8. Paghingi ng Pagdamay

13 0 0
                                    

"Halina, Laura't aking kailangan ngayon ang lingap mo nang naunang araw; ngayon hinihingi ang iyong pagdamay, ang abang sinta mo'y nasa kamatayan." -55

5:21 A.M

Ahhhhhh!! Anong klaseng panaginip yun?

Sigurado naman hindi yun mangyayari sa akin.

Matutulog na nga ulet ako... Kasi alam ko Linggo ngayon eh...

9:09 A.M

Ayan. Mas ok na ako...
*You are now feeling better*

Pagkababa...
TOBY! pakigawa nga nito...

AY NAKU NAMAN KAGIGISING KO LANG UTOS AGAD?

*You are now not feeling better*

Napilitan ako na gawin ito kahit kagigising ko lang...

Pagkatapos ng 5 oras ng paguutos ng aking magulang sa akin...

2:07 P.M

Hay..... pagod na ako.. gutom na din ako... hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga hanggang ngayon.

Ang tangi ko lang na pagpapahinga ay ang makipagusap sa kanya... wala akong oras kumain dahil maya't maya ay uutusan nanaman ako.

"Mary, musta na?"
"Ok lang naman, ikaw?"
"Ok din... abo ginagawa mo?"
"Nagaaral, ikaw?"
"Ahh eto.. gawaing bahay ok bye na"

Sobrang ikli ng usapan namin noh?

AY! May practice pala kami ngayon sa aming banda!
Wala na din akong oras para kumain kaya naligo ako at nagbihis...

2:44 P.M

bihis na ako pero gutom pa rin ako... Bahala na nga si bat- ay si Mary kung ano mangyari sa akin... Mary!

Ay nako nababaliw na ako...
Hindo sa kanya ah... nababaliw ako dahil gutom na ako simula ba naman umaga hanggang ngayong hapon...

Aalia na ako!
*Toby has departed*

3:10 P.M

Dumating na ako sa bahay nila Den. At ako na lang pala ang hinihintay...

Nagsimula na din kami magpractice...
Habang ako'y nagpapatugtog ay kumukulo ang aking tiyan.

Bigla akong napatigil sa pagpapatugtog dahil biglang sumakit ang aking tiyan.

"Toby ano nangyari?"
"Sumakit lang ang aki-"
"Wag mo sabihin ulo"
"Hindi, yung ti-"
"Eto nanaman tayo Toby eh"
"Pero masa-"
"Oo na Toby! Alam ko"

Umalis na lang ako dahil nainis ako sa pinagsasabi.
Naghanap ako ng tindahan para kumain... pero ng pagtingin ko sa aking Wallet.... pangpamasahe lang ang dala kong pera.

Hay nako. Ayaw ko na dito sa mundong ito.

At umuwi na lang ako ng di nagpapaalam.

Pagkadating ay dumiretso ako sa aking higaan at kinausap na lang si Mary pero hinsi siya online.

Ay... wala na nga... wala ng dadamay sa aking kahirapan dito..
Mukhang mamatay ako nito sa gutom. Nakatatamad na din bumaba kaya matutulog na lang ako...

*Rest*

Laro ng BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon