Being Bea

35 1 0
                                    

Abala si Bea sa pag aasikaso ng printing business kung kaya ang passion for writing novels ay natigil. Pinili niyang pagtuunan ang business kesa sa kanyang first love, her dream job. Madami siyang responsibilidad sa kanyang mga anak na si Jared and Maya. After nilang maghiwalay ni Nikki at dinala nito ang lahat ng naipundar nila pareho ay wala na siyang nagawa kundi kumayod ng kumayod. Buti na lamang ay mapagkakatiwalaan ang isa sa mga tao niya si Andeng. Kapitbahay nila ito sa probinsiya at sadyang malaki ang tiwala dito dahil dati itong kasambahay ng namayapang lola niya.

Napahugot siya ng malalim na hininga ng makita ang mga bills na nakapatong sa mesa niya. Ang bahay na binili nila ni Nikki sa isang exclusive na village ay nakapangalan sa kanya kung kaya wala ito nagawa kundi iwanan iyon sa kanya. Napagdesisyunan niyang paupahan iyon at lumipat sa nabakanteng unit katabi ng printing business niya tutal si Andeng at ang dalawang anak niya ang kasama nila sa bahay. Ang dalawa pa niyang tauhan ay may sariling bahay na inuupahan kasama ang mga pamilya nito. May stay out maid siya kapag operating hours. Ang kita niya sa printing business ay sapat na sa pang araw-araw nilang mag iina, ang renta sa bahay niya ay pangtustos sa pag aaral ng mga anak niya. Nasa grade six na si Jared at si Maya ay nasa grade two at parehong nasa private school malapit sa kanila. Dati ay nasa international parehong bata dahil na din sa kagustuhan ng dating partner niyang si Nikki, labag man sa loob niya ay napilitan siyang ilipat ang mga bata dahil hindi na niyang afford magpaaral sa mamahalin eskwelahan.

Mayaman ang pinanggalingan pamilya ng ex niya. Kung dati ay tatlo ang kotse nila at may sarili silang driver ngayon ay isang L300 van ang gamit at sa tuwing aalis sila ay siya mismo ang nagdadrive o kaya si Andeng. Ang dating karangyaan nakasanayan ng mga anak ay biglang naglaho ng maghiwalay sila sila ni Nikki. Nalaman niyang kaya ito nakipaghiwalay sa kanya dahil may bago itong kinakalokohang babae. Hindi iyon ang unang pagkakataong nambabae ito kaya ng nakipaghiwalay ito sa kanya ay hindi na niya hinabol.

"Bey, alam mo bang pinapatawag ka na naman ng principal nila Jared?"balita ni Andeng sa kanya, lately ay napapansin niyang suki ang anak na lalaki sa principal office.

"Bakit daw?"nakangunot noong tanong niya. Si Andeng ang taga hatid at sundo niya sa mga bata tutal ito ang driver nila sa printing kahit na babae ito ay para itong maton kumilos.

"Nakipagsuntukan na naman si Jared."dagdag pa nito. Napailing naman siya at napahilot ang sintido.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Jared."sukong sambit niya. Naupo naman sa harapan niya si Andeng bago nagsalita.

"Napansin ko naging ganyan siya mula ng maghiwalay kayo ni Boss Nikki."komento pa ng babae. Napahugot naman siya ng malalim na hininga. May katotohanan ang sinabi ng kaharap. Mahigit isang taon na silang hiwalay ni Nikki at ang laki ng pinagbago ng ugali ni Jared, para itong nagrerebelde.

"Anong gagawin ko kung iniwan kami ng unggoy na yon' at ipinagpalit sa iba? Napapagod na akong mag explain sa kanya. At mas lalong di ko ipagpipilitan diyan sa Boss Nikki mo na bisitahin ang mga bata."aniya na tila diring diring banggitin ang pangalan ng ex lover.

"Kahit para sa mga bata, Bey?" tila pangongonsensya pa nito.

"Andeng, sa totoo lang ng magdesisyon siyang iwan ako kasama na doon ang desisyon iniiwan na din nya ang lahat ng responsibilidad niya sa mga bata at hindi ko gugustuhin mamalimos ng awa niya para sa mga anak ko." damdaming balik niya. Napatango na lamang si Andeng at nagkibit balikat.

"Mag aayos na muna ako at nang makapunta sa school ni Jared." Pagtatapos niya sa usapan.

Kaharap niya si Principal Dimaguila at ang tatay ng batang sinapak ni Jared habang ang dalawang bata ay nasa guidance office kausap ng guidance counsellor.

The Thursday Club (CONTINUING)Where stories live. Discover now