"Halina, Irog ko't and damit ko'y tingnan, ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang, kalagin ang lubid at iyong bihisan, matinding dusa ko'y nang gumaan gaan." -58
10/28/14
5:31 A.M
Ay naku ang sakit ng aking Ulo, Dahil ata ito dun sa Paggawa ng aking Takdang Aralin hanggang Alas Onse ng Gabi. Hindi pa naman ako sanay ng pagtulog ng ganon na oras pag may pasok. Mabuti at di ako nakatulog ng lampas sa Oras Katulad ng Nilalaro ko, Laging Humihigit sa Oras ang pagtulog dahil sa Pagtatrabaho. Di bale nang antok, nagawa ko naman ang aking Takdang Aralin!
6:20 A.M
Ako'y Nasa paaralan na... Hay nako... Antok pa rin ako. Masubukan ngang matulog.
6:25 A.M
Hindi ako makatulog kahit makalipas na ng Limang Minuto dahil sa Ingay ng aking mga kaklase. Umagang Umaga ang iingay ng mga Ito!
Tinignan ko na lang ang aking mga Baraha na Pinapang laro na kung tawagin namin ay "Yu-Gi-Oh" Mukha namang nakatulong ito matanggal ang aking antok dahil sa mga Nakakaibang mga Imahe ng mga Baraha. Ako'y parang nanaginip ng gising este nanaginip ng Tulog na Gising (Ano?).
7:00 A.M
Nagsimula ang Paghihirap ulit... Ay! Ang klase pala.
Nagsimula Ito sa Unang Asignatura namin ang Math. Akala ko Tama ang aking mga sinagot pero yun pala ito'y mali. Yan talaga ang Math, Kung nararamdaman mong madali ito... Meron itong Pagkakamali. Tulad ng Online kong Nilalaro na "Dragon Nest". Merong isang Lugar kung saan akala ko'y madali lang tapusin dahil sa mga Halimaw na madaling Talunin, Yun pala ay hindi. Ang Kalaban kong Pinuno ng mga Halimaw ay malakas kaya ako'y natalo tulad sa aking Takdang Aralin puro mali ang Sagot.
8:05 A.M
Nagsimula ang Siyensiya namin. Oo nga pala ang Takda ko dito ay ang magulat tungkol sa Batas ng Kilos. Ako's Nahirapan sa pagpapaliwanag ng mga kahulugan ng mga Salita na dapat kong Ipaliwanag. Marie! (Mary!) Kailangan ko ang Tulong mo! Para naman Madalian ako sa aking Pagpapaliwanag!
9:17 A.M
Nagsimula ang Ingles namin. Ang Takda ko din ay Paguulat. Akala ko'y Ngayong araw ako maguulat, Pero...
HINDI PALA! Nagpakahirap pa akong Gumawa ng aking Paguulat at ng dahil dito'y Alas Onse na ng Gabi ako Nakatulog! Marie (Mary) Kailangan ko na ng Tulong mo Kahit hindi ka nagaaral sa aming paaralan na...
10:10 A.M
Hay Salamat! Kami ay nagsimula na din sa aming Recess. Ako'y bumaba para kainin ang baon kong Oreo. Pagktapos ay Umakyat ako sa aming Silid Aralan para inumin ang aking Tubig. Nakatulong ang Pagiinum ng Tubig para matanggal ang pagiging antukin ko.
Dumating ang mga iba kong kaklase para maglaro ng Yu-Gi-Oh
Makatutulong din ang paglalaro nito para matanggal ang Antok ko.10:45
Nag simula ang aming klase sa Araling Panlipunan. Nawawala na din ang antok ko.
*Makalipas ng Dalawang Oras*
12:45
AYAN! Tanghalian na! Mas madaming Oras para sa aming Pagpapahinga... Inalok nanaman ako maglaro ng Yu-Gi-Oh.
"wala na, Laura, ikaw na nga lamang ang makakalunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay man ako'y muling mabubuhay" -60
Habang may naririnig akong nagpapatugtog ng "Dont you worry child" ng "Swedish house mafia" sa isang truck sa labas ng Paaralan namin na sobrang lakas habang naglalaro ako ng Yu-Gi-Oh ay may biglang may bumulaga sa aking Isipan.
BINABASA MO ANG
Laro ng Buhay
Teen FictionAng "Gamer" ay isang salita na tumutukoy sa isang manlalaro ng mga Video Game. Isa si Toby sa mga manlalarong iyon, pero ng dumating ang Isang kahon dun nagsimula ang mga pagsubok niya sa buhay. Malalagpasan niya kaya ang mga pagsusubok? Alamin sa...