Buong araw naglinis ng library si Atty. Bingkay kasama ang isang katulong. Paisa isa niyang pinupunasan ang wala naman alikabok na law books na ginamit niya noong nag aaral pa siya ng mula sa isang libro ay may malaglag na larawan.
Agad na dinampot ng katulong ang nalaglag at inabot sa kanya. Napatitig siya doon at napatigil sa nakita. It was her wedding picture, she was beaming with happiness and her groom Mr. Viceral was all smile in that old photo.
May kung anong humaplos sa puso niya ng makita ang larawan na iyon. Naalala pa niya ang unang pagkikita nila ng kanya g asawa.
Nasa isang maingay na bar sila sa tapat ng kolehiyo nila ng matalik niyang kaibigan na si Lucia ng may umupo sa tabi nilang binata na mukha nakainom na, napilitan siyang sumama sa kaibigan ng araw na iyon.
"Hi girls, mukhang malungkot kayo sa table nyo if you want you can join us!" namumungay ang mga matang aya nito. Natatakot man silang pareho ng kaibigan ngunit nagpakita siya ng katatagan.
"I'm sorry pero okay na kami dito." Mariing tanggi niya. Si Lucia naman ay nanginginig sa tabi niya. Gusto niya g sisihin ito sa pag aaya sa kanya sa ganoon lugar dahil gusto daw nito subukan ang ganoon bagay since pareho silang nakadormitoryo at napaka istrikta ng mga madreng nagpapatakbo niyon, bawal ang umuwi ng lagpas sa curfew nila or else sa labas sila papatulugin ng dorm. Parehong galing sila ni Lucia sa angkan ng may mga malalaking lupain sa Pangasinan na pinadala sa Manila upang doon mag aral.
"Sige na mga magagandang Miss bagay na bagay kayo sa table namin." Pamimilit pa ng lalaki at akmang hihilain sila. Lalo naman sumiksik sa tabi niya si Lucia at siya ang ginawang panangga.
"Wala ka naman pala sinabi brad!" Kantiyaw ng mga lalaki sa mesang tinuro ng lalaking kaharap nila.
"Bingkay, natatakot na ako." Pabulong na sabi nito sa kanya. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita.
"I'm sorry pero hindi naman sa pambabastos I think you need to go back to your place, Mister." Pilit ang galit na sabi niya dito, natawa ang binatang kaharap niya at walang sabing hinila sa braso agad naman niyang iwinaksi ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Ano ba! Bastos ka!" Sigaw niya, napatingin naman sa kanila ang lahat.
"Huwag ka ng magpakipot Miss. Bagay tayo, maganda ka at gwapo naman ako!" Sabay malisosyong hinagod siya ng tingin. Sa edad niyang nineteen years old at sa tangkad niyang iyon ay mapagkakamalan siyang nasa mid- twenties. She was taller than the usual girls, morenang chinita siya at may itim na itim na buhok na lagpas beywang.
Sa isang gilid ay gulat at takot na takot si Lucia. Nagpatuloy sa paghila sa kanya ng lalaki ng may isang bulto ng lalaki ang tumapik dito at nagsalita.
"Arbor ko na ito, brod." Anang baritonong tinig. Napatingin naman siya sa bagong dating. He was tall, mestizo and handsome. He was immaculate clean in his college uniform. Napatahimik naman ang mga kasama ng lalaki sa kabilang mesa. Kitang kita niya ang pagpapalit ng maaskad na aura ng lalaking nanghaharass sa kanila, tila naging maamong tupa ito.
"Sure. Pasensiya na my lord." anito at biglang nawala ang presensya sa pagitan nila ng bagong dating. Sa palitan ng mga salita ng mga ito nahuhulaan niyang mga member ito ng isang fraternity at sigurado siyang may katungkulan sa frat ang kaharap.
"Tara na, Bingkay. Umalis na tayo dito." Ayang nagmamadala ni Lucia na hindi niya napansin ang paglapit sa kanya bitbit ang mga gamit nila.
"Maraming salamat sa tulong mo." She said to the guy standing in front of them. Ngumiti lamang ito at nagkibit balikat.
"Tara na." Pangungulit pa ni Lucia sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi sumunod na lamang din sa kaibigan.
YOU ARE READING
The Thursday Club (CONTINUING)
Narrativa generale"Four souls, thousands of pain and a hope." They may all look so strong but deep down kinakain na sila ng kanya kanyang baggage na dala-dala. Hindi nga ba what brought them together was their silent pain and loneliness with their individual lives. ...