubong na mga sikat na tao dito sa academy, pero bagong-bago lang ang balita na may girlfriend ako. Hindi ka kilala ng fans kaya gusto ka nilang kilalanin. Dudumugin ka nila. Buti na lang at kasama mo ako at nagawa kong itakas ka sa mga iyon. You should know that even though those girls are high maintenance and from an elite university, they are still fangirls. And fangirls are fangirls. They can’t keep calm.”

Napabuntong hininga na lang ako at napasubsob sa desk ng upuan ko. It has been three days since nung gabing nalaman ng lahat na ako ang “girlfriend” ng Demigod na ito. Pagkadating namin sa Pangasinan nung umaga para sa isang concert nila kinagabihan, dinumog agad ang trailer. Laking gulat ko na mas marami pa ang mga nagdedemand na makita at gustong masilayan ako kaysa sa mga gustong makakita sa apat na myembro ng Demigod.

After nun, hinatid ako ni Rye sa apartment namin ni Six. Lahat ata ng kapitbahay at kabaranggay namin ay nagsilabasan para lang tingnan kami. May mga tanod pa kaming escort. Grabe lang.

Hindi ako mayaman, obviously. Scholar nga ako dito eh. Kaya malamang sa malamang, hindi din sa pangmayaman na lugar nakatirik ang tinutuluyan ko. In fact, medyo masasabi na ngang pang-squatter itong lugar. Madalas pa may away ng mga lasing. Kung hindi lasing na lalaki, mga nagmumurahang mga babae naman. Pero si Rye? Hindi niya ata napansing magulo ang lugar namin. Nakangiti lang siya buong damage at panay ang bati niya sa mga bumabati din sa kanya. Nagpapicture pa nga siya sa kabaranggay ko na bata na may malubhang sakit.

Temporarily MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon