Kabanata 5
NAALIMPUNGATAN ako dahil may yumu-yugyug sa balikat ko. Napamulat ako ng dalawa kong mata at ipinalibot ko ang paningin sa paligid. Doon' ko lang napagtanto na nakatigil na pala ang bus na sinasakyan namin. Tumingin ako sa bintana at doon' ko nakumperma na nasa Tacloban teminal na kami.
Umupo ako ng maayos at kinusot ang mata. Tiningnan ko rin' ang muka ko sa screen ng cellphone ko. Baka mamaya e, may muta pa pala ako. Nakakahiya naman yun'.
''Buti naman at nagising kana? Goodness! tulog mantika ka talaga.''sabi niya sa akin habang ibinababa niya ang bag naming dalawa na nasa comparment ng bus.
I roamed my eyes around. Wala na akon'g nakikitang mga pasahero. Baka nakababa na sila. Kami nalang palang dalawa ang nasa loob ng bus.
''Kanina pa ba tayo nakarating dito?'' tanong ko sa kanya at tumayo narin para kunin' ang bag ko.
''Oo madam kaninang kanina pa. kanina kanina pa din' kitang ginigising kaso ayaw mong magising. Muntik na akon'g tumawag ng ambulance, akala ko kasi patay kana," mapang asar na sabi niya sa akin. ''Kung hindi ka pa nga gumising ngayon baka kinalbo na kita para mabawasan iyang kagandahan mo.''
Hindi nalang ako umumik at nag comment sa haba ng sinabi niya. Tahimik akon'g sumunod sa kanya pababa na ng bus. Saktong pag pababa namin nakita ko na si mama at ang kapatid kong panganay na si Kuya Leo.
Medyo nagulat pa akon'g makita si mama dahil hindi ko talaga in-expect na sasama siya sa pagsundo sa amin' ngayon. Ang akala ko ay si kuya Leo lang ang susundo.
Kinakabaha ako. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan dahil hindi naman naging maganda ang huli naming paguusap noon' bago ako umalis. Kung nagkakausap naman kasi sa tawag, hindi rin' naman nag tatagal. Wala pa nga atang sampung segundo.
Aaminin ko sobrang namiss ko talaga ang pamilya ko. Kahit hindi kami ayos, o close ni mama. Si kuya Leo lang talaga ang ka-close ko sa kanilang dalawa. Alam ko naman na mahal nila ako, kaya hindi rin' ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila.
Hindi ko yata kayang magalit sa kanila e. Siguro may kaunting tampo lang. Ngunit hanggang doon' lang iyon.
Niyakap ko si mama ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko kuya Leo na hindi niya inaasahan, pero kalaunan gumanti siya ng yakap sa akin. Pinakilala ko naman si Marimar kina mama at kuya.
Pero ang malandi kong bespren pinag pantasyahan agad ang kapatid ko. Kanina niya pa ako kinukurot dahil kinikilig daw siya kay kuya Leo. Sus as if naman papatulan siya ni kuya sa isip sip ko, knowing kuya Leo?
Nah, I doubt that.
Nakasakay na kami sa bangka, hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Ilang minuto na lang alam kong maiaapak ko na rin' ang paa ko sa bayan kung saan ako sinilang at nasaktan.
Hindi ko maintindihan ang sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Samantalang si Marimar, ayun' to do kapit sa kuya. Keso natatakot daw siya, pero halata namang nag e-enjoy siya e. Halata rin na sinasadya niya lang iyon' para makakapit sa braso niya.
Maharot lang talaga siya. Kumbaga na-nantsing lang siya. Nakita kong madilim ang tingin ni kuya sa unahan, nakakunot rin' ang kilay na kaunti na lang ay magkadugsong na.
Pakiwari ko'y pinipigilan niyang huwag maga sumabog sa inis.
Magkatabi sila ni kuya at kami naman ni mama ang magkatabi. Inarkela na ni mama ang bangka para magkasya kami kasama ang mga bagahi na dala namin ni Marimar.
BINABASA MO ANG
MAGINOO na MANYAK(On-going)
RomanceNakatagpo na ba kayo ng isang tao na MAGINOO sa umaga? MANYAK sa gabi? yung tipong unang tingin mo sa kanya siya iyong lalaking hindi maka basag pinggan? pero akala mo lang pala? MAGINOONG MANYAK ika nga nila. PS: READ AT YOUR OWN RISK!