III: The New Beginning

21 2 0
                                    

New environment

New surrounding

This is the new beginning.

Kasabay ng pagpihit ni mama sa doorknob ng aming bagong bahay ang paglimot sa kung ano yung aming nakaraan.

Lahat ng nasa paligid ko, ang tingin ko ay bago. Sakto lang ang laki ng bahay, pag pasok mo palang ng pinto ay bubungad na sayo ang sala kung saan may isang mahaba at dalawang maliit na sofa, sa gitna nito ay isang center table na sa tingin ko ay gawa sa isang magandang kalidad na kahoy at napapaibabawan ng glass, may flatscreen tv na nakadikit sa pader at ilang paintings na nakasabit din sa pader. Konting lakad lang at makikita mo na ang dining area at counter kung saan ilalagay yung mga groceries. Kapag dineretcho mo ito ay kusina na, hindi pa masyadong naiaayos yung mga gamit dito kaya nakakahon pa yung iba. Sa kaliwa nito yung cr na sakto lang ang laki. Pag-akyat naman sa second floor ay may tatlong kwarto, hindi ko na tinignan pa yung ibang kwarto kasi pagod na din naman ako kaya yung pinaka dulo yung pinili ko.

Sakto lang yung laki nito, may isang kama na normal lang yung sukat para saakin at katabi nito ay malaking bintana na pwedeng pwede kong tambayan.

Patalon akong humiga sa kama dahil sa sobrang pagod

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Patalon akong humiga sa kama dahil sa sobrang pagod. Anlayo pa kasi ng byinahe namin para makapunta kami dito sa Bulacan. Dito daw kase yung birthplace ni mama kaya naisip nya na dito nalang din kami tumira.


~•~•~•~


Hindi ko namalayan kagabi na nakatulog na pala ako, bumangon agad ako at bumaba. Wala nang suklay suklay pa, nasa bahay naman ako kaya so what kung ganito yung itsura ko ako lang naman at si mama  lang yung nandito sa bahay kaya ays lang yon.

"Quisha baby, goodmorning!" Magiliw na bati sa akin ni mama.

"Goodmorning ma." sagot ko at saka ngumiti ng pilit. Muka namang hindi nya napansin yon kase nagsimula na syang kumain.

Fried rice, bacon at toasted bread ang hinanda ni mama na breakfast for today.

"So.. any plans for today?" Sumulyap sya sakin habang patuloy ang pagnguya.

"Wala naman po ma, baka maglibot na lang ako mamaya dito sa subdivision after ko ayusin yung gamit ko."

" ah huh. By the way aalis ako ngayon, aayusin ko kasi yung mga requirements mo for you to be able na makapasok ka na this week. Mahirap humabol kaya as much as possible dapat makapasok ka na."

Tumango nalang ako bilang pag tugon. As if naman na may magagawa pa ko dito, binilisan ko nalang yung pagkain ko para maayos ko na yung mga gamit ko dun sa kwarto.


~•~•~•~



Nasa kwarto na ko pero nakatunganga lang ako. 8:00 palang ng umaga pero tamad na tamad na ko kumilos, naligo nalang ako at nagsimula ng ilagay yung mga damit ko sa closet.

Hindi pa ko nakakakalahati pero ansakit na ng likod ko. I hate this feeling. Haystt.

Sinuot ko yung nakita kong pastel blue na hoodies saka bumaba para tignan kung nakaalis na ba si mama.

As usual, nag iwan ulit sya ng note kagaya lang nung ginagawa nya dati.


"Baka hindi ako makauwi by lunch time, nag-iwan ako ng foods dyan kapag nagutom ka :) ingat!"

- mama mong maganda ;)



Masarap na simoy ng hangin ang dumampi saakin pagkabukas ko palang ng pinto. Kahit saan ka kase tumingin ay puro puno ang makikita mo, bawat bahay din ay may sari-sariling garden sa harapan ng kanilang bahay kaya naman ansarap ng ambience dito sa subdivision na to, nakakarelax.

Habang naglilibot, hindi ko maiwasan na mamangha, grabe naman kase makatulo laway yung ibang bahay ang ganda ganda, yung parang sa fairytales lang ganon, na tanging queens and princesses lang ang may kakayahan na tumapak don kase sa kanila yon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may narinig ako. May umiiyak.

may humihingi ng tulong

May humihingi ng tulong

May humihingi ng tulong kung saan


Nakita ko ang isang karton kung saan, dito ata nanggagaling yung umiiyak. Pagbukas ko, tumambad saakin ang isang maitim at mabalahibong tuta. FudgeEe. Ang cute cute nyaaa.

"Sinong nag-iwan sayo dito? Ha? Ang cute cute mo naman" nakakagigil yung cuteness nung tuta.

"Gusto mo ba saakin ka nalang? Ha? Iuuwi na kita sa bahay ha. Ikaw na ang bagong baby ko!"

Napansin ko din na may mga left-over foods dun sa loob ng karton, siguro may nagpapakain sakanya dito. Bahala na. Iuuwi ko na sya.

Quisha ganda, Quisha ganda, kikilos na

Ililigtas ang tuta nang mag-isa

Hindi malaki at hindi malakas

Pero maganda, sobrang ganda!


~•~•~•~


Masaya akong umuwi sa bahay ng dala dala ang bago kong alaga. Pagkauwi ko sa bahay pinaliguan ko sya agad at binigyan ng tubig. Tinext ko nalang si mama na bumili ng dogfood para may kainin sya mamayang gabi.

Ano kayang magandang pangalan? Ririe! Ririe nalang yung name nya! Omo meet my baby ririe.

"Ririe na yung itatawag ko sayo wah. Ikaw na ang bago kong baby, I'm your new mommy. Kaso baby wala kang daddy hihe. Parehas naman tayoo, wala din akong daddy kaya wag ka nang sad."

Tinignan lang ako ni ririe na para bang naiintindihan nya yung sinasabi ko. 

Hapon na nung dumating si mama, syempre magugulat yon kase may cute puppy na naghihintay sa kanya.

"Hi grandma!" Pinakita ko kay mama si Ririe habang tumatawa. "Mama meet my baby, Ririe the cute puppy" nakanganga lang si mama na nakatingin sakin, pwede nang pasukan ng langaw yung bibig nya sa sobrang gulat.

"Mama! Hindi mo manlang igregreet si Ririe?" Napanguso nalang sa kanya.

"Oh! Hi baby, Ririe from desiree. Nice baby!" Tumatawa na sagot ni mama. "San mo naman nakuha si Ririe? May vaccine na ba yan? Kaya ka pala nagpapabili ng dogfood." Dumeretcho sya sa kusina para kumuha ng tubig.

"Pwede ka nang pumasok this week, bili nalang tayo ng school supplies later or kung gusto mo tomorrow nalang."

"Okay ma, pahinga ka muna mamaya nalang tayo bumili ng school supplies maaga pa naman po."

Then umakyat na ko sa taas para makipaglaro kay Ririe. Nakakatuwa lang na parang kanina lang nahihiya pa sya sakin tas ngayon natutulog na sya sa lap ko.

Loving You Behind The Skies Where stories live. Discover now