eunsang.
inantay ko naman ang bOsS ko aka minhee sa labas ng office niya. tagal nga e, huli nanaman siyang umiiyak siya. dahil siguro nanaman sa ex niya.
matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya at nilock ang office niya.
"libre mo ha." sabi naman niya kaya napairap ako.
"tanginang 'to. ikaw 'tong nagpapasweldo sakin, ikaw 'tong may ari ng pinagtatrabahuhan ko, ako pa 'tong manlilibre?" sagot ko naman sakanya kaya napatawa siya ng mahina. wait hala tumawa siya!!!
"sige na ako na nga. kawawa ka naman eh." napa-'yes' naman ako at nagpasalamat sakanya.
nang mapunta na kami sa may counter ay nakita naman namin yung junho na naghahanap sakanya.
"oh? chacha? ano ginagawa mo dito?" tanong ni minhee sakanya. infairness, may itsura talaga 'tong junho.
"wala lang, namiss lang kita. tara gala? treat ko." nakangiti nitong sabi kay minhee kaya napasimangot ako. ok di ko na siya bet. ako kaya nauna!
pag talaga 'tong si minhee sumama sa junho na yan, fo na talaga. napatingin naman ako kay minhee na nagiisip kung anong isasagot niya sa junho na 'to.
"bukas nalang chacha. nauna akong yayain nito eh." sabi naman niya at tinuro ako. napatingin naman yung junho sakin at tumingin agad kay minhee. luh, attitude ka siZ?
"oh sige bukas ah! ingat kayo." sabi naman nito kaya tumango nalang si minhee.
nang makalabas kami ni minhee ay derederetso lang siyang naglalakad at hindi manlang ako inaantay. nagmamadali naman 'to eh!
"hoy mini, teka nga, antay naman!" sabi ko dito pero tinignan lang niya ako.
"bilisan mo kasi, baka maabutan ko pa yun dun eh." sabi niya naman kaya napakunot ang noo ko.
"huh? sino?" tanong ko naman. umiling naman siya kaya napakibit balikat nalang ako.
nang makarating kami dun ay agad siyang dumeretso sa counter.
"same order sir?" tanong nung babae at tumango si minhee.
"atsaka isang chocolate." sabi niya kaya napatango yung babae.
"sir, di niyo po kasama boyfriend niyo ngayon ah?" sabi naman nung babae kaya napatingin ako kay minhee.
hmm baka parati sila andito noon.
ay! ichicheer up ko sana siya para malimutan boyfriend niya pero naalala niya pa dito hay
"ah, wala na kami." napatigil naman yung babae at napayuko.
"sorry po sir." sabi nito kaya tumango nalang si minhee. "iseserve nalang po namin." naglakad naman si minhee sa isang pwesto kaya sinundan ko siya.
umupo na namin kami pareho at nakatulala lang siya. grabe, ganto ba talaga pag broken?
"kang mini, okay ka lang?" tanong ko naman sakanya kaya tumango siya.
"bakit ka nga umiiyak kanina?" tanong ko sakanya.
"nagusap kami nung ex ko." sabi niya habang di padin tumitingin sakin kaya nagulat ako.
"yung tungkol kay yunhee?" tanong ko naman pero umiling siya.
"nagkasagutan kami kaya sa susunod nalang namin paguusapan yung tungkol kay yunhee." sabi naman nito kaya napatango ako. ah, kaya pala siya umiiyak.
"mahal mo pa?" tanong ko naman dito kaya napatingin siya sakin.
"sobra. sobra pa sa sobra. siya lang yung tumagal na manliligaw ko, siya lang yung andiyan para sakin, siya yung nagtiis sa ugali ko kahit ganto ako. nasanay na ako masyado sa presence niya, kaya heto ako ngayon." sabi niya at tumawa na halata mong hindi masaya yung tawa.
ako din minhee, gusto kita. kaya nga kita binalikan eh. pero huli na pala ako.
ESTÁS LEYENDO
getting back together | minhee & yunseong
Short Story↳ in which kang minhee and hwang yunseong broke up but they have a pet and neither one of them want to give it up.