10. Nakakaibang Araw

8 0 0
                                    

"Sa panahong yao'y ang buo kong damdam ay nanaw ang sandaigdigan; nag-iisa ako sa gitna ng lumbay ang kinakabaka'y sarili kong buhay"
-239

5:07 A.M

Ughhhh... Ha!

Aga ko atang nagising ngayon. Mukhang magiging isang nakakaibang araw ito sa akin.

*Toby woke up*

Naghanda na ulit ako para pumasok sa paaralan.

Napagisipan kong magpatawad na sa nga miyembro ng banda ko.

6:15 A.M

Ako ay umalis na...

Habang papunta sa paaralan ay parang may sumusunod sa akin.

Lumingon ako pero wala. Pinagpatuloy ko na ang ang paglalakad at mat naririnig akong tumatakbo. Lumingon ako pero wala namang tao. Binilisab ko ang lakad at biglang sumulpot si Ayah.

"Oi Ayah wag ka naman biglang sumusulpot... nakakagulat kaya."

"Sorry Toby."

Si Ayah ay isa sa mga nakatira dito sa Village namin kaya minsan ay nagkakasabay kaming pumunta sa paaralan namin.

"Meron bang takdang ibinigay Toby?"

"Wala."

"ah sige"

Hindi naman ata si Ayah ang sumusunod kanina akin. Hindi naman maingay tumakbo si Ayah.

Natatakot na ako ng unti.

6:23 A.M

dumating na din kami sa aming paaralan..  pagkadating namin aa Silid ay Nakita ko sila Den. Linapitan ko sila.

"Den, sorry na oh" kahit wala naman akong ginawa.

*hindi pinansin*

"Oy sorry na kasi"

*hindi pa rin namansin*

Pagkatapos ng ilang pagsasabi ng Sorri sa kanya ay wala pa rin nangyari.

Ako na nga ang nagsosorry hindi pa tinatanggap.

4:30 P.M

Ayan uwian na din. Sa buong klase na iyon hindi tinanggap ang  pagpapatawad ko.

Umuwi na lang ulit ako dahil mukhang wala naman din ako gagawin sa Tindahan nila Kuya Chef.

Pagkauwi ko ay may nararamdaman akong nay tumititig sa akin. Lumingon ako pero wala naman.

Pagkadating ko sa tapat ng bahay ay pumasok ako agad dahil baka may mangyari pa sa akin. Wala pa namang tao sa aming bahay kung hindi ako lang.

Natulog ako pagkatapos kong magbihis...

6:11 P.M

may kumakatok sa aming gate at

Nagising ako dahil dun.

Pagkatingi ko ay wala naman pero may isang malaking kahon na nakalagay malapit sa aming gate.

Kinuha ko ito ng mabilisan at nilock ang aming gate dahil baka may mangyaring masama akin.

Laro ng BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon