Kabanata 3

427 8 2
                                    

Zeus POV

"Sir, mukhang napuruhan pa po kayo ah!"

"Okay lan yon! Napuruhan ko rin naman ang gagong iyon!" bigkas ko.

Tinutulungan ako ng kasambahay naming gamutin ang pasa ko. Pinakuha ko kasi siya ng yelo at bimpo. Ako dapat ang magdadampi nito sakin kaso nagvolunteer na siyang tulungan ako kaya di na ako naka angal. Wala na din kasing lakas ang braso ko dahil sa mga pinalipad kong suntok kanina.

Pagkatapos magamot ay umakyat na ko sa kwarto. Namataan ko nalang na tulog na ang asawa ko.

---o0o---

Dahil sa pangyayari ng mga nakaraang araw ay lagi nalang akong napaparanoid kapag wala si Mira. Mas lalo na kapag ginagabi ito. Sanay kasi itong hindi nagpapaalam sakin.

May tiwala naman kasi ako sa kanya. Pero nung nakita kong kasabay niyang kumain si Xandro, lagi na akong nagooverthink sa mga bagay-bagay.

Lagi ko na siyang pinamamanmanan sa mga tauhan ko, sinisigurado ko rin kung saan siya nag pupupunta.

Isang gabi hindi umuwi si Mira. Sa sobrang alala ko ay hindi ako nakatulog ng kakahintay sa kanya. Tinawagan ko ang mga kaibigan niya ngunit walang sumasagot.

Napag-alaman ko nalang na nasa Zambales daw ito kasama ang mga kaibigan. Ni hindi ito nag-atubiling magpaalam sakin.

Ang nakakaputangina ay kasama din nito ang gagong si Xandro.

Tatlong araw silang nawala, tatlong araw na din akong hindi mapakali at gustong malaman kung anong ginagawa niya. Gusto kong sumunod doon pero alam kong magagalit nanaman iyon.

Ni reply sa mga text ko ay hindi niya nagawa.

---o0o---

Ngayon ang uwi ni Mira ayon sa mga imbestigador na inupahan ko. Nasa veranda ako ngayon at medyo may tama na ng alak. Matamang hinihintay ang asawa kong umuwi.

Bandang alas-nueve nang maranig ko ang langitngit ng gate namin. Sinilip ko kung sino iyon at nakita ko si Mira at si Xandro.

Pinagmamasdan ko lang kung ano ang gagawin nila. Halos mawasak ang puso ko ng biglaang halikan ni Xandro ang asawa ko. Halatang nagulat pa si Mira sa ginawa nito.

Smack lang iyon, ngunit sobrang nakapagpainit ng ulo ko at the same time ay nakapag-palumo sa akin. Walang ibang may karapatang magmay-ari sa asawa ko kundi ako lang, ako lang at wala ng iba.

Dali-dali akong bumaba ng hagdan, gusto kong patayin ang lalaking iyon. Kaso pagbaba ko ay kakaalis lang ng sasakyan nito at ang bumungad nalang sa akin ay si Mira na papasok ng pintuan ng bahay namin.

"Saan ka nanggaling?" tanong ko pero hindi ito umimik.

"Bakit hindi ka nagpaalam sakin? I texted you many times, pero ni isang reply wala ka manlang sinabi!" asik ko.

"Pwede ba Zeus, I'm tired!" angal nito.

"Pagod? Saan sa lalaki mo? Di ko alam na malandi ka pala! at sa harap pa ng pamamahay natin kayo naghalikan?" litanya ko, halata naman na nagulat ito sa tinuran ko.

"So you're acting like a jealous husband? Nakakatawa!" pambabara nito.

"Asawa mo ko Mira, pero bakit mo ako ginaganito? Ayoko na Mira, masakit na" saad ko habang turo-turo ang dibdib ko.

"At sayo pa nanggaling yan ngayon? Napakamakasarili mo Zeus, ako ba tinanong mo kung gusto ko pa?" sambit nito na ikinatahimik ko.

Dahil sa kalasingan ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Hinablot ko ang buhok nito at nasampal ko ang pisngi nito.

"Bakit? Dahil ba sa lalaki mo? Dahil ba sa Xandro na yan kaya ka nagkakaganyan? Ano, hihiwalayan mo na ba ko?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi naman ito nakasagot at tinitigan lang ako ng masama.

"Tangina! Magsama kayo ng lalaki mo!" sabi ko bago iniwan si Mira sa sala.

Minabuti ko ng umakyat at bumalik sa Veranda at baka mas malala pa ang magawa ko sa kanya. Napagdesisyunan kong ituloy ang pag-inom ko ng panandalian akong makalimot.

---o0o---

Isang gabi, naalimpungatan ako sa pagkakatulog. Napapitlag nalang ako ng wala ang asawa ko sa tabi ko. Pinuntahan ko siya sa banyo, ngunit wala din siya doon kaya lumabas ako ng bahay.

Nakita ko siya sa sala na umiiyak, at yakap-yakap ang unan habang nakayukyok ang mukha dito. Naaawa ako dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan, kung hindi lang sana bumugso ang damdamin ko nung nakaraang araw ay hindi ko siya mapagbubuhatan ng kamay.

Lalapitan ko na sana siya upang patahanin ngunit sakto naman na tumunog ang kanyang telepono. Dahil sa kuryosidad ay pinili ko munang wag siyang lalapitan upang makinig sa kanilang pag-uusapan. Kahit hindi ako ganoong kalapit ay nilakasan ko ang aking tenga sa kanilang pinag-uusapan.

"Ayoko na, n-nung nakaraan napagbuhatan na din niya ako ng k-kamay!" humikbi nitong wika.

"Oo s-sasama na ako sa kanya! H-hindi ko na kayang magstay dito" wika pa nito, tila natuod ako sa kinatatayuan.

Sasama? So tama ang hinala ko ng may relasyon sila? Mga walanghiya.

Biglang nandilim ang aking paningin. Kung kanina'y naawa ako, ngayon muling nag-alab ang aking galit.

Nakita ko nalang na hawak-hawak na ng aking kamay ang kanyang mga buhok at hinihila siya sa aming kwarto. Nagpupumiglas siya ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Aray, nasasaktan ako Zeus" litanya nito.

Pagkabukas palang ng pinto ay inihagis ko na siya sa kama at mariin siyang hinalikan.

Hindi siya tumutugon kaya't lalo akong nainis. Sa sobrang galit ko ay pinunit ko ang kanyang damit at sapilitang nakipagtalik sa kanya.

***If you like it, please click vote!***

The Reason (Mini Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon