Stell POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko!
"Hahayaan mo nalang bang ganiyan kayo Stell?" Tanong ni tita
"Wag po kayong magalala, gagawa po ako ng paraan para magkaayos kami"
"Siguraduhin mo lang, gustong gusto pa naman kita para sa anak ko"
"Gusto ko rin naman po si Rin ei"
"Magkalinawan muna tayo Stell, aayusin mo ang gulo niyo pero alam mo ang limitasyon niyo"
"Oo naman tita"
"Huwag na huwag mo siyang bubuntisin ah, gusto kita para sakaniya pero hindi papalagpasin kapag nangyari yan"
"Tita hindi ko nga iniisip yan ei"
"Buti ng magkalinawan tayo"
Dumaan ang hapunan na para bang hangin lang ako kay Irene, sabay kaming kumain kasama ang magulang niya. Hindi ko din naman siya makausap dahil andito sina tito at tita, nakakahiya.
"Tita, tito uwi na po ako" paalam ko
"Uuwi kana? Sige magingat ka hijo, ikamusta mo ako sa magulang mo" tita
"Sige po tita"
"Ingat ka sa pagmamaneho Stell"
"Opo tito"
"Irene anak hatid mo na si Stell sa gate!"
Napangiti ako sa sinabi ni tita, takte botong boto nga si tita saakin kaya naman kailangan kong gawin ang lahat mapasaakin ka ulit Irene. Nakabalik lang ulit ako sa katinoan ng naramdaman ko ang suntok sa tiyan ko.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Masungit na sabi ni Irene.
Lalo tuloy akong napangiti, shit.
"Wala"
"Bilisan mo na"
"Opo"
Lumabas na kami at hinatid na niya ako sa labas nila. Kakausapin ko na ba siya ngayon? Kaming dalawa nalang baka naman pwede na. Kakausapin kaya ako nito?
"Rin.."
"Oh?"
"Wala.."
Shit, ayaw ko na uuwi na akoooo.
"Ingat ka, salamat sa paghatid kanina"
"Wala yun, salamat sa hapunan"
"Hindi naman ako yung nagluto at nagyaya sayo bakit ka saakin nagpapasalamat"
"Miss ko na luto mo pero mas miss kita"
"Hindi ka miss ng luto ko at lalong hindi kita miss"
"Hindi mo ko miss Rin?"
"Hindi"
"Ako miss na miss na kita, bawal na ba talaga?"
"Hindi ko alam, sana inisip mo muna ang kakalabasan bago mo ko niloko"
"Hindi nga kita niloko, kilala mo ko Irene magkasama na tayo lumaki bakit pa ako magsisinungaling sayo?"
"Yun na nga ei, kilalang kilalang kita kaya kay hirap isipin na ganun yung nangyari saatin"
Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!
"Umuwi kana, anong oras na delekado sa daan kung gagabihin ka pa"
"Sigii.. bye"
Sumakay na ako sa sasakyan ko pero bago ko pa tuluyang masara ang pintuan ay narinig ko pamamaalam niya.

YOU ARE READING
Love Game (Complete)
Kort verhaal| Short story | what is this? love game? love fucking game!!! 9·27·19