Nakaharap ako ngayon sa salamin habang ramdam na ramdam ang kabog ng dibdib. After kase magpahinga ni mama kahapon ay pumunta na kami sa robinson para mamili ng gagamitin ko sa school tapos sinabay na din namin yung ibang gamit na kailangan ni Ririe.And ngayon. Ngayon na yung araw na papasok ako sa bago kong school. Sino ba namang hindi kakabahan diba? Wala akong kakilala don niisa. Pero push natin yan, para naman maipagmalaki ko sa magaling kong tatay na kaya naming mabuhay ng wala sya. Na kaya naming maging masaya kahit na nasa piling na sya ng iba. Oh diba ang bitter ko nanaman.
Mapakla akong ngumiti sa salamin, kaya mo yan self! Kaya natin yan.
Hindi na ko masyado pang nag-ayos, suot suot ko yung plain white shirt na pinaibabawan ko ng grey hoodies at pants, by next month ko pa kasi makukuha yung uniform ko. At sinuot ko din yung salamin ko kahit na hindi naman talaga malabo yung mata ko. Wala eh trip ko lang, walang basagan ng trip. Napansin ko din na mahaba na pala yung long straight hair ko na may curls sa dulo nito. Magpapagupit ako one of this days kapag hindi na hetic yung schedule ko. Haha kala mo kung sinong busy eh si Ririe lang naman ang inaatupag.
Speaking of Ririe, bigla nalang itong lumapit saakin at pumunta sa may paanan ko.
Ngumuso ako. "Baby, mommy gonna go to school today, I'll be back soon after ng class ko. Promise baby Ririe don't be sad na" tinignan nya lang ako habang yakap yakap ko sya.
Bumaba na ko at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko si Ririe. Sinabi ko kay mama na huwag na nya kong ihatid sa school kasi nga malaki na ko, I mean ano yung age ko is enough para maging independent not that matangkad ha. Cute kase yung size ko. Hihi. Pero she insisted, kailangan nya daw masure na makakapasok ako today ng ligtas and another thing is hindi ko pa alam kung paano mag comute papasok sa school kaya in the end, si mama parin yung nanalo. Iniwan din namin si Ririe kay Tita Fely, one of our neighbor.
Nagpaalam na ako kay Ririe kasi baka malate na ko, first day ko pa naman ngayon.
~•~•~•~
Nakatingin lang ako sa bintana at tinatanaw ang mga tao na masayang naglalakad. Sana all masaya.
Starting this day, umaasa ako na hindi na ako yung dating ako. Ihahanda ko na din yung sarili ko sa mga bagay na pwedeng mangyari. Katulad nalang ng mga taong nasa paligid ko, hindi na dapat ako himihingi ng attention mula sa kanila, dapat ay masanay nalang ako na ako lang talaga mag-isa kasi alam ko naman na dadating yung time na aalis din sila at iiwan akong nag-iisa. Para iwas sakit na diba. Kasi baka hindi ko na kayanin pa kung may panibagong tao nanaman na dadating sa buhay ko at kapag nasanay na ako, bigla nalang silang mawawala sa tabi ko na para bang bula.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng gate ng bagong school na papasukan ko.
Scheo International Academy
Unang tapak ko palang sa gate ng school na 'to naagaw ko kaagad yung attention nila. Ganon na ba ko kaganda para mapansin nila. Charing.
Malamang mapapansin nila ko kase bago ako dito. Pero syempre meron paring walang pakealam kase sino ba naman ako para pansinin nila. Diba ang gulo ko, parang kayo ng jowa mo. Hakhak.
Naglakad nalang ako ng tahimik at walang kaemo-emosyon wala eh, trip ko talaga mag paka emo ngayon. Since maaga pa naman, 6:11 am, naisipan ko munang lumibot sa buong school.
Maaliwalas yung school. Muka namang responsible yung mga students dito kasi wala kang makikitang basura ni isa kahit balat ng candy, tapos na segregate na yung mga trashcans nila, yayamanin. Pagkapasok mo palang ng gate, makikita mo agad kung gaano kaganda yung school na 'to, now I wonder kung magkano yung tuition dito. Pagkapasok mo ng gate, makikita mo sa kaliwa yung Library kung saan may nagflaflash dito na kung ano yung latest event saka kung ano yung theme nito, kumain ng wasto at maging aktibo, push natin to! Nutrition month yata ngayon kaya ganyan yung nakalagay. Sa tabi din ng Library makikita yung Dean's office. May mini forest din sa loob ng campus. Bali naka hile- hilera yung mga building dito, lahat yon sky blue and dark blue yung kulay, bawat building din may mga specific name or departments. May nakita din akong mistral house which is yun yata yung multi purpose hall dito. Madami ding canteen and cafeterias na nakapaligid. Tas sa may dulo, kanan yung gymnasium.
Maaga pa naman kaya nang naisipan ko munang magpahinga sa isa sa mga canteen dito mamaya pa namang. Grabe, nakakapagod. Ang laki pala ng school nato. Pati canteen dito malinis saka nakatiles pa, naka proper uniform din yung mga nagtitinda dito. Naka hair net, apron, and gloves din sila.
Pagkatapos ko magpahinga sa canteen, pumunta na ako dun sa Dean's office para kunin yung schedule ko. Wala yung dean nung pumunta ko kaya assistant nya lang yung nagbigay sakin nito binigay nya na din yung iba pang gamit nakakailanganin ko dito like school ID and student wallet, hindi kase tumatanggap ng totoong pera dito kailangan pang mag deposit ng amount para maconvert 'to into scheo money saka ka palang makakabili ng pagkain sa mga canteen dito.
~•~•~•~
Araceli building. Fudgeeeee. Hindi ko alam kung saan banda yon matatagpuan. 7:30 yung start nung class and here I am nakatayo sa gitna ng kawalan :)
Bakit ba kasi hindi ko tinanong kung alin ba yung Araceli Building dito? Ambobo mo selp!
Mukang malelate ako sa first day ng klase ko dito. 7:15 na pero until now wala parin ako ka ide-idea kung san ba makikita yung Araceli Building.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkataranta ko nang.bigla.akong.natumba. Fvck! Nalaglag yung phone ko even my fvcking eye glasses buti nalang hindi to nabasag... nabasag yung phone ko. Kingina ang swerte ko ngayon.
Tumayo ako na para bang walang nangyari, yung emotionless kong mukha ang iniharap ko dun sa nakabangga saakin. Calm your damn self. Pilit na kumbinsi ko sa sarili ko.
As I look to her eyes ay nakita ko ang guilt at takot sa kanyang mga mata.
Yung uniform nya na parang may stain na red na I don't know tapos yung thick eye glasses nya and her braided hair. A girl who looks innocent.Naagaw ng attention ko yung mga lalaki na nasa may likod nya na tawa ng tawa. Now I think alam ko kung sino dapat yung sisihin ko.
"I-Im sorry m-miss." Utal utal na sabi nya while shaking.
I hate that! Tinignan ko lang sya then binaling ko yung paningin ko sa mga lalaki na tumatawa kanina, nakangisi na sila ngayon sa akin.
"Hi miss!"
Slightly bitchy mode on. Inirapan ko lang yung lalaki at tumalikod na. Wala akong time para sa mga taong kagaya nila. Maybe next time hehe. Nakatayo pa din yung babae na nakabunggo sakin, nang magtama ang aking paningin mabilis syang umiwas at yumuko. Nung akmang lalakad na sya palayo saakin, hinawakan ko agad yung braso nya. Bigla syang namutla. Fvck! Wrong move.
"A-ahm again I'm s-sorry hindi ko p-po s-sinasadya."
"Pede magtanong?" Sabi ko dun kay nerdy gurl.
"S-sige. Ano ba yon?"
"Where is Araceli Building?" Tanong ko agad kase 7:22 na. Malapit na mag time.
"Unang building" sabay turo dun sa pinaka unang building na makikita. Ngumiti ako sa kanya.
"Okay." Tas umalis na sya bigla. Hindi pa naman ako nakakapag thank you sa kanya.

YOU ARE READING
Loving You Behind The Skies
Novela JuvenilOur world is full of lies... I mean surprise. At sa araw araw na ginawa ng Dyos hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari, kung ano ang dadating, kung ano ang mawawala, at kung ano ang aalis. How can a simple-innocent girl named Aquisha Desiree...