Kabanata 6

463 9 0
                                    

Zeus POV

Isang linggo na rin ng aksidenteng pagkakahuli ni Mira sa amin. Masakit dahil ng gabi ding iyon ay nag-impake na ito ng kanyang gamit at di ko na napigilan.

Hindi ko parin pinipirmahan ang annulment paper na gusto niya. I won't ever do that.

Nasa mini bar ako ng bahay namin, umiinom at tila walang pakiaalam sa buhay, isang linggo na akong hindi pumapasok sa trabaho. I'm such a messed.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakadukdok ang mukha sa lamesa.

Pagkagising ko ay agad kong nadama ang pananakit ng ulo ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na, pero mas pumukaw sa atensyon ko ang text na mula kay Mira.

From: Mira 📲

Magkita tayo! sa lugar kung saan tayo naging official. 8pm mamayang gabi.

---o0o---

Nagdadrive ako ngayon papunta sa napag-usapang tagpuan namin ni Mira. It's the rooftop kung saan niya ako sinagot.

Napatingin ako sa aking relo, it's already 8:30 at late na ako. Buwisit kasi na traffic ito.

Pagdating sa isang malaking building ay agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang pinakamataas na floor, kaso peste at may mga nakasabay pa ako.

Pagdating sa tuktok ay agad kong nilibot ang rooftop. Nakita ko si Mira na nakatalikod at pinagmamasdan ang langit.

"Sorry, nalate ako!" bigkas ko na pumukaw sa atensyon nito.

"No, that's okay!"

"Mira, I'm sorry" pambungad ko.

"Sorry sa lahat ng sakit na dinulot ko! Sorry sa lahat! Sana paniwalaan mo ako, walang namamagitan sa amin ni Maika!" dagdag ko pa.

"Zeus, wag ka ng magsinungaling. I knew it from the start"

"What do you mean?" nagtataka kong tanong.

"Your Affair" sabi nito na nakapagpatahimik sa akin.

"Pero papaano? I thought....A-akala ko hi---n........Sorry! Patawarin mo ko hon" wala na akong ibang nasabi kung hindi ang humingi ng tawad.

"I already forgiven you, but I never forgotten. Siguro hanggang dito nalang tayo!" litanya niya, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong iparamdam kung gaano ko siya kamahal, ngunit wala akong lakas.

"Hon, wag naman oh! Give me a second chance please!" pakiusap ko pero hindi ito umimik

"Mira, minahal mo ba ako?" tanong ko.

"Hindi lang mahal, MAHAL NA MAHAL. Sorry kung hindi ko naipakita at naiparamdam? natakot lang ako!" sambit niya.

"Remember the day we married, nagkagulatan pa tayo kasi hindi natin alam na tayo pala ang ikakasal. We are schoolmates but were never been closed to each other. Humarap tayo sa altar not because of the love but because of business matter. Kaya siguro hindi nagwork kasi hindi matibay ang pangako natin sa diyos, we married for convenience of each other." sabi nito bago ako tinignan ng diretso sa mata.

"And we just ended up hurting each other. Siguro eto na yung time para palayain na nating ang isa't isa." litaniya niya, hindi na rin nito napigilang umiyak. Wala na akong nagawa kundi ang yakapin ito mula sa likod kahit alam kong puro sakit lang ang dulot ko.

"No Mira, please wag. Aayusin natin to. Don't do this, don't leave me!"

"Zeus a-ayaw ko mang iwanan ka pero the d-damage is already done. P-patuloy lang natin m-masasaktan ang isa't isa kung ipagpapatuloy pa n-natin to."

"Please, trust me Mira. Aayusin ko to. Mahal kita Mira, wag mo namang akong iwanan."

"I'm sorry Zeus. I can't hindi ko na kaya!" sabi nito dahilan upang magbagsakan na din ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.

May kinuha itong isang kahon mula sa kanyang bag at inabot sa akin.

"This is my gift for you, Happy eight year anniversary Zeus, paalam!" sabi niya bago tumakbo at iniwan akong umiiyak at hilam na hilam ang mata dahil sa luha.

"Hihintayin kita!" mahinang bigkas ko bago naglaho ng tuluyan sa mata ko ang babaeng minamahal.

***If you like it, please click vote!***

The Reason (Mini Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon