Kabanata 1

560 11 0
                                    

Zeus POV

Maaga akong umuwi galing sa trabaho, excited na kasi akong makita ang asawa ko. Pero bago iyon ay bumili muna ako ng bouquet ng bulaklak upang ibigay ito sa kanya.

Pagdating sa bahay ay naka bukas na ang ilaw. Paniguradong nandito na si Mira.

Mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin. Kaya lagi nalang tuwing umuuwi ako galing sa trabaho ay laging napapawi ang pagod at problema ko kapag nasusulyapan ko siya.

"Hon, andito na ko!" nakangiting bigkas ko bago siya hinalikan sa kanyang pisngi. Inabot ko din dito ang binili kong mga rosas na kanya naman tinaggap ngunit ipinatong lang sa lamesa.

"Kumain ka na dun sa kusina, nakahanda na ang pagkain don!" Malamig na sambit nito.

"Di mo manlang ba ako sasabayan?" malungkot kong tanong.

"Sorry. Wala akong gana" paliwanag niya bago dumiretso sa taas bahay. Naintindihan ko naman iyon at dumiretso na sa lamesa upang kumain.

Malungkot kong nilantakan ang nakahandang pagkain. Masakit na hanggang ngayon ayaw parin akong sabayan ni Mira kumain, malamig pa rin ang pakikitungo niya sakin.

Oo, arrianged marriage kami, pero mahal na mahal ko siya.

Dati nga akala ko magiging maayos na ang pagsasama namin dahil napapalambot ko na siya. Akala ko mahal na niya ako pero mukhang nagkamali ako.

Habang kumakain ay may isang maliit na kamay ang yumakap sa akin. Napangiti nalang ako nang makita ko ang kanyang mukha.

"Tito Zeus!" sigaw nito bago tumalon para maikalong siya.

"Zaiki, kamusta!" bigkas ko dito, bago ko ginulo ang buhok nito.

"Okay lang po Tito, look I got star" sabi nito bago ipinakita ang star sa kanyang braso.

"Ang galing naman ng makulit na bata na to" sambit ko bago pinanggigilan ang pisngi nito.

Apat na taong gulang na si Zaiki, isa na siya ngayong day care student sa kalapit na eskwelahan mula dito. Anak siya ng kasambahay namin.

Dahil kumakain na din naman ako, ay sinubuan ko na ito. Sobrang malapit at special sa puso ko ang bata na ito.

Bigla akong napaisip? Kailan kaya kami magkaka-anak ni Mira? Kailan kaya kami mabibiyayaan ng supling. Pero mukhang malabo iyon dahil halos isang taon ng walang nangyayari samin, ang huling beses pa ay lasing kaming pareho, ngunit hindi naman nagbunga.

Nabuntis ko na din dati si Mira, kaso nakunan naman ito. Siguro isa din iyon sa dahilan kung bakit lalong naging matigas ang pakikitungo nito sa akin.

Habang kumakain ay biglang naghihingalong pumasok sa kusina ang nanay ni Zaiki.

"Zaiki! Bata ka! andiyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap, diba sabi ko wag ka munang lalabas at papalitan pa kita ng pantulog!" salubong nito.

"Eh Mama, narinig ko po kasi si Tito, kaya bumaba ako" wika nito bago tinuloy ang pagkain.

"Zaiki! Diba I said ayokong sinusuway mo ang mama mo? Bad yon! Sita ko. Nakita ko naman na napasimangot lang ito.

"Sorry po" bigkas nito. Nginitian ko naman ito upang maipakitang hindi ako galit sa kanya.

Pagkatapos kumain ay inakyat na nito si Zaiki upang patulugin, may pasok pa kasi ito bukas. Ako naman ay dumiretso sa aking kwarto at naabutang mahimbing na natutulog ang asawa ko. Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang mukha.

Walang pagbabago simula nang makilala ko siya pitong taon ang nakakalipas. Maganda pa din ito, maputi, at may mapupulang labi. Makinis pa rin at nananatiling balingkinitan ang katawan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko ay naabutan ko si Zaiki at ang kasambahay namin na kumakain sa lamesa. Nakabihis na din ng uniform si Zaiki at handa ng pumasok.

Dahil maaga-aga panaman ako para sa trabaho ay napagdesisyunan ko na ako na ang maghahatid sa bata. Pagdating sa school ay masayang nagpaalam sakin si Zaiki bago tumungo sa kanilang classroom.

Ako naman ay dumiretso na sa trabaho dahil paniguradong tambak nanaman ang mga gawain ko.

---o0o---

Umuwi ako ng bahay na hapong-hapo ang katawan. Limang sunod-sunod na meeting kasi ang aking dinaluhan sa araw na ito, at ni katiting na pahinga ay hindi ko nagawa.

Napasalampak nalang ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Nang mahimasmasan ay napagdesisyunan kong umakyat na sa kwarto, ngunit laking gulat ko ng wala doon si Mira. Bigla akong kinabahan, napatingin ako sa aking relo. Fuckshit! Alas diyes na at wala pa siya sa bahay. Sinilip ko ang kanyang kabinet at nakahinga ako ng nandoon pa naman ang kanyang gamit.

Ilang segundo lang ay napagdesiyunan ko muling bumaba at hintayin si Mira. Ilang text at miscalls na rin ang aking nagawa ngunit hindi ko talaga siya makontak.

Dahil sa kaba ay tinawagan ko na ang kanyang bestfriend na si Kianna.

"Hello, who's this?" Bungad nito sa akin. Maririnig sa kabilang linya ang malakas na ugong ng tugtog.

"Si Zeus to, asawa ni Mira, Are you with her?" Tanong ko.

"Oo, kanina kasama ko siya. Kaso lasing na lasing na kaya pinauwi ko na!" bigkas nito. Bigla kumulo ang aking dugo sa narinig.

"What? Lasing na lasing tapos pinauwi mo? Nahihibang ka na ba?" asik ko.

"Don't worry, inihatid siya ni Xandro. In a couple of minutes siguro nandiyan na yan sa inyo!" Sabi nito. Nagpantig ang tenga ko sa pangalan ng lalaking binaggit ng kaiibigan ni Mira. Xandro, ang lalaking laging nakaaligid sa aking asawa.

Tama si Kianna, ilang minuto lang din ay dumating na si Mira pagewang-gewang habang inaalalayan ni Xandro at nakaakbay sa balikat nito. Agad kong kinuha si Mira sa lalaki.

"Dude, makakauwi ka na! Ako ng bahala sa ASAWA ko." bigkas ko dito, papapasukin pa nga sana ito ni Mira kaso pinigilan ko na agad iyon mangyari.

Segundo lang din ang tinagal ay umalis na ito sa bahay.

Dinala ko naman si Mira sa aming kwarto upang ihiga. Pasuray-suray pa itong lumakad kaya nahirapan kami nung nasa hagdan na, buti nalang mahigpit ang kapit ko sa kanya upang hindi siya mahulog.

"Mira, Ano bang nakain mo, bakit ka naglasing?" sambit ko. Nakainom man ay alam kong naiintindihan pa rin niya ako.

"H-hindi ako lasing *hik*, at w-wla kang p-paki *hik* elam, pwede bang t-tigilan mo ko!" bigkas nito. Nasaktan ako sa sinabi niya pero sanay na naman ako.

"Mira, ayaw kong mauulit na uuwi ka ditong lasing at ganyan ang itsura, pinag-alala mo ko!" sambit ko ngunit umirap lang ito at tumalikod sa akin, dahil doon ay biglang nag-init ang dugo ko at hinablot ang kanyang braso.

"Wag mo akong tinatalikuran Mira kapag nagsasalita ako! Bihira ako magalit pero matindi kapag napuno mo ko!" sambit ko ngunit tinitigan lang niya ako ng masama.

Nahimasmasan nalang ako ng may mga tumutulo na palang luha sa kanyang mga mata.

***If you like it, please click vote!***

The Reason (Mini Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon