Ang Huling Kabanata

688 17 12
                                    

Zeus POV

It's been days when Mira leave me, Halos araw-araw ay tinutuon ko ang atensyon ko sa trabaho, halos hindi na nga ako kumakain at umuuwi ng bahay.

Habang nasa lamesa ay bigla ko nanamang naalala si Mira. I really miss her. Kinuha ko ang wedding picture namin dalawa na nasa drawer ng lamesa ko upang tingnan iyon, pero di sadyang nahulog ko din yung maliit na box na iniregalo sakin ni Mira nung time na tuluyang nakipaghiwalay siya sa akin.

Halos nakalimutan ko na nga itong tignan dahil lugmok ako ng mga nakaraang araw.

Dahan-dahan ko itong binuksan na sana hindi ko nalang pala ginawa dahil bumungad sa akin ang wedding ring namin na ikinaluha ko.

Pinapalaya na talaga niya ko! Fuck ang sakit! Pagkakuha sa ring ay napansin ko din ang isang sulat na aking binasa.

Dear Zeus

Mahal, siguro kapag nabasa mo ito, wala na ako sa bansa. Malayo na ako't nagtatago kung saan mang lupalop ng mundo. Hindi kita gustong iwanan Zeus, pero hindi ko na kasi kaya. Sobrang sakit na! Sobrang sakit na tila ba pinipiga ang puso ko sa bawat araw na nakakasama pa kita.

Tanda mo pa nung kinasal tayo? Akala ko blessing in disguise iyon dahil matagal na akong may gusto sayo. Kaso naging matigas ako ng unang taon dahil sinubok ko muna ang nararamdaman mo.

Pero hindi mo ako sinukuan, niligawan mo ko kahit mag-asawa na tayo kaya't sinagot kita kasi sobrang mahal na kita.

Simula noon ay ibinigay ko ng buo ang sarili ko, naging isang mabuting maybahay ako at pinagsilbihan kita ng buong puso ko at nagbunga naman ang ating pagmamahalan.

Kaso mapait ang tadhana, nung araw na sosopresahin sana kita at ipapaalam na buntis ako ay nahuli ko kayo ng kabit mo na nagsisiping sa mismong kwarto natin.

Nabigla ako sa nakita ko, hindi ko naisip na kaya mong gawin sa akin iyon dahil ang tanging ginawa ko lang naman ay mahalin ka.

Hindi ko din pinaalam sayo iyon, dahil natatakot ako. Hindi muna kita kinompronta dahil natatakot ako para sa anak ko, na baka ipagpalit mo kami para sa kerida mo.

Inilayo ko ang loob ko sayo para hindi ko maalala ang mga panggagago mo. Kaso wala eh, dala ng stress, nadamay ang baby natin. Nawala ang kaisa-isang bagay na magpapatibay sana sa samahan natin dahil naging mahina ako.

Ilang buwan bago mawala si baby nalaman kong nabuntis mo ang kabit mo. Sabi mo kaylangan niya ng trabaho kaya ipinasok mo siyang kasambahay natin.

Nang ipinakilala mo siya sabi mo matalik mo kamo siyang kaibigan na nangangailangan ng trabaho dahil inabandona ng boyfriend nito nang malamang buntis siya. Pero hindi niyo ako maloloko, dahil nung una palang ay alam ko na ang sikreto niyo.

Na kapag wala ako sa bahay nagkikita kayo ng palihim sa likod ko. Naghahalikan, nagyayakapan at gumagawa ng milagro na parang dalawang taong nagmamahalan.

Mahal na mahal kita Zeus, sana lagi mong pakakatandaan iyon. Sana pinakatandaan mo iyon ng hindi nangyari ang lahat.

Kaso hindi ko na kaya eh, kaya ako na ang kusang lumayo sayo dahil di ko na kayang magtiis. Inilayo ko yung sarili ko sayo, gumawa ako ng pader sa pagitan nating dalawa. Hindi mo naman ako masisisi diba? Sobrang sakit ng ginawa mo sakin.

Nagtaksil ka sa likod ko, ang malala ay ibinahay mo pa ang kabit mo at ang anak mo ng ilang taon kasama ako. Pero, wala ka namang narinig mula sa akin diba?

Gusto kong lumaban, gustong-gusto ko. Kaso naisip ko, ano pang kwenta ng mga ipaglalaban ko kung ang sarili ko nga hindi ko kayang mahalin.

Kaya kong tiisin ang sakit na pisikal Zeus, pero hindi ang mental at emotinal. Dahil ang sugat, gumagaling, pero ang sakit na dinulot mo habang buhay ng nakatatak sa puso ko.

At yung paratang mo na may relasyon kami ni Xandro, walang katotohanan ang lahat ng iyon. Oo, may gusto sa akin si Xandro, inamin niya iyon sa akin, pero naging totoo ako sa kanya na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya.

Mahal kita at ni minsan ay hindi ko kayang magtaksil sayo, hindi ko kaya ang ginawa mo.

At para kay Zaiki naman. Patawad kung naging masama ang turing ko sa bata. Alam kong wala siyang kasalan, pero kahit ano kasing gawin ko, siya ang nagpapaalala ng lahat. Mabait na bata si Zaiki, kaya't pakakaingatan mo siya at alagaan.

Patawad Zeus, pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Kailangan ko munang buuin ang nawasak na pagkatao ko.

Hindi ko alam kung babalik pa ko o kung makababalik pa ko. Sana wag ka na ring umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Pinapalaya na kita.

Hindi kita makakalimutan. I love you, Zeus. Mahal na mahal kita, Sobra!

Napaiyak nalang ako sa aking nabasa.

Patawad Mira. Patawarin mo ko sa lahat ng kasalanan ko. Mahal na mahal kita.

Siguro nga ito na yung time upang palayain ka, upang makawala ka sa sakit na idinulot ko. Mahal na mahal kita.

Ipinapangako ko hahanapin kita. At sa panahong iyon, muli kitang liligawan. Itatama ko ang pagkakamali ko, at kapag nahanap na kita ay di na kita muling sasaktan pa mahal ko.

---o0o---

Sobrang pighati ang nadarama ko ngayo't iniwan na ako ng asawa ko. Tuluyan na siyang nawala sa akin.

Nagmamadali akong umuwi sa bahay. Gusto kong umiiyak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak.

Umaasa ako na sana nandun siya, nakangiting sinasalubong ako tulad ng nagsisimula palang kami. Yayakapin ako at tatanungin kung kamusta ang araw ko, kaso mukhang malabo na iyong mangyari

Dahil sa pag-uwi ko ay ang anak kong si Zaiki at ang nanay nitong si Maika nalang ang aking tanging inabutan.

---Wakas---

***If you like it, please click vote!***

The Reason (Mini Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon