029 | n

176 8 10
                                    

minhee.

"para kang tanga minhee. i mean, tanga ka naman talaga pero bakit ka paikot ikot diyan?" sinamaan ko ng tingin si wonjin sa sinabi niya at tumigil.

"hay salamat ako nahihilo sayo eh." hindi nakatingin na sabi ni moonhyun at tutok sa phone niya.

"makikipagkita ako kay yunseong." sabay sabay silang napatigil sa kanilang mga ginagawa at tumingin sakin. feeling ko tuloy asa the voice ako amp, apat silang lumingon shet

"gago ka ba?" biglang sabi sakin ni jungmo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"oo nga, gago ka ba?" sabat naman ni moonhyun kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.

"what the fuck minhee alam kong tanga ka pero di ko naman alam na aabot sa point na ganto?" sabi naman ni wonjin aba tangina neto ah

"kala ko ba nagmomove on pero makikipagkita? gaano ka karupok minhee?" sabi naman ni hyeongjun kaya napaface palm nalang ako.

"tangina niyo din eh 'no? makikipagkita ako kasi ako yung nakaschedule kay yunhee ngayon! mga hinayupak." sabi ko naman sakanila kaya napatango sila.

"ah kala ko naman bobo ka eh. well, bobo ka naman talaga pero di ko alam na aabot sa puntong ganon kabobo." sabi naman ni wonjin. kanina pa 'to ah!

"inanyo. sige kayo muna bahala dito sa starlim ah? papunta na daw yung ibang woollim." sabi ko sakanila at nagpaalam.

"wag marupok!" pahabol ni hyeongjun kaya pinakyuhan ko nalang siya.

hawak ko na yung door knob nang biglang bumukas ito at bumungad sakin si eunsang na may dalang tray at puno yun ng pagkain.

"oh san ka pupunta? dinalhan ko kayo breakfast mga boss." sabi niya at pumasok sabay lapag ng pagkain sa table.

"ayan kaya paborito ko talaga 'tong si eunsang eh. mas may kwenta ka pa sa may ari ng starlim." sabi naman ni wonjin kaya nagtawanan sila.

"kanina ka pa ham ah." sabi ko sakanya pero tumawa lang siya.

"san ka punta mini?" tanong uli sakin ni eunsang.

"ah sunduin ko si yunhee-"

"SAMA AKO!" hindi na ako pinatapos ni eunsang kaya napatingin sila kay eunsang.

"bili naaaa~" sabi naman nito at biglang nagpacute sa harap ko kaya nagaktong mga nabilaukan 'tong natitirang starship

"pasamahin mo na minhee maawa ka naman samin" sabi ni jungmo kaya napatawa ako.

"tumigil ka nga! sige na." sabi ko kaya napa-'yes' naman siya.

"pakibugbog nalang si yunseong for us, eunsang." sabi ni moonhyun kaya hinampas naman siya ni jungmo.

"noted boss!" sabi ni eunsang kaya sinamaan ko siya ng tingin. "ay joke lang" pagbawi niya agad.

"weak pota takot ka kay minhee???" sabi naman ni hyeongjun, bwisit 'to ah

"baka walang sweldo this month, mahirap na." sabi naman niya kaya nagtawanan sila.

"oh tara na!" aya ko naman kay eunsang at nagpaalam na sila sa isa't isa.

"enjoy your date!" pahabol ni moonhyun at pinakyuhan ko siya kaya nagtawanan sila.

***

tinigil ko ang sasakyan sa harap ng apartment ni yunseong at tinanggal ang seatbelt.

"woah, ready na kaya siya saluhin mga kamao ko?" sabi ni eunsang kaya hinampas ko siya.

"subukan mo, wag ka na magpapakita sakin." sabi ko naman kaya tinaas niya dalawang kamay niya.

"joke lang naman bff!!! alam ko namang mahal mo pa eh." sabi niya naman.

"syempre."

"sana ako din."

"ha?" parang tanga kasi bubulong bulong eh.

"wala! sabi ko tara na." bumaba naman kami ng sasakyan at napatitig ako sa apartment niya. ilang weeks lang ako nawala dito pero feeling ko ilang years na yon.

kumatok naman ako at nagulat ako sa bumungad sakin.

"keumdong." bati ko sakanya. nagulat naman siya nang makita niya ako at nginitian ako.

"minhee! ano ginagawa mo dito?" bati rin niya pabalik habang nakangiti padin. plastic.

"kukunin ko sana si yunhee." sabi ko sakanya kaya napatango siya. napatingin naman siya sa taong nasa likod ko.

"sino siya? bago mo?" nakangiting tanong nito. nainis naman ako sa tanong niya pero di ko pinakita.

nakngpota,, bago mo??? gaya mo pa ko sa nilalandi mo ngayon. for sure masaya 'to ngayon kasi nasakanya na si yunseong.

"keumdong bakit ka andya- minhee?" nagulat naman si yunseong nang makita ako. ah, nasira ko ata moment nila.

"wag kang magalala, wala akong balak sirain moment niyo. andito lang ako para kunin si yunhee." sabi ko naman at ngumiti. napatingin din naman siya sa kasama ko.

"ah btw siya nga pala si eunsang. kababata ko. eunsang, si yunseong, ex ko. si keumdong, boyfriend niya." pagpapakilala ko naman at nakita kong kumunot ang noo ni yunseong.

"huh? what the fuck?" sabi nito. natatawa naman ako sa isip ko. ulol.

"ay hindi pa ba?" tanong ko dito.

"hindi. at hindi mangyayari yun." one point for you minhee! nginitian ko naman si keumdong.

"ah ganon ba? asan na nga pala si yunhee? nang makaalis na kami." sabi ko naman dito habang nakangiti. sakto namang dumating si yunhee sa may pinto kaya kinarga ko ito.

"sige, una na kami. enjoy!" pamamaalam ko sakanila at pumasok na sa sasakyan.

pagpasok ko naman ay napatitig nalang ako sa kawalan. bakit andon si keumdong? sila na ba talaga? siya na ba talaga yung nagpapasaya kay yunseong? paano kung sila na pala matagal na, hindi lang nila sinasabi sakin? paano kung... sila na pala talaga?

"oh oh oh wag iiyak!" napatingin naman ako kay eunsang.

"mukhang paiyak ka na eh. don't worry bff, kung kailangan mo ng kausap andito lang ako-aray!" napatawa nalang ako nang bigla siyang kagatin ni yunhee. yan kasi.

thank you ng sobra, eunsang.

getting back together | minhee & yunseongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora