My Dearest You, Love Pierre

50 1 0
                                    

My dearest you.... she type thru her laptop. Ilang araw na din pinapadalhan ni Pierre ng email ang ex boyfriend ngunit kahit isang sagot ay wala.

A no message is an answer. Kaya tumigil ka na sa kagagahan mo, Pierre! Sita ng isip niya sa kanya.

Napapailing na isinara niya ang Mcbook at nagpalinga-linga sa loob ng cafe.

"Hoy, sino ang hinahanap mo diyan."nakangiting bungad ni Nolan na umupo sa harapan niya may dala-dalang pagkain mula sa counter.

"Bakit hindi kita nakita? Kanina ka pa ba dito?" Sunod-sunod na tanong niya. Natatawang inabot nito ang favorite mango smoothie niya at ang isang slice ng red velvet cake bago nagsalita.

"I've arrived here twenty minutes ago and order these." Sabay turo ng mga pagkain sa harapan. "Paano mo ko mapapansin e tutok na tutok ka sa laptop mo?" komento pa nito. Hindi lingid sa kaalamanan nito ang pinagdadaanan niya. Napahugot siya ng malalim na hininga at napatitig sa binata.

Nolan is her highschool friend. They became really close ng maging girlfriend nito ang isa sa mga kabarkada niya ngunit hindi nagtagal ang mga iyon at naghiwalay din pero nanatiling magkaibigan. Madalas ito ang escort niya sa lahat ng event sa buhay niya minsan tinutukso na sila ng mga tao sa paligid nila na baka may relasyon na sila at ayaw lang nilang aminin pa, pinagtatawanan lamang nila iyon. Kahit kailan ay never niyang naramdaman na may pagtingin sa kanya ito maliban sa pagiging magkaibigan. At bukod pa doon hindi niya type ang kaibigan, he's too tall para sa height niyang 5'4, naiilang siya sa pagiging mestizo nito at tinalo pa ng kutis nito ang kutis niya, wala nga ito pores sa mukha, very athelic ito at nuknukan ang katamaran niya sa sports, mahilig ito sa outdoor adventures at mas gusto niyang magkulong sa kwarto, they were opposites pero nagkakasundo sila sa ibang bagay like reading, travelling and eating to unknown places.

"Nakatitig ka na naman sa akin baka mainlove ka na niyan."biro nito ng mapunang seryosong seryoso ang pagtitig niya, namumula man ay hindi niya pinahalata.

"Ang kapal mo talaga."balik niya. "Hindi ka ba busy sa opisina ninyo at dito ka nanggugulo sa akin?"pag iiba niya ng usapan. Isang senior manager sa malaking lending company ang binata habang siya naman ay kakaresign lamang sa dati niya trabaho bilang account executive sa isang international freight services.

"Hindi ko ba nabanggit sayo na nakaleave ako today?" Sagot-tanong nito sa kanya sabay subo ng carrot cake. He's a funny guy, malakas ang sense of humor at very charming sa tuwing ngumingiti. Parang wala itong kapo-problema sa katawan.

"Himala nagleave ka sa trabaho. Anong nakain mo?"nagtatakang tanong pa uli niya.

"Sabi mo kasi wala kang kasama today at gusto mong kumain dito so bilang mabuting kaibigan I'm here." Flat na sagot nito, natuwa naman siya sa narinig. Hindi pa niya sinasabi ay alam na nito ang gusto niya. He gets her. Always. "And isa pa, kinausap ako ng HR namin pinapagamit na iyon mga unused leave credits ko."nakangising dagdag pa nito.

Right after college ay nandoon na ang binata sa kumpanyang pinagtatrabahunan nito, he'd been working so hard because he wanted to prove something to his politician family lalo na sa tatay nitong Congressman na magtatagumpay ito kahit wala ang tulong ng mga ito. He came from a political family in the South at ito lamang ang nag-shy away mula sa larangan ng pulitika.
"So saan tayo after this?"anito makalipas ng  ilang sandali.

"Tinatamad akong gumala. Gusto mo mag-chill at Netflix na lang tayo sa condo." Aya niya. She's been living alone in her condo for a year mula ng magdesisyon ang parents niya manirahan sa flower farm nila in Benguet. And mga kapatid niya ay mga sariling pamilya na at tanging siya na lamang ang wala pa.

"Ang layo ng condo mo dito e, sa bahay ko na lang tayo tumambay."angal naman nito.
May sarili itong bahay sa loob Ayala Alabang courtesy of his parents na hindi pumayag na tumira sa maliit na condo ang anak. His family are well-off and affluent. Kung hindi lamang nagwala si Nolan nang padalhan ito ng bodyguards ng ama ay tiyak niyang sangkatutak na alalay at security itong kasama kahit saan ito magpunta at baka pati siya ay mailang na kasama ang binatang kaibigan.

The Thursday Club (CONTINUING)Where stories live. Discover now