"Munting gunamgunam ng sinta ko't Mutya nang dahil sa aki'y dakila kong tuwa, higit sa malaking hirap at dalita parusa ng taong lilo't walang awa." -28
10/27/14
Kaarawan ko ngayon! Ibig sabihin ay 15 na ang edad ko... ay! level 15 pala. Sana naman ay may magabago sa akin, pero kalimutan ko muna yun dahil Mukhang masaya ang mangyayari ngayon!
Oo nga pala! May pasok ngayon,Bakit pa kasi may pasok sa aking kaarawan? Pero kahit may pasok makikita ko si Marie(Mary) ngayong araw na ito.
Pagkatapos kong maghanda ay umalis na ako patungong Eskwelahan, ano kaya mangyayari mamaya? Sana ay maganda naman ang mangyari.
Makalipas ng ilang minuto.
Nandito ako. Umakyat ako at Pagkadating ko sa aming silid aralan ay Binati ako ng aking mga kaklaseng maaga pumasok tulad ni Den at Pete at Oo nga pala isa din ako sa mga Estudyanteng maaga pumasok.
Parang sa Paggamit lang ng Computer, dapat maaga ka para wala kang kaagaw.Makalipas ng Sampung minuto ay dumating si Joy at Yen. Mukhang may dala silang nakakaiba sa aking paningin. Tinanong ko sila.
"Joy, Yen, ano yan?"
"Basta." Ang sabi nilang dalawa
"Ahhh ok." Hindi talaga ako maunong makipag usap ng matagalan. Dahil ata sa pagiging mahiyain ko sa babae eh.
Ilang saglit ay bigla nila akong tinawag.
Pagkalingon ko ay nakita ko ang dala dala nila kanina at sabay nanagsabing "Maligayang Kaarawan!" At binigay sa akin ang Dala dala nila kanina."Salamat! Ano ito?"
"Basta! Buksan mo na lng" sabi nilang dalawa.
Pagkabukas ay nakita ko ang isang Cake na kasing laki ng aking kamay. Pinasalamatan ko ulit sila sa aking natanggap at sila ay nagpalitrato sa akin. Ano ito isang Dakilang pangyayari katulad sa mga Online na laro? Pero dahil doon ay Unti unting sumasaya ang araw ko dahil sa binigay nilang Cake sa akin.
Nang tumunog ang bell ay nagsimula na ang klase. Dito ko naramdaman na magkakaroon kami ng madaming gawain.
Ang unang guro namin ay nagbigay ng Takdang aralin sa amin.
Heto lang naman ang gagawin namin diba?Ang guro namin sa Siyensiya ay nagbigay din ng Takdang aralin.
Siguro naman hindi naman madadagdagan ito katulad ng mga pithaya sa nilalaro diba?Ang guro namin sa Ingles ay binigay ang proyektong gagawin namin.
*nagdadasal na sana magawa lahat ng gawain*Pagkatapos ay kami ay nagsimulang kumain ng aming recess. Kinain ko ang binigay nilang Cake sa akin pero hinatian ko naman ang mga nagbigay sa akin dahil hindi ko kaya ubusin ito kahit ito ay maliit lamang.
Pagakatapos ay nagsimula nanaman ang klase. Sinabi ko sa aking isipan ay sana huwag naman magbigay ang aming susunod na guro ng Takdang aralin.
Pagkatapos na dalawang oras, kami ay kumain ng aming tanghalian.
Katabi ko nanaman ang mga hinatian ko ng Cake kanina. Tahimik lang akong kumain.Sumunod na guro naman ay ang paborito naming guro. Siya ay nagistorya sa amin at dahil alam niyang kaarawan ko ay ipinatatamaan niya ako. Tumawa lamang ako sa mga pinagsasabi ng aking guro.
Pagkatapos ng tatlong oras ay pinauwi na kami, ang lagi kong ginagawa ay tumatambay muna sa tindahan malapit sa paaralan namin. Nandoon din si Marie (Mary), tama nga ang mga sinasabi ng mga kaklase ko na bibisita daw siya. Tinulungan ako ni Pete na makipagusap sa kanya at ang sinabi ko lang ay "Hi". Yun lang ang sinabi ko dahil sa pagiging mahiyain sa babae.Natanggal lahat ng hirap ko dahil sa mga gro na nagbigay ng mga Takdang aralin ng makita ko lang si Marie (Mary).
Pagkauwi ko ay tuwang tuwa dahil doon sa nangyari.
Pagkadating ko ay may handa ang nanay ko para sa akin at kumain ako. Bago gumawa ng mga takdang aralin ay naglaro muna ako sa aking computer. Tsaka ko ginawa ang mga takdang aralin ng pagkatapos ko magawa ang mga pithaya sa linalaro ko. Tulad sa linaro ko, tinapos ko din ang mga Takdang aralin na parang Pithaya. Inabot ako ng Alas onse ng gabi nun. Nang dahil kay Marie (Mary) ay nawala ang pagod ko sa paghihirap sa paggawa ng mga Takdang aralin na ibinogay ng aming guro.
BINABASA MO ANG
Laro ng Buhay
Teen FictionAng "Gamer" ay isang salita na tumutukoy sa isang manlalaro ng mga Video Game. Isa si Toby sa mga manlalarong iyon, pero ng dumating ang Isang kahon dun nagsimula ang mga pagsubok niya sa buhay. Malalagpasan niya kaya ang mga pagsusubok? Alamin sa...