Hindi man natuloy ang Thursday session nila noon nakaraan linggo ay sinugurado nilang matutuloy ng araw na iyon. Nasa condo sila ni Pen ng gabing iyon. Kakatapos lang i-reheat nila Atty. Bingkay at Angge ang dala-dala nitong mga pagkain. Habang sina Pen at Bea ang nag aayos sa dining table.
"Kamusta ang buhay buhay natin?" Nakangiting bungad ni Bea halata itong masaya at blooming.
"You're glowing, Bey."puna ni Atty. Bingkay sa babae.
"Do I?"pagdedeny pa nito.
"Ang arte arte mo today, Bea." Dagdag pa ni Angge sabay kurot sa tagiliran nito. At nagtawanan silang lahat.
"I know the reason why!"ani Pen."Paano crush ni Bea yun tatay ng classmate ni Jared."pambubuko pa nito sa kaibigan.
"Atleast thats a good news."si Atty. Bingkay at nagsimula na silang kumain.
"What's his name?" si Angge uli, tila balisa at pilit na pinasisigla ang tinig.
"Who?"tila shocked pa na sagot tanong ni Bea na ikinatawa nilang lahat.
"Engr. Sean Gambala." Pangunguna ni Pen.
"Hmmm.. sounds familiar."napapaisip na sambit ni Atty. Bingkay, hindi na nakakapagtataka dahil nasa construction business si Mr. Viceral.
"What does he look like, Bey?"curious na tanong muli ni Angge. Walang nagawa ang dalaga kundi mapilitan nang magkwento.
"Well, he's 5 years younger to me. He's very manly since engineer by profession. He's a widower and he got one kid." Anito. Napa oh naman sila sa parte na biyudo ang lalaki. "He's wife died of a rare degenerative spinal disease." Pagpapatuloy nito.
"Kamusta naman kayo?" May himig na panunukso sa tinig ni Atty. Bingkay. Namula si Bea sa tanong ng abogada.
"Wait guys, let me be clear ha. We're not going out. We met just recently dahil sa mga bata."she answered.
"Whatever you have with this Bey, atleast you're starting to live your life."si Pen uli. At nagcheers sila para sa babae.
Nang matapos silang kumain at magligpit ng kinainan ay na pwesto sila sa mini living room. Nanatiling tahimik si Angge habang si Bea ay inuusisa si Pen tungkol kay Nolan at maski si Atty. Bingkay ay nakikisali din.
"Bakit ayaw mo sa anak ni Congressman? Ang tagal nyo nang magkaibigan ha." Ani Bea habang hawak hawak ang picture frame na nakadisplay sa tv rack. Nakangiting nakaakbay si Nolan kay Pen isang magandang cliff habang nasa background ang pagbukang liwayway.
"Oo nga hija. You look good together." Si Atty. Bingkay.
"Magkaibigan nga lang kami. And besides di ako type ni Nolan."sagot ni Pen.
"Pero type mo siya."pananaklab ni Bea sa dalaga na ikinapula nito.
"Aba Pierre, bilis bilisan mo na baka maunahan ka noon babaeng dinala ni Nolan sa nakaraan tea party ng mga League of Wives." sabad naman ni Angge, sabay sabay naman napatingin ang tatlong babae dito.
"At bakit mo naman nalaman may dala si Nolan na babae sa League of Wives nila Madam First Lady?"nakaangat ang kilay na tanong ni Bea, ang tinutukoy nitong League of Wives ay ang organisasyon ng mga asawa ng kapartido ng tatay ni Nolan at ang nagtayo noon ay ang nanay ng binata.
"I was invited to attend the tea party." Tipid na sagot nito na tila may inililihim.
"Why?" Chorus na tanong ng tatlong babae.
"Kinausap nila Congressman at Kuya Rigor na tumakbo sa susunod na eleksyon si Miguel eh. Kaya pati ako pinapasali sa League of Wives." Ang tinutukoy nitong Kuya Rigor ay ang panganay na kapatid ng dinadate nitong si Miguel. Napanganga naman silang lahat. "I only attended the tea party once and doon ko nga nakita yun nililigawan ni Nolan."pagdedepensa pa nito. Si Pen naman ay tila pinipigil ang puso sa narinig, hindi alam na seryoso na pala talaga si Nolan sa nililigawan nitong babae. Gusto naman ni Pen maiyak.
"Anong hitsura ng babaeng date ni Nolan?"susog pa ni Bea.
"Well, maganda siya and infairness to the girl mukha naman mabait." Sagot ni Angge sabay tingin kay Pen.
"O, bakit nakatingin kayo sa akin?"kunwa'y natatawang tanong nito sa mga babae.
"Nothing hija." Kibit balikat na sagot ni Atty. Bingkay. "So, how do you feel about Miguel joining the politics?" Pag iiba nito ng topic.
"Im honestly scared for him. Hindi pa siya fully recovered kaso last term na ni Kuya Rigor bilang Vice Mayor at since si Miguel ang chief of staff ng kapatid niya naniniwala sila Congressman na may chance siya." Angge answered in a weary tone. Si Pen ay nanatiling nakikinig lamang. "Ayaw naman kasi ni Nolan pumasok sa pulitika kaya si Miguel ang pinupush nila." Dagdag pa ng babae.
"Grabe parang korporasyon pala ang politics!" Komento ni Bea habang naiiling na lamang.
"Mahirap nga iyan, Angge. Lets just pray na maisip nila ang kalagayan ni Miguel. Baka makuwestiyon din ang candidacy niya in the long run." Si Atty. Bingkay.
"Iyon din ang naiisip ko." si Angge uli.
"Grabe ang happening sa buhay mo, Angge. Pag nagkataon bukod sa Thursday Group member ka, aba magiging League of Wives din. Leveling is real." Pambubuska ni Bea na ikinatawa nilang lahat.
"Sira ka talaga, Bey." Ang tanging na sabi ni Angge.
At nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan ng iba't ibang bagay. Nang pumatak nang alas onse ng gabi ay dali-daling nagpaalaman na silang lahat upang magsiuwian. Hinatid pa ni Pen ang mga kaibigan sa parking area kung saan nakaparada ang mga sasakyan ng mga ito.
It was a beautiful rainy Thursday.
Para kay Bea ay nakahinga siyang maigi mula nang mashare niya ang tungkol kay Sean sa mga kaibigan. It was indeed a good feeling to share something special to friends kahit na nga ba dinedeny niyang may nararamdaman kay biyudong bagong kakilala. The feeling is somehow new to her.
Para kay Angge, isang nakakapagod ngunit satisfying day to share friends ang bumabagabag sa isip.
Para kay Pen, it was always good to see her Thursday Group pero ang marinig na may ibang babae na dinadala si Nolan sa bahay ng mga magulang nito ay may nakakapang selos sa puso niya. At iyon ang kauna-unahang pagkakataon makaramdam ng ganoon.
Para kay Atty. Bingkay, hindi man niya nailahad ang pag uusap nila ni Celestine noon nakaraan ay nakaramdam siya ng kapayapaan nakasama ang mga kaibigan.
YOU ARE READING
The Thursday Club (CONTINUING)
Fiction générale"Four souls, thousands of pain and a hope." They may all look so strong but deep down kinakain na sila ng kanya kanyang baggage na dala-dala. Hindi nga ba what brought them together was their silent pain and loneliness with their individual lives. ...