01

37 5 1
                                    

Irene POV

What is the fucking meaning of Love Game?

Ano 'to laro ng pag-ibig? Yan tayo ei kaya walang nagseseryoso sa pag-ibig kasi laging laro nalang ang hanap! Hindi na uli ako magpapaloko sa pag-ibig, sa madaling salita hindi na uli ako magmamahal.

"Hoy ano na naman ba ang ginagawa mo?" Bigla kong tinago ang papel na binabasa ko bago ako lumingon sa kaibigan kong si Lyka.

"Wala! San ka ba galing, kanina pa kita hinahanap ah"

"Gaga ikaw nga 'tong nawala ei"

"Halika na nga practice na daw lagot na naman tayo ngayon late na naman tayo"

"Oo nga ei ikaw kasi ei daydream pa"

"Bakit ako? Ako pa ang nawala nalang bigla?"

"Ewan ko sayo"

Naglakad na kami papuntang court, isa kami sa mga regular na player ng tennis dito sa school namin. Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng short ko habang ang isa naman ay may hawak ng towel pinupunasan ang pawisan kong batok. Naramdaman ko ang papel sa bulsa ko, nilukot ko yun.

Nakita ko yun kanina sa locker ko, hindi ako ganun kasikat sa school namin kilala lang ako bigla membro ng tennis club at isa sa pinakamagagaling na player, kaya nga kami regular.

Hindi ako naiinis dahil may nagbigay saakin noon, naiinis ako sa nakalagay sa papel.

Do you what to have a Love Game with me?

Paano niya nasasabi yun? Laro nalang ba talaga ngayon ang pag-ibig? Kaya kahit na ang daming nanliligaw saakin ay inaayawan ko kaagad sila kasi hindi naman sila magseseryoso saakin. Ang mga lalaki ay pare-pareho lang. Laro lang sakanila ang lahat.

"Irene ano ba ikaw na ang magpapractice" narinig kong sigaw ng isa sa mga senior ko

"Bakit lutang ka girl?" lyka

"Wala sigi practice na ako"

Nagpunta na ako sa court at nagumpisa ng magpractice. Sa kalagitnaan ng practice ko ay bigla ng ingay.

"Hala nanonood si Stell!"

"Shit ang pogi talaga ni Stell!!"

"Stell tingin ka dito"

Stell?? Nanood si Stell?? Hindi nga? Shit gusto kong tumingin pero pagnawala ang concentration ko sa laro baka matalo ako, ayaw ko tumakbo at magligpit ng mga bola!

"Stell bakit ka andito?"

Stell Anderson known as Love Gamer sa tennis at sa pag-ibig.

Ang Love Game ay lagi siyang nanalo sa mga laro niya at laging hindi nakakapuntos ang kalaban niya laging 6-0 ang mga laro niya.

Love Game sa pag-ibig dahil kilala siya bilang playboy ng school, hindi dahil varsity player siya kundi lahat na ata ng babae dito sa school pinapatos niya, maliban nalang saakin syempre hindi ako magpapaloko sa magaganda niyang mata, patangos niya ilong at lalo na sa mapupula niyang mga labi na kay sarap halikan.

"Shit"

Sigaw ko ng natamaan ako ng bola sa ulo kaya napaupo ako.

"Hala sorry Irene" lumapit saakin g kalaban ko.

Love Game (Complete)Where stories live. Discover now