"Ang taong magawi sa ligaya't aliw, mahina ang puso't lubhang maramdamin, inaakala pa lamang ang hilahil na daratna'y di na matutuhang bathin." -199
1:36 P.M
Toby.... Toby.... Toby, Toby, Toby, Toby....
Ako'y nagising dahil sa pagtawag nila sa aking pangalan, nang pagkalingon ko'y nakita ko ang guro namin nakatitig sa akin.
Nagsitawanan ang mga kaklase ko at Nakisabay na lang ako dahil sa aking ginawa pero sa kabila nito ay Malungkot ako dahil may naalala ako.
Umalis na nga siya sa aming paaralan hindi ko pa nasabi ang aking nararamdaman, Laro ng Buhay nga naman oh! Bakit pa kasi ako naging isang mahiyaing Tao?
Di ko matiis ang dapat kong tiisin... Kailangan ko ng Sabihin ito.
Toby... Toby, Toby, Toby, Toby, TOBY!
AHHHH ano iyon?
Hindi ko napansin ako'y tinatawag na ulit ng mga kaklase ko.
"Toby, Ano ba nangyayari sayo ha? Magpapractice ba tayo o Hindi... Sabihin mo lang." sabi ni Marco.
"Ay Sorry, May iniisip lang akong Importante." Sabi ko.
At yun na nga Kami'y Pinapractice ng Aming Guro para sa English Week.
Pagkatapos ay Bumalik na kami sa aming Silid.
Tayo's Muli MagFast Forward
SFX: WHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIW
5:00 P.M
Pagkauwi ko sa bahay ay binuksan ko agad ang Aming Computer para tignan kung Siya's Online sa Facebook. PagkaLog in ko ay Nakita ko agad siya... Online.
Sinubukan kong Sabihin ang aking nararamdaman pero... Hindi ko kaya. Kaya nagkamustahan na lang kami. Pero ako'y naging masaya sapagka't nakausap ko siya. Hanggang Alas Nuwebe ng Gabi...
*Achievement Unlocked: Fail, But nice try*
Pagkatapos niyon ay natulog na ako. Buti Ang Aga ko matutulog...
"Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib, lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis, anong ilalaban sa dahas ng sakit?" -198
Hoy Akala kiyo tulog na ako? Gising pa ako... Ang ibig sabihin lang ng matutulog ko ay hihiga lang sa higaan... Pero bakit ganito ang buhay? Madaming reklamo kahit madami na silang pagmamayari? Isa na din ako sa mga taong yun... pero dapat minsan ay kinalilimutan na lang ang mga ito para lang maiwasan ang sakit at para na din wala kang masaktan.
TOBYYYYYY SINO KAUSAP MO JAN?
*ALERT ALERT*
Ano ba naman yan... nagmomoment ako magisa dito bigla na lang maririnig boses ng nanay ko...
Matutulog na nga ako.
*Data Saved*
Toby, Toby, Toby... Toby.... TOBY!
ANO NANGYAYARI SAYO HA?
Uhhhh...
BAGAL KUMILOS EH...
Sorry sorry....
ANO BA? MAGPAPAPRACTICE BA TAYO?
O magpaprac-
BILISAN MO NGA...
Opo o-
PURO KASI LOVELIFE INAATUPAG.. ARAL MUNA.
Hin-
KUMILOS KA NGA. TAMBAY EH.
Kumiki-
NASAAN NA ANG DAPAT MONG GAWIN? TAGAL NAMAN OH.
Ahhh kasi-
ANO NGA BA TOBY ANO? ANG BAGAL.
ang ano?
SABIHIN MO NA... SABIHIN MO NA.... SABIHIN MO NA... HIYA KA PA.
Hindi ko kay-
ANO NGA BA ANG IPAGLALABAN MO TOBY? ANO? ANO!? ANO?!
sa dami na ng mga pagiinsulto at pagpapahirap akin ako'y lumaban para maiwasan ang mga sakit na ito pero ako't nabigo sa aking pagiwas sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Laro ng Buhay
Teen FictionAng "Gamer" ay isang salita na tumutukoy sa isang manlalaro ng mga Video Game. Isa si Toby sa mga manlalarong iyon, pero ng dumating ang Isang kahon dun nagsimula ang mga pagsubok niya sa buhay. Malalagpasan niya kaya ang mga pagsusubok? Alamin sa...