Irene POV
"Okay naman na siya kailangan lang niya magpahinga Stell" sabi ng nurse kay Stell, tsk pati ba naman nurse naaakit sayo??
"Salamat miss"
"Okay na daw ako, salamat una na ako"
Tatayo na sana ako ng bigla niya akong pigilan
"Magpahinga ka muna"
"Okay na ako"
"Oo okay kana pero ano naman kung magpahinga ka kahit saglit?"
"Fine magpapahinga ako, umalis kana. Salamat"
"Hindi ba pwedeng magusap muna tayo saglit?"
"Naguusap na tayo"
"Irene naman"
"Wala kana bang ibang sasabihin? Kundi 'Irene naman', 'Irene hindi naman sa ganun', wala kana bang ibang dialogue?"
"Rin.."
"Ohh musta na pala kayo? Sino ba yun... ah yung Mica. Musta na kayo?" Nakangising tanong ko
"Hindi ko na siya nakikita"
"Bakit? Wala na kayo? Nagsawa kana? O baka naman niloko mo din?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi kita niloko?"
"Hindi? As in never?"
"Hindi nga!"
"Pero bakit nagpahalik ka? Sarap na sarap ka din ei"
"Siya yung humalik, Irene"
"Yeah, siya nga pero hindi mo tinulak"
"Pagkakita mo saamin kakahalik lang niya saakin nun, hindi mo na nakita yung pagtulak ko kasi umalis ka kaagad"
"Pero hindi mo parin tinulak kaagad, ano yun hinintay mo muna akong makita bago mo tinulak?"
"Irene naman nakikinig kaba? Kakahalik nga lang niya saakin nung nakita mo kami kami wala pa ngang minuto nung nakita mo kami ei"
"Ewan ko sayo Stell, hindi ko alam kung paniniwalaan pa ba kita"
"Kilala mo ako, sabay na tayo lumaki, sa tingin mo magsisinungaling ako sayo, Irene"
"Yun na nga ei kilala kita, kaya kay hirap paniwalaang niloko mo ko"
"Hindi nga kita niloko!"
"Umalis ka muna, magpapahinga ako katulad ng gusto mo"
"Sigi"
Hinalikan na muna niya ako sa ulo bago siya umalis sa harapan ko, nakakamiss yung ganun. Nakakamiss ka Stell. Mahal na mahal parin kita. Pero kay hirap mong mahalin.
"Okay kana ba?" Biglang dating ni Lyka kaya naman agad kong pinunasan ang mukha ko.
"Oo okay na ako"
"Omg! Binuhat ka ni Stell, Irene!"
"Ano naman?"
"Anong ano naman? Si Stell yun Irene, hindi mo ba yun kilala?"
"Kilala ko yun.." kilalang kilala ko yun
"Wala ka manlang bang gusto doon? Hindi ka manlang napopogian doon? Ideal man kaya ng lahat ng babae yun dito sa school natin"
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya pogi" mas mabuti ng huwag sagutin ang unang tanong kasi alam ko ang sagot diyan, gusto ko parin siya, gustong gusto!
"Pero hindi mo gusto?"
"Alam mo ewan ko sayo, halika na nga umuwi na tayo"
"Natatangi ka talaga Irene, hindi mo manlang nagugustuhan ang isang Stell Anderson!"

YOU ARE READING
Love Game (Complete)
Historia Corta| Short story | what is this? love game? love fucking game!!! 9·27·19