Prologue

2.8K 67 2
                                    

Sobrang sakit sa dibdib ng makita mo yung taong mahal mo na may kahalikang iba. At ang mas masakit pa, kahit na alam niyang nandito ako patuloy niya paring hinahalikan yung babae. Para bang wala siyang pakialam kahit na nakikita ko siya mismo ng harap-harapan. Pero kahit na masakit nagawa ko paring lumapit sa kanya.

" Pwede ba tayong mag-usap? " tanong ko sa kanya.

Tumigil ito at saglit na tumingin sa akin. Pero parang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko na muling hinalikan niya yung babae bago ito umalis at naglakat palabas ng bar. Pansin ko rin yung pagngisi sa akin nong babae bago ko siya sinundan palabas ng bar.

Agad ko siyang nilapitan ng makita siyang nakatayo sa harap ng kotse niya habang may hawak na beer sa kamay niya....Hindi ko alam pero kinakabahan akong lumalapit sa kanya.

" Galit kaba sa akin? May problema ba tayo? " tanong ko sa kanya gamit ang mahinang boses.

Patuloy lang ito sa pag-inom at hindi ako pinansin na para bang wala lang ako dito.

" Oy! Pansinin mo naman ako. Galit kaba sa akin? May ginawa ba akong mali? "

Napaatras ako ng tiningnan niya ako ng masama. Hindi ko alam pero parang gusto kung tumakbo ngayon dahil sa takot sa kanya.

" B-bakit ka g-ganyan makatingin sa akin? May mali ba akong ginawa sayo? Sab-.... "

Napadaing ako ng marahas niya akong hinila papalapit sa kanya. At talagang ramdam ko yung sakit sa pagkakahawak niya.

" Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo? Diba dyan ka magaling? Ang manloko. " malamig na sabi nito sa akin.

Pilit kung binabawi yung kamay ko sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya dito.

" A-ano ba ang pinagsasabi mo dyan? Wala akong alam sa sinasabi mo. "

Pero mas lalo akong napadaing ng mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak nito sa akin.

" Huling-huli kana nagsisinungaling kapa? Diba pinagpupustahan niyo ako ng mga barkada mo. " sobrang lamig nitong sabi sa akin.

Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Dahil sa totoo lang, wala talaga akong alam kung ano ang mga pinagsasabi niya.

" Wala akong- "

Nagulat ako at malapit ng matumba ng malakas niya akong tinulak. Kasabay non ang marahas na pagbitaw nito sa akin at ang pagsigaw nito.

" Huwag kanang magsinungaling!Ganyan na ba ang nagagawa ng mga taong desperadang katulad mo!? Akala ko may pagkabaliw ka lang. Yun pala talagang may sira na ang utak mo.....Your such a gold digger. "

At doon tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Hindi ko alam kung saan ang mas masakit. Yung sinabihan kung may sira sa utak o yung sinabihan kang gold digger?  Siguro pareho lang. Dahil pinagbibintangan ka ng kung ano-ano na hindi mo alam kung ano ang nangyayari.

" Ganya ba talaga ang tingin mo sa akin? "

" Bakit hindi pa ba totoo? Kung alam ko lang na ganyan ka pala klaseng tao....Hindi na sana ako pumayag na makalapit sa akin. Nakakahiya ka!....I'm glad na hindi kita nagustuhan, at wala akong balak na magustuhan o mahalin ka man lang! Nakakaawa ka. " sabi nito at iniwan akong mag-isa doon.

Agad akong napahawak sa may sasakyan dahil pakiramdam ko matutumba ako.

Hindi ko alam....Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari. Ang sakit....napakasakit. Dahil wala pa man, wala na akong pag-asa sa kanya. Ang mas masakit, hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataon o alamin kung ano ang nangyayari. Kung bakit siya nagagalit.

Mukhang hindi kuna kailangan pang sabihin sa kanya kung ano ang importanteng dapat niyang malaman. Dahil alam kuna kung ano ang magiging resulta.

Masakit man, pero dapat akong maging malakas para sa sarili ko at sa amin.

Still Loving YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon