Kabanata 2

445 8 0
                                    

Zeus POV

Isang linggo na magmula nang uminom si Mira. Simula din non ay hindi na niya ako pinapansin. Mas lalong nanlamig sa akin ang asawa ko.

Hindi ko naman maipagkakaila na ayaw na talaga niyang makita ang mukha ko. Alam kong ayaw na niya sa kasal na to, halata naman sa kinikilos niya, pero hindi ko siya kayang pakawalan dahil ikamamatay ko yon.

Mahal na mahal ko ang asawa ko. Mahal na mahal ko si Mira kahit hindi na niya kayang hawakan ang relasyon namin at gusto na niyang kumalas. Alam kong may flaws din kong bilang asawa, ayoko maging selfish pero ayoko din naman maiwanan.

Nasa isang restaurant ako ngayon, kasama ko ang aking dalawang business partners. Nagkayayaan kasi tutal katatapos lang ang conference na aming dinaluhan.

Nababagot man ay nakikisabay pa din ako sa usapan ng dalawa kong kasama. Magbestfriend kasi ito, kaya minsan pakiramdam ko out of place ako sa kanilang pinag-uusapan kaya pinipili ko nalang ngumiti.

Habang naghihintay ng order ay nakatingin lang ako sa labas. Nag-iisip kung paano susuyuin ang galit kong asawa.

Nabalik nalang ang atensyon ko sa aking mga kasama ng dumating na ang aming pagkain.

Matatapos na kaming kumain ng may isang babae ang pumukaw sa aking paningin. Nakatalikod ito sa akin ngunit kilalang kilala ko ito.

Lumingon ito sa gilid. Nakumpirma kong ito si Mira. Tatayo na sana ako upang lapitan ito ngunit nagulat nalang ako ng may isang lalaki ang umalalay dito paupo sa isang lamesa.

Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa aking nakita. Si Xandro nanaman! Fuckshit.

Matamang pinagmamasdan ko sila sa malayo. Hindi ko sila kayang lapitan, hindi dahil sa takot akong gumawa ng eskandalo kundi dahil natatakot akong malamang baka may relasyon sila.

Masikip sa dibdib habang pinapanood ko ang sarili kong asawa na napapatawa ng ibang lalaki. Masakit na napapangiti siya ng hindi ikaw yung dahilan.

Maya-maya pa ay biglang pinanunasan ni Xandro and labi ni Mira, dahil doon ay napatayo na ako dahil sa nagpupuyos na galit.

Dali-dali akong pumunta sa lamesa nila at hinaglit ang braso nito.

"Mira!" wika ko, halata namang nagulat ito dahil sa kanyang reaksyon.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"Diba ako dapat ang nagtatanong niyan sayo? What the heck are you doing here kasama ang lalaki na yan?"

"W-we're on a f-friendly date. Wala naman sigurong masama dun diba?" sabi nito bago nakipaglabanan ng titig sa akin.

"Tumayo ka na diyan, uuwi na tayo!" malumanay ngunit maotoridad kong utos. Hawak ko parin ang braso nito at patuloy na kinokontrol ang galit ko.

"Ano bang problema mo Zeus? bitawan mo ko!" asik nito.

"Uuwi na tayo!" pag-uulit ko.

"At bakit ako sasama sa iyo?" tanong nito.

"Because I'm your HUSBAND, at may karapatan ako sayo!" sambit ko, tumingin naman ito sa akin sabay ngumisi na tila nang-iinis.

"Tama, ikaw nga pala ang walang kwenta kong asawa!" nanghahamak nitong sabi.

"Wala akong pakialam sa mga gusto mong sabihin. Let's go!" sabi ko. Hihilain ko na sana ito patayo pero matigas ito sa kanyang kinauupuan. Dahil doon ay mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay kaya napilitan itong sumunod sa akin.

"Anu ba Zeus? Let me go! Let go of my hand" bulalas nito, pero hindi ko ito pinakinggan at pinagpatuloy ko lang ang paghila dito palabas ng restaurant. Kitang-kita kung paano ito masaktan sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Ano ba pre, nasasaktan si Mira" wika ng isang lalaki, tumalikod ako at nakita ang nakasunod na si Xandro.

"Wag kang maki-alam dito!"

"Puta pre, nasasaktan ang asawa mo! Bitiwan mo siya" bulyaw nito na ikinadilim ng paningin ko. Tulad ng sinabi nito ay binitawan ko si Mira bago ko siya inambahan ng suntok.

"Tangina mo pala eh!" sigaw ko bago ko sinapak ang mukha nito.

Gumanti naman ito dahilan at nagpalitan kami ng suntok sa bawat isa, nagkagulo din ang mga tao.

"Zeus, Xandro tumigil na kayo" humihiyaw na sigaw ni Mira. Pero hindi ko iyon inintindi. Gusto kong puruhan ang putanginang lalaki na to.

Patuloy kaming nagsunggaban ng suntok.

Ilang saglit lang ay may mga gwardiya ng pumigil sa amin dahilan para matapos ang eksena na ginawa namin.

Umalis ang lalaki. Ako naman ay naiwan kasama si Mira na umiiyak sa isang gilid.

---o0o---

"S-sorry" bigkas ko paghinto palang ng sasakyan.

"Mauuna na ako sa taas, pagod na ko" malamig na tugon nito bago binuksan ang kotse para lumabas ngunit agad kong hinawakan ang kamay nito at hinila siya sa akin upang mayakap.

"Anu ba, Zeus! Bitawan mo ko! Hayaan mo muna akong magpahinga" bulyaw nito habang nagpipiglas.

Dahil doon ay mas lalo ko itong hinigpitan. Namalayan ko na may nga luha na naglalandas sa aking mga mata.

Bigla akong naghina dahilan upang lumambot ang yakap ko at kumawala sa aking bisig si Mira.

***If you like it, please click vote!***

The Reason (Mini Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon