Pagkatapos ng araw na yon, naging matunog na yung pangalan ko sa buong academy. Nakakainis tuloy. Fake rumors is all around. Pero wala padin akong pake. Basta pagpasok ko the other day lahat ng students matalim na yung tingin sakin. Especially girls.
Flashback:
Pagkababa ko palang ng sasakyan lahat na agad nakatingin sakin. Grabe naman sila. Alam kong maganda ako oo pero yung harap harapan akong titigan ng dahil sa kagandahan na taglay ko is not okay. Nakakailang kaya.
Hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso na sa aming classroom. Naabutan ko si Ae dun sa may pinto kasama si Alizeh. Niyakap agad ako nilang dalawa. Yung dalawa talaga na to kahit kelan, mukang ewan.
"Aquisha girl kamusta ka? May ginawa ba sila sayo?" -ae
"Hala. Sinaktan ka ba nila?" -alizeh
Eto namang si bakla tinignan yung mga braso ko na para bang chinecheck kung may pasa ba or sugat.
Isa lang masasabi ko. Ang oa nila.
Sabay kong pinitik yung noo nilang dalawa. Muka namang effective kase agad na nagbago yung expression ng muka nila. Muka namang natatae. Syempre charing lang.
"Ano ba kaseng problema nyong dalawa. Para naman kayong tanga. Look I'm still pretty and cute."
"E-eh kase d-diba yung nangyare kahapon..... yung sainyo ni Z-zander."
Zander? Wala naman akong kilalang zan-
"The guy who's sitting beside you yesterday. Nakalimutan mo na ba?"
Ah so Zander Lee pala yung pangalan nung bwiset na yon.
"Oh! Zander Lee. Hmm." Napangisi nalang ako dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. It's my turn Zander Lee, wait for my revenge.
End of flashback.
Inexplain din saakin nila Ae kung bakit sila ganon umarte kahapon. They've taught na ginulpi nako nung mga b!tch na kasapi ng fans club ni Zander Lee. HAHAHHAHA.
Basta bahala sila gumawa ng sarili nilang ikasasaya, basta ako wag lang nila akong guguluhin ayos na ko.
~•~•~•~
Mas nakilala ko pa yung mga kaklase ko as the time goes by. Hindi sila mahirap pakisamahan and they won't let you feel out of place once na kabilang ka na sa section. And I'm glad na sa kanila ako napabilang.
"So as a part of Scheo International Academy, you, the students are required to have at least one club. Club were you're about to join and club that will help you all build your better self. Before the month of August end, all of you must have a club." Isang mahalagang anunsyo ang inilahad ni Miss Sanchez, our class adviser.
"Let's call it a day class, goodbye." At tuluyan na syang umalis sa aming classroom.
"Quisha girl may club ka ng sasalihan?" -ae
"Wala pa nga ehh. Don't you remember Ae, kakatransfer ko palang dito." Sabay irap. Sorry na agad. Masakit lang talaga yung puson ko kaya medyo masungit ako. Medyo lang naman hihe.
"Taray ha! Dukutin ko yang mata mo ewan ko nalang kung maiiripan mo pa ko." Sabay flip ng hair. Tong baklang to ewan ko nalang, masyadong feelingera wala namang buhok.

YOU ARE READING
Loving You Behind The Skies
Ficção AdolescenteOur world is full of lies... I mean surprise. At sa araw araw na ginawa ng Dyos hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari, kung ano ang dadating, kung ano ang mawawala, at kung ano ang aalis. How can a simple-innocent girl named Aquisha Desiree...