Angge's Fragile Heart

30 1 0
                                        

Life begins at 40 iyon ang madalas marinig ni Angge sa kanyang pamilya at mga kaibigan. She had been married at 20 and annulled before she reached her 30's. Right after college ay nagpakasal siya agad sa kanyang first boyfriend at college sweetheart na si Nathan. Kahit ayaw ng pamilya niya dito lalo na ang parents niya ay walang nagawa ang mga ito. Sumige siya sa pagpapakasal dito.

Galing sa kilalang pamilya sa Paranaque si Nathan. Ang pamilya naman niya ay puro nakabase na sa ibang bansa, tanging sila na lamang ng mommy at daddy niya ang nasa Pilipinas pero madalas nasa ibang bansa ang mga ito dahil pinagbabakasyon ng mga kapatid niya na nasa America kaya ng magpakasal sila ni Nathan sa huwes ay walang nagawa ang mga ito dahil itinaon nilang nasa labas ng bansa ang mga magulang para hindi makatutol ang mga ito.

Sa side ng asawa ay tuwang tuwa ang mga ito sa naging desisyon nila pero sa side niya hindi agad iyon tinanggap ng magulang niya. Nagsidatingan mula America ang mga kapatid niya at pinagsesermunan siya sa padalos dalos na desisyon niya. Muntikan pang atakihin sa puso ang kanyang ama ngunit wala nang nagawa ang mga ito, kasal na siya kay Nathan at ng magdesisyon siyang sumama sa bahay na regalo ng inlaws niya sa kanila bilang wedding gift ay hindi na nakapalag pa ang partidos niya.

The first few months being married to Nathan was like a fairy tale. Hindi siya pinayagan nitong magtrabaho kahit na nga ba tapos siya ng business administration, ang katwiran ng asawa sa kanya ay baka isipin ng pamilya niya ay hindi siya kayang buhayin nito. She agreed to delay her career and focus on their marriage habang si Nathan ay naging abala sa pamamahala sa trucking business na binigay ng mga magulang nito.

Graduate ng accountancy ang asawa niya ngunit hindi nito ginustong kumuha ng board exam, he prepared to run the business his parents gave them. Hindi naman siya umangal sa desisyon ng asawa. Pag nasa opisina ito ay binibisita niya ang mga magulang sa bahay nila, dalawang subdivision lamang ang layo ng bahay nila ng asawa niya sa mga ito.

"Kamusta ka na? Mukhang nangangayayat ka, Angge." Puna ng mommy niya habang nananaghalian. Kasama ng mga magulang niya sa bahay na iyon ang dalawa niyang pinsang lalaki mula ng magpakasal siya at bumukod.

"Oo nga, hija." Segunda ng daddy niya. Ilang gabi na siyang hindi nakakatulog dahil napupuna niyang balisa at laging tahimik si Nathan sa tuwing tinatanong niya kung anong problema ay hindi ito sumasagot bagkus ay sinisinghalan pa siya.

"Okay lang po ako."sagot niya at pilit pinasigla ang tinig. "Ilang araw na din po kasi akong nagpapractice sa pagdadrive, nahihiya naman kasi akong laging nagpapahatid dito sa driver ng mga biyenan ko." Pagpapatuloy pa niya.

"Maigi din matuto kang magmaneho."pag sang ayo pa ng daddy niya.

"Oo nga Dad. Atleast anytime pwede akong bumisita dito sainyo."

"Iyon ay kung uubra yan sa asawa mo, Angge." Paismid pang komento ng mommy niya. Minsan na sundo siya ni Nathan dahil wala ang driver ng mga biyenan niya ay nagalit ito at nasaksihan iyon ng mommy niya. Naintindihan niya ang asawa dahil abala ito sa pagkakarga ng mga kargamento ng mga kliyente nito at hindi pwede iasa lamang sa mga driver at pahinante ng truck. Tutok at talagang seryoso si Nathan sa trucking business nila dahil may gusto itong patunayan lalo na sa pamilya niya.

"Ewan ko ba naman sayo kung bakit sa dinami dami ng manliligaw mo diyan ka pa napunta sa asawa mong saksakan ng yabang hanggan ngayon naman ay nakaasa pa din sa mga magulang niya."dagdag na pintas pa ng ina niya, nasaktan naman siya sa narinig ngunit pinalagpas na lamang niya. Ginagap ng Daddy niya ang kamay niya bilang pagdamay.

Mula't sapul ay daddy's girl siya kaya ganoon na lamang ang iyak nito ng malaman nagpakasal siya sa asawa. Madalas ay sinasabi nitong gusto nitong ihatid siya sa altar pero nangako naman sa kanya si Nathan once maging stable ang takbo ng business ay magpapakasal din sila sa simbahan ngunit matatagalan lamang.

The Thursday Club (CONTINUING)Stories to obsess over. Discover now