minhee.
pagdating ko ay nagmadali akong bumaba para puntahan si yunseong. hindi ko kasi alam kung anong pinaggagagawa nito sa buhay at napunta siya sa gantong sitwasyon. parang tanga naman eh!
kabado akong pumunta sa pintuan para buksan ito. pagkapihit ko ng door knob ay bumungad sakin ang napakagulong bahay ni yunseong.
nilibot ko ang mata ko para hanapin si yunseong pero hindi ko siya makita. tangina huli na ba ko?
pumunta ako sa cr para tignan pero wala. pumunta ako sa kusina pero wala.
pumunta naman ako sa kwarto niya at nakitang nakahandusay si yunseong!
nagmadali akong pumunta sakanya at nakita yung dugo sa tagiliran niya! what the fuck yunseong ano ba nangyari sayo?
"hoy yunseong bumangon ka nga diyan!" sabi ko naman habang inaalog siya. yunseong please hindi ko kakayanin.
"y-yunseong... bumangon ka diyan please..."
"hwang yunseong napaka unfair mo naman eh! iniwan mo na ko isang beses, please... wag mo na kong iwan pa. hindi ko kakayanin..."
"tangina mo naman yunseong mahal na mahal kita eh!"
"mahal mo ko?" nagulat naman ako ng biglang minulat niya ang mata niya. hinampas ko naman agad siya at bigla siyang umupo.
"mahal mo nga ako?" tanong naman nito kaya napaiyak ako lalo.
"huy wag kang umiyak, sorry na!" sabi naman nito at tinanggal ang dalawa kong kamay na nakatakip sa mukha ko. pinunasan niya naman ang nga luha na patuloy na dumadaloy sa mukha ko at nginitian ako.
"hinding hindi na kita iiwan pa. andami kong narealize nung nawala ka sakin. sobra akong nagsisi, mini. tama ka, sobrang dami mong sinakripisyo para sa relasyon natin tapos iiwanan lang kita? sobrang gago ko, alam ko yon. mahal na mahal kita minhee, alam kong ang gago ko pa lalo kung hihingi ako ng second chance, pero sana, sana sa huling pagkakataon, hayaan mo akong bumawi sayo. hayaan mo akong ipakita sayo kung gaano kita kamahal." mahabang sabi nito habang pinupunasan padin ang mga luha sa mukha ko.
tangina mahal na mahal ko talaga 'to.
"tanga ka ba? mahal na mahal parin kita. di ko naman tinigil yon." sabi ko sakanya kaya napatawa naman siya.
"bati na tayo?-"
"anakngputa ang init init sa labas! akala ko ba lalabas kayo bat antagal ha putangina yung ice cream cake natunaw na!" iritang bungad samin ni wonjin kaya napatawa kami.
"hayop ka kasabwat ka pala dito!" sabi ko sakanya at tumayo na kami pareho ni yunseong.
"teka sino pala nagplano nito? tangina niyo talaga akala ko talaga mawawala na 'tong bwisit sa buhay ko." sabi ko naman sakanila at tinuro nila si eunsang. ah, eunsang.
"h-hoy bakit ako lang?! kasabwat ko si junho dito ah!" sabi naman nito kaya nagasaran sila. mukhang may bagong mabubuo ah!
"luh nandamay pa!" sagot naman ni chajun.
"baka mamaya kayo magkatuluyan niyan." sabi naman ni yunseong at inakbayan ako. napatingin naman ako sakanya at tinignan ko siya ng masama.
"chansing ka ah! kala mo ba bati na tayo?"
"luh sorry na nga eh. kasalanan 'to ni eunsang!" sabi naman nito at tinuro si eunsang.
"tangina ka ako na nga 'tong nagparaya ako pa 'tong masama?!" sagot naman nito kay yunseong kaya napatingin sila kay eunsang. kahit ako napatingin. nagparaya???
"ah, manhid ka talaga mini. tanga, gusto kita. pero nagmamahalan naman kayo, kaya nagparaya na ko." sabi naman niya kaya nagulat ako. weh??? totoo ba???
"hoy totoo ba???" gulat na tanong ko dito.
"oo nga!"
"ay dapat sinabi mo, may chance ka naman." sabi ko dito at tumingin kay yunseong.
"ay ganon? sige yunseong binabawi ko na di na pala ako magpaparaya!" sabi naman eunsang at akmang lalapitan ako pero pinigil siya nila junho.
"eto patapos na eepal pa!" sabi naman sakanya ni junho.
"ah may chance pala." nagtatampong sabi ni yunseong kaya napatawa ako.
"joke lang! mas malala nga ginawa mo sakin eh." sabi ko naman kaya nagpeace sign siya.
"oh sige may aaminin na din ako." nagulat ako ng biglang magsalita si keumdong. andito pala 'to???
"minhee, wag ka na magalit sakin. actually, matagal na kong walang pake kay yunseong. may boyfriend na ako, bakit pa ko magkakagusto diyan?" nagulat naman ako sa sinabi niya.
"gago weh? sino?" tanong ko naman dito. bigla namang tumabi si sihun sakanya at inakbayan siya nito.
"ako. hehe." sabi naman ni sihun kaya medyo nagulat ako. medyo lang, kasi sabi ni eunsang nakita niya na sila once eh.
"hindi lang namin masabi kasi si yunseong pinagseselos ka pa." sabi ni keumdong kaya nilakihan siya ng mata ni yunseong.
napatawa naman ako. waleya, ginawa niya talaga yon? "infairness, effective ha." sagot ko naman kaya nagtawanan kami.
"dami niyong dada kung kailan patapos na storya. tara na at gutom na ako." sabi ni wonjin kaya nagtawanan kami. pinauna naman namin sila lumabas at nagpahuli kami.
"salamat sa effort mo ngayon petit ha? taena mo kung ano ano pang pinaggagagawa mo." sabi ko naman sakanya kaya napatawa siya.
"wala yun. basta ikaw." sabi nito at inakbayan ako. "i love you grabe ka." sabi ko naman sakanya at ninakawan ng halik sa pisngi.
"ay pisngi lang?" tanong nito.
"bakit, tayo ba?"
"ay hindi ba-"
"hindi! manligaw ka!"
"anakng- sige na nga!"
***
hello mamserz! this is user @ memehee ,,, aka fiona. at nakatapos na ulit ako ng memang story HAHAHAHA sorry dahil ang haba ng narrations, tinamad na ko mag long message thru tweet e ahskshaksj
thank you kasi inaabangan niyo yung late updates ko parati HAHAHAHA naging busy kasi ako sa life, atsaka tinamad na din ako magupdate. very nice diba 😔 sorry din kung ang mema nung ending, potaena andami kong draft e may on-going au pa ko sa twt inangyan kala mo di busy e
neways, thank you sa lahat ng sumuporta!! i'm vv thankful to all of you kasi sinuportahan niyo 'to 💗
see you sa next story / soulmate story,, ig? HAHAHAHAHA ILY MWAAA
ESTÁS LEYENDO
getting back together | minhee & yunseong
Short Story↳ in which kang minhee and hwang yunseong broke up but they have a pet and neither one of them want to give it up.