Kabanata 4

419 4 1
                                    

Zeus POV

"P-Patawad!" mahina kong bulong sa asawa ko, bago ako tumayo sa kama.

Ginahasa ko siya! Paano ko nagawa iyon sa kanya? Ang tarantado ko. Ang gago-gago ko.

Tinignan ko ang mga mukha nito. Sariwa pa rin ang pasa nito sa pisngi, gulo-gulo din ang buhok nito dahil sa pagpipiglas kagabi habang winawalanghiya ko siya.

Habang pinagmamasdan ko ito ay naiyak na din ako. Masama ba kung ayaw kong mawala ang asawa ko? Tinitiis ko naman, pero tao lang din ako at napupuno.

Bumaba ako upang magluto ng agahan. Pagbaba ko ay naabutan ko si Zaiki na naglalaro ng laruang kotse nito sa sala. Regalo ko ito sa kanya nung birthday niya.

"Broom, broom!" likhang tunog nito.

Dahil naman sa yapak ng aking paa ay napukaw ko ang atensyon nito. Napatingin ito sa akin at biglang sumilay ang napakalambing na ngiti.

"Tito Zeus! Goodmorning po!" bati nito. Dinaluhan ko naman ito at niyakap. Dahil dito ay tila nawala ang sikip ng aking dibdib sa aking nagawa.

"Tito, bakit po kayo malungkot? Nag-away po ba ulit kayo ni Tita Mira?" tanong nito.

Matalinong bata si Zaiki, kaya di na ko magugulat kung minsan ay nakikita niya ang pagsasagutan namin ni Mira.

"Hindi, puyat lang si Tito kaya bad mood ang gising" dahilan ko. Totoo din naman na hindi ako nakatulog. Pagkatapos ko kasing pagsasaan ang katawan ng aking asawa ay tsaka ko lang na realize ang nagawa ko, hindi ako pinatulog ng konsensiya ko kaya't alas-tres na din nang dinalaw ako ng antok

Ilang minuto lang ay napagdesisyunan ko ng pumunta sa kusina. Balak kong ipagluto si Mira.

Alam kong malaki ang posibilidad na hindi niya iyon kainin. Pero, I want to to this.

---o0o---

Nasa likod bahay ako ngayon, gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin ngunit dala ko pa din ang laptop ko upang ipagpatuloy ang ginagawa kong proposal para sa bagong project ng kompanya.

Kagabi ko pa ito pinagpupuyatan, kaso hanggang ngayon ay hindi pa din nagiging solid ang gawa ko. Syempre, hindi naman kasi makapapayag ang mga investors kung makakakita sila ng butas sa aking gawa.

Habang nagtitipa ay may isang malakas na iyak ang pumukaw sa atensyon ko. Boses iyon ni Zaiki.

Walang patumpik-tumpik ay iniwan ko ang ginagawa ko. Natagpuan ko nalang sila sa kusina.

Si Mira na nagpupuyos sa galit, at si Zaiki na umiiyak.

"Anong nagyari dito?" gulat kong tanong. Tumingin naman sa akin si Zaiki na tila humihingi ng tulong.

"Yang magaling na bata na yan! tinapunan ako ng kape. Aalis nalang ako ng bahay, dinumihan pa ko, kabwiset?" nanggagalaiting litanya ni Mira.

"S-sorry po *sob* Tita Mira!" iyak nito.

"O sige na tahan na!" pag-aalo ko. Nakita ko naman ang pag-irap ni Mira.

"S-sorry po talaga T-tito!"

"Sige na Zaiki, pumunta ka na sa kwarto mo" sabi ko bago ito nagmamadaling tumakbo palabas ng kusina.

"Anu bang problema Mira? Pati ba naman bata?" asik ko.

"Eh aalis nalang ako dinumihan pa ko eh. Ano bang kinagagalit mo? Hindi ko naman sinaktan yung bata, nasigawan ko lang!"

"Pero bata yon Mira, masamang tinatakot at sinisigawan ang mga bata!"

"Ano bang pinuputok ng butsi mo ha? Pasalamat nga yung bata na yon dahil iyon lang ang nagawa ko sa kanya. Kairita! aalis nalang naabala pa. Palibhasa kasi anak lang ng isang mahirap na kasambahay. Tsk!" bulyaw nito.

---o0o--

Busy ako sa opisina ngayon dahil sa tambak na trabaho. Kanina pa ako pirma ng pirma ng mga papeles at mga dokumento na nasa harap ko pero tila hindi ito nauubos.

Maya-maya ay pumasok ang aking matandang secretary. May inabot ito sa aking isang envelope.

"Sir, pinabibigay po nung mail man, para sa iyo daw po"

"Kaynino daw ito nanggaling?" tanong ko.

"Kay Ma'am Mira daw po!" saad nito. Dahil sa matinding kuryosidad ay dali-dali ko itong binuksan.

Halos manikip ang dibdib ko sa kaba.

What the Fuck! What's with the Annulment paper?

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko, Kinuha ko ang mga gamit ko. Kailangan kong makita at makausap ang asawa ko.

"Sir, san po kayo pupunta, may meeting pa po kayong mamayang 1"

"Cancel all my meetings and appointment!" utos ko.

"Pero po sir, mahalaga pong clients ang....."

"I said cancel it all!" sigaw ko. I'm frustated. Hindi ako makakapayag sa gusto ni Mira.

"Okay po sir!" bigkas nito pero di ko na pinansin.

Mabilis akong umalis ng trabaho. Pagkasay ko palang ng kotse ko ay pinaharurot ko na ito pauwi.

***If you like it, please click vote!***

The Reason (Mini Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon