"I'm going under and this time I fear there's no one to save meThis all or nothing really got a way of driving me crazy
I need somebody to heal
Somebody to know
Somebody to have
Somebody to hold
It's easy to say
But it's never the same
I guess I kinda liked the way you numbed all the pain"
Hindi ba pwedeng mabuhay nalang tayong lahat ng masaya? Yung tipong gigising ka sa umaga nang masigla at walang problema na dinadala. Hindi yung ganito! Gabi gabi nalang. Gabi gabi nalang akong umiiyak at nagdudusa at gigising sa umaga suot suot ang mahiwagang maskara na nagkukubli sa totoo kong nadarama.
"Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved"
Ang bigat bigat na. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Basta ang alam ko, eto ako ngayon nag-iisa't walang kasama. Mistulang water falls ang mga mata, walang katapusang pagluha ang tanging nagagawa. Pisngi na nagmumukang ilog kung saan dumadaloy ang mga luha. Luha na sumusibulo sa sakit at pangungulila.
"I'm going under and this time I fear there's no one to turn to
This all or nothing way of loving got me sleeping without you
Now, I need somebody to know
Somebody to heal
Somebody to have
Just to know how it feels
It's easy to say but it's never the same
I guess I kinda liked the way you helped me escape"
Nakakapagod din pala. Nakakapagod din palang magpanggap na masaya sa harap nila. Hirap na hirap na akong suotin yung pesteng maskara. Maskara na nagtatago sa sakit na nadarama. Pero ano bang magagawa ko? Wala namang mangyayari diba? Patuloy pa rin na umiikot ang mundo, hanggat may araw na lumilitaw tuwing umaga at lumulubog din tuwing gabi, hanggat may buwan at bituin na nagniningning sa tuwing gabing madilim, patuloy pa rin tayong nabubuhay. Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Kailan matatapos lahat ng sakit? Kailan gagaan yung bigat na dala-dala? Kailan mabubuo yung durog na puso? Kailan? Ngunit may katapusan nga kaya ang lahat ng ito? Matatapos din ba lahat ng paghihirap ko? Pano kung hindi....
"Now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved"
Diba sabi nila walang pagsubok na hindi natin kayang lampasan? Na lahat ng ito ay ating mapagtatagumpayan? Kaso bakit ganon? Bakit parang ang laki naman ng galit saakin ng mundo, lahat ng sakit at bigat binigay nya na saakin. Isa lang naman akong simpleng tao na nagnanais ng masayang pamilya, pero bakit ganito?
"And I tend to close my eyes when it hurts sometimes
I fall into your arms
I'll be safe in your sound 'til I come back around"
Hindi ko na kaya. Hindi ko na tinapos pa ang aking pagkanta. Ito na ang pang pitong gabi magmula nung lumisan sya. Hindi pa ba kami sapat? Hindi pa ba kami sapat para kami yung piliin nya? Hindi pa ba sapat yung sama-sama naming hinarap lahat ng hirap at ginhawa ng hawak kamay at nangakong walang bibitaw?
Pero mapagbiro talaga ang tadhana. Yung taong nagturo saaking magmahal yun din yung taong unang nanakit at sumira sa akin. Yung taong nagsabi na sama-sama naming haharapin yung pagsubok, hawak kamay walang bibitaw, pero bandang huli sya din yung nang-iwan at bumitaw. At yung taong bumuo at nagturo saakin kung gaano kaimportante ang pamilya, sya din yung taong sumira nito bandang huli.
Sa apat na sulok sa aming bahay sya yung naaalala ko, kaya siguro tama ang naging desisyon namin na iwan nalang ito. Gumawa ng panibagong buhay at kalimutan ang nakaraan.
Bukas. Bukas, sa pagsikat ng araw magsisimula na ako. Magsisimulang ibaon ang lahat ng sakit at mabuhay na para sa bagong ako.
Pinunasan ko na ang aking mga pisngi at inayos ang aking sarili. Ito na ang huling pag-iyak ko. Pangako ko sa aking sarili. Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko dahil bukas na bukas din ay aalis na kami, lilipat na kami ng bahay at magbabagong buhay.
Magdamag lamang akong nakatulala sa kisame at walang kaemo-emosyon. Hinihintay na sumikat ang araw para sa panibagong buhay na aming kahaharapin.
*****
Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa aming bahay. Ngayon na yung araw na aalis at iiwan lahat ng alaala malungkot man o masaya.
"Is everything ok baby?" Sabi ni mama sa malambing na tono.
Tumango lamang ako bilang tugon.
"Yan lang ba yung mga dadalhin mo? Your guitar? Iiwan mo ba?"
"Ma, baka malate na tayo sa flight natin. We should go now" yan lamang ang aking nasabi kay mama.

YOU ARE READING
Loving You Behind The Skies
Teen FictionOur world is full of lies... I mean surprise. At sa araw araw na ginawa ng Dyos hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari, kung ano ang dadating, kung ano ang mawawala, at kung ano ang aalis. How can a simple-innocent girl named Aquisha Desiree...