04

9 4 0
                                    

Irene POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking 'to. Nababaliw na ba siya? Paano ba niya naiisip yan?

At ang mas nakakagulat siya yung nagbigay saakin ng letter na yun, tsk.

"Which?" Tanong niya saakin

"Smooth!"

'Which': that's a tennis term and it's used for deciding who serves first. The players choice if Smooth or Rough, if 'Smooth' the mark on the grip is right side up, then it's smooth and if 'Rough' the mark on the grip is upside down, then it's rough.

Pinaikot na niya ang racquet niya at right side up. Means ako magseserve.

"Ako" nakangising sabi ko

"Go on baby, let's play" nakangisi ring sabi nito

Tangina nito ah nangiinis talaga!

Tinalikuran ko na siya at pumuwesto na para makapagumpisa na kami para makapagumpisa na.

Nagserve na ako, agad din naman niyang natamaan ang bola at nagpatuloy na ang pagpapasahan namin ng bola, nilakasan ko ang pagpasa ng bola sa left side, nasa right side kasi siya kaya naman hindi niya naabutan ang bola.

"15 - Love"

Nagserve na ako uli para matapos na 'to.

Hindi ko naman kasi alam kung anong pipiliin ko sa dalawa. Kung makikipagbalikan ba ako o ang Love Game na sinasabi niya.

Umabot na kami sa huling set 5-3 ang score, lamang siya mga tol! Tsk aasahan ko ba namang mananalo ako sa taong nagturo saakin ng tennis?

Last na to, ang score sa set na to ay 30-40 lamang siya, huling serve na 'to kapag nagkataong hindi ako nakascore.

"Mahal kita Irene! Lalo na sa dalawang taong hindi kita nakasama!" Sabi niya habang pinapatalbog niya ang bola

Baliw talaga 'to, paano kung marinig ng mga nanonood ang sinabi niya? Hindi talaga nagiisip 'tong lalaking 'to.

Sinerve na niya ang bola at agad ko namang ibinalik sakaniya, umabot sa isang munuto ang pagpapasahan namin ng bola ng bigla nalang niya ginawa ang stand niya. Shit ito yung sikat niyang panapos ng laro! Tsk, determinado na talaga siyang matapos ang laro at manalo ah.

Hindi ko na nahabol pa ang bola sa sobrang bilis. Tsk pamatay talaga ang stand niya na yun.

"Sorry baby, ayaw ko ng laro sayo, gusto kong bumalik ka"

"Paano kung ayaw ko?" Sabi ko sakaniya

"Edi liligawan kita hanggang sa bumalik ka saakin"

"Bakit ako babalik?"

"Kasi mahal mo ko?"

"Mahal ba kita?"

"Mahal mo ba ako?"

Tinitigan ko lang siya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Oo mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya! Pero paano kung mangyari ulit yung nangyari saamin nung nakaraan? Hindi ko na kakayanin sa pangalawang pagkakataon na mawala siya saakin. Ang sakit na nga nung una ei tapos uulit uli?

Umalis nalang ako doon at lumapit na sa bag ko. Masmabuti ng umalis ako ng hindi siya sinasagot kesa naman pagsisihan ko sa huli ang sinabi ko.

Ayaw ko nun.

Gusto ko siyang bumalik pero natatakot ako.

Natatakot akong masaktan uli!

Habang nakayuko ako at nagpupunas ako ng pawis sa batok ay biglang nagsituluan ang mga luha ko. Shit bakit ngayon pa?

Love Game (Complete)Where stories live. Discover now