05 - [End]

16 4 0
                                    

Tinawagan ko kaagad ang tanging tao na pwedeng magpaliwanag kay Irene na hindi naman talaga ako nagloko. Hindi ko siya kailanman kayang lokohin. Mahal na mahal ko ang baliw na 'to, bakit ko lolokohin?

(Hello?)

"Mica?"

(Oh Stell! Musta ka? Miss na kita!)

"Do me a favor"

(Yeah, I mean anything)

"Pwede mo bang ipaliwanag sakaniyang hindi ko talaga siya niloko?"

(Huh? How? I mean, nasa Paris ako Stell)

"She's with me right now"

(Oh! After two years kumilos ka din Stell)

"Yeah, so can you?"

(Of course, after all ako ang rason kung bakit kayo nahiwalay)

"Nice, speak, she's listening"

(Okay. Hello Irene, musta? It's been two years the last time we saw each other. At alam ko kung anong ganap noong huli nating pagkikita. I'm really sorry for what I did. Sadyang nabulag lang ako ng pagmamahal ko kay Stell that time. Pinagpilitan ko ang sarili ko sakaniya kahit na alam kong ikaw ang mahal niya, umaasa kasi ako na aayawan ka niya at mapupunta siya saakin, pero hindi nangyari)

"Nangyari, naghiwalay nga kami diba?" Biglang sabi ni Irene

(Hindi, naghiwalay kayo, oo, pero ikaw parin mahal niya. Ikaw parin nasa-isip niya)

"How can you be so sure na hindi niya ako niloko?"

(Siguradong-sigurado ako, mahal na mahal ka niya Irene. Stell is always vocal hewn it comes to you. Lahat naman kasi ata ng babaeng lumalapit kay Stell lagi niyang sinasabi na may girlfriend siya, ako lang talaga ang matigas ang ulo, linalandi ko pa din siya kahit na may girlfriend na siya. Sorry talaga. Pero masaya na ako, and I'm happily engaged.)

"Congrats Mica"

(Thank you, I hope hindi pa huli ang lahat para patawarin mo ko at sana sa kasal ko magkaayos na kayong dalawa ni Stell)

"Let's see"

(Okay)

"Mica salamat" sabi ko

(Anytime, sige una na ako I hope magkaayos na kayo, galingan mo, akitin mo)

"Baliw, sige salamat"

(Sige)

Binaba ko na ang tawag, ilang minuto din kami natahimik pagkatapos naming kausapin si Mica.

Sana naman nalinawan na siya na hindi naman talaga ako nagloko. Hindi ko napansing papalubog na pala ang araw.

Dati lagi namin ito pinapanood, dahil paborito talaga namin ang lugar na ito lalo na ang sunset dito.

Kakausapin ko na sana siya ng biglang tumunog ang phone niya.

"Ma?"

Hala! Lagot! Hindi ko natawagan si tita, hindi ako nakapagpaalam, nawala sa isip ko. Lagot na talaga ako nito!

"Okay lang ako, kasama ko si Stell...... May pinagusapan lang kami...... Pauwi na din naman ako...."

Ano? Baby hindi ka uuwi ng hindi tayo nagkakaayos!

As if namang gagawin ko yun hindi ba? Kung gusto niyang umalis wala akong magagawa, masyado ko siyang mahal para hindian.

"Ma! ...."

Nagulat ako sa pagsigaw niya, hindi ko alam kung anong sinabi ni tita sakaniya.

"Binubugaw mo ba ako?.... Fine!..... Yeah, I know!..... Bye!"

Love Game (Complete)Where stories live. Discover now