KABANATA 4

1.1K 33 9
                                    

Kabanata 4

IT's been two day's after our graduation. Since, matagal pa naman ang pasukan at enrolment ng college ay pinayagan ako ni Tita na mag bakasyon sa Samar kasama si Marimar. Mabuti nalang at mabait si Tita. Hindi kagaya ng mga ibang kamag anak namin na nuknukan ng sama ang ugali, porket medyo nakaangat sila sa buhay.

Well, thats a big fact now a days. Karamihan ay ganun. Aminin man' natin o hindi. Kung wala kang pera, hindi ka nila kilala to the point that they won't acknowledge your presence because you have nothing. Pero kapag nabalitaan nilang nakaangat ka na sa buhay? Para yan'g mga langgam na dadagsa at kakausapin ka na parang kilalang kilala ka nila.

Minsan yung iba mo pan'g kamag-anak e, mag fe-feling close pa sayo.

''Oh ija, mag iingat ka roon ha ?'' madamdaming sabi sa akin ni Tita na siya namang ikina tuwa ko.

Sa kanya ko lang naranasan na maalagaan ng ganito. Masarap sa pakiramdam na kahit papaano ay nandyan' ang Tita para alagaan at supurtahan ako sa mga bagay na gusto ko. That's why I treated her like my own mother since I don't have one, not emotionally but physically.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. For sure, mamimiss ko siya'. Halos siya na ang tumayong ina ko, simula noong siya ang nag papaaral sa akin hanggang ngayon. Kaya napalapit na ako sa kanya ng sobra.

''Ikaw naman kasi Tita e. Kung sumama ka na lang kasi sa amin. Para hindi kana sana maiiwanang mag isa dito." Nakangusong sabi ko sa kanya.

''Alam mo namang may munting sari-sari store tayo dito diba? At isa pa walang magbabantay rito sa bahay.Kaya kayo'ng dalawa nalang ni Marinar ang umalis. Ikamusta mo nalang ako sa kanila doon.'' sagot sa akin ni tita.

I stared at her face for a moment. Ngayon ko lang mas' lalong napansin na medyo kulubot na ang muka niya. Tanda na siya'y tumatanda nitong mga nakalipas na taon. Parang kailan lang, simula nung' sumama ako sa kanya.

Ngumiti at tumango ako sa kanya."Oh,sige po. Makakarating sa kanila iyan'."

''Oh siya, lumakad kana at baka mahuli kayo sa bus na sasakyan niyo. Mag iingat kayo roon ha?'' tumango ako at niyakap si tita ng huling beses bago ako tuluyang umalis.

Pag dating ko sa terminal, nakita kong nag aantay na sa akin si Marimar. Nakasimagot ang muka niya, habang nakatayo at nagtitipa sa cellphone niya. Nilapitan ko agad siya. Nagulat ako ng bigla niya akong hampasin sa braso. Grabe namang baklatong to, ang hilig mang hampas ang sakit kaya. Kahit pa sabihin nating binabae siya na ma'y pusong babae e, lalaki pa rin' naman ang katawan niya't mabigat.

Gusto kong magreklamo kaso huwag na lang. Nakasimangot ko siyan'g tiningnan.

"Bakit ngayon ka lang ha?'' Bulyaw niya sa akin. Nahihiya akon'g tumingin sa paligid dahil ramdam kong pinagtitinginan kami ng mga tao.

Ayaw ko na sana siyan'g patulan kaso nagbago na ang isip ko. Ginigigil niya ako e.

''Grabe ka Marimar, hindi ka ba aware na babae ako at lalaki ka? hello! ang sakit mo kayang manghampas. In-case na nakalimutan mon'g lalaki kapa rin' kahit pusong babae ka.'' Inis na sabi ko sa kanya.

Feeling ko, medyo na dislocate yung mga buto ko sa braso gawa niya.

''Hoy, babaeng maganda lang sa akin ng ilang tabong paligo. Hindi iyan ang tinatanong ko sayo.'' gigil na sabi niya sa akin. Kulang nalang sabunutan niya ako sa sobrang gigil niya.

''Eh sa mesheket eh. Enenong gegewen ke.'' pang aasar ko sa kanya.

Pinanlakihan niya ako ng dalawa niyang mga mata. Tila ba hindi makapaniwala sa sinagot ko siya ng ganun'.

MAGINOO na MANYAK(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon