ALA SAIS na nang gabi ako nakauwi sa bahay namin dahil hindi parin ako makaget over sa nangyari sa amin ni Iking. Don't get me wrong ha? hindi yung ano ang sinasabi kong nangyari. Yung usapan lang namin.Ano ba yan feeling ko namumula nanaman ang pisngi ko kainis, lalo na pag na-aalala ko yung pag kiss niya sa tunki nang ilong ko.
Medyo slash slight na kinilig ako dun'.
Pag dating ko sa bahay tinanong agad ako ni mama kung may sakit ba daw ako, kasi nga sobrang pula ng pisngi ko. Itinapat pa niya ang kamay niya sa noo at leeg ko. Pinapakiramdaman niya kong may lagnat ba ako. Sabi ko nalang sa kanya na medyo masakit ang mga sugat ko kaya ako namumula.
Pero ang totoo masyado lang talaga akong maharot at kung ano ano ang iniisip kaya mapula ako.
Seriously self? anong connect ng sugat mo sa namumula mong pisngi? Sorry ma, kung kailangan kong magsinungaling. Dibale white lies naman ang sinabi ko e, hindi black. White lies are good naman daw. Sana patawarin ako ni god. Jusmeyo!
Sinabi ni mama na mag pahinga nalang daw muna ako sa kwarto para gumaling agad ang sugat ko. Siya na ang magluluto nang hapunan namin at tatawagin niya nalang daw kami kapag kakain na.
Nasa kwarto ko si Beks at kanina pa ako iniintay.Tumango ako kay mama at nag lakad na papuntang kwarto ko. kahit medyo masakit pa rin ang tuhod ko ay keri lang. Sanay naman akong' masaktan. And physical pain is much better than emotional pain. For me. Ewan ko lang sa ibang tao.
Bago makarating sa kwarto madadaanan ko muna ang sala. Nakita kong' nakaupo si Kate doon sa sofa habang nanunuod ng tv. Hindi niya siguro napansin ang presensya ko kaya dumiritsyo na ako sa paglalakad papuntang kwarto ko. Mukang busy naman siya pinapanuod niyang korean drama e.
Pagdating ko sa tapat ng kwarto ko ay huminto muna ako. Tinanaw ko muna kong ano ang ginagawa ni Beks, baka may kababalaghan na namang ginagawa ang baklang to. Mahirap na, mas mabuti na yung sigurado para hindi dihado.
Mukang busy busy-han ang baa at hindi niya napansin ang presinsya ko. Titig na titig lang siya sa cellphone niya, para bang may interesting siya pinapanuod dun' o kung ano man' ang ginagawa niya.
Kapag itong baklitang to' may ginawang hindi maganda dito sa loob ng kwartong to' babalatan ko talaga siya ng buhay at ipapakain sa mga pating at isda dito sa isla na to. Pakiramdam ko may gagawin siya e.
You see, when you have best friend since day one you'll eventually know them. As in lahat ng tungkol sa kanila ay alam mo. Yung iniisip pa lang nila na gagawin ay alam mo na agad.
Pinagmasdan ko kung anong sunod niyang gagawin. Halos lumuwa ang dalawa kong mata ng makita ko kung saan patungo ang kamay niya.
Nanliit ang dalawa kong mata sa kanya. Dahan dahan niyang ibinaba ang isang kamay. Pinagmasdan ko kung saan patungo ang kamay niya. Shit! nanlaki ang dalawa kong mata nang mapagtanto ko kung anong gagawin niya.
Sa bigla ko napasigaw ako nang pagka lakas lakas na ikinagulat niya. Nakita ko pang naitapon niya ang cellphone niya sa sahig. Sana mabasag ang screen nun! Bwesit!
''STOP! You fucking p-pervert!" sigaw ko kay Marimar na siyang ikinagulat niya. Nanlaki ang dalawa niyang mata at kamuntikan na siyang mahulog sa kama ko.
YES! KAMA KO YAN YOU.. YOU.. BASTA YOU.!! YUN NA YUN.
NO! NO! Hindi pwedeng mamantsahan ang aking mahal na kwarto dahil sa karumal-dumal na kahalayaan ng baklang ito. I will protect my little room from my perverted best friend! Poor room. Nadamay pa sa kahalayan ng baklitang to'.
''A-anong g-ginagawa mo dya'n?'' nauutal niyang tanong sa akin. Pinaningkitan ko siya ng dalawa kong mata.
Aba't nag tanong pa talaga.
BINABASA MO ANG
MAGINOO na MANYAK(On-going)
RomanceNakatagpo na ba kayo ng isang tao na MAGINOO sa umaga? MANYAK sa gabi? yung tipong unang tingin mo sa kanya siya iyong lalaking hindi maka basag pinggan? pero akala mo lang pala? MAGINOONG MANYAK ika nga nila. PS: READ AT YOUR OWN RISK!