Chapter Nine - Palasyo

159 9 0
                                    

Chapter 9

Dinala sa tuktok ng bundok si Ulysses. Nakaupo na siya sa ilalim ng puno at pinag-iisipang mabuti ang hiling ni Prinsesa Dana. Hindi niya alam kung paano simulan ang kahilingan ng prinsesa. Alam niyang may kaparusahan kapag ka hindi natupad ang kahilingan nito.

"Gamitin mo ang mahika na ibinigay ko sa iyo. Lahat ng sasabihin mo ay matutupad." Lumitaw sa kanyang harapan ang mahiwagang engkantada. Pinalalakas nito ang kalooban ni Ulysses. Naaalala ni Ulysses ang kanyang mahika sa boses kung kaya nagkatotoong mabuntis ang prinsesa kahit sa kanyang salita lang.

"Ako si Reyna Usuria ang iyong ina", sambit nito kay Ulysses. Hindi siya makapaniwala na siya ay may ina pala. Gayong mahabang panahon na rin siyang nagpalaboy sa kaharian. Binura ni Haring Regadon ang iyong alaala. Wala ka ng maalala bukod sa iyong pagka palaboy. Akala ko tahimik kang nabubuhay sa lupa. Hindi na ako nagtaka kung bakit napadpad kang muli dito sa kaharian ng mga engkanto. Iniwan kita noon sa bukal na tubig sa lupa. Sinubaybayan ko ang paglaki mo. Umalis ako doon sa lupa noong makita kong malaki ka na. Hindi kita binigyan ng mahika para normal kang mamuhay sa lupa. Alam kong nasa mabuti kang kalagayan kaya hindi na ako nag-alala at iwan ka. Si Prinsesa Dana ay ang engkantadang labis labis na umibig sa iyo. Siya ang dahilan kung bakit napunta kang muli dito sa kaharian ng mga engkanto. Ibalik ko sa iyo ang iyong alaala Prinsepe Amorro. Ang totoong pangalan ni Ulysses. At panahon na rin siguro na ikaw ay makilala sa ating naglahong kaharian. Nang sa ganun labis mong maintidihan ang kaganapang nangyayari sa iyo. Alaala mo muna ang una kong ibalik sa iyo. Hindi ang iyong maayos na anyo. Hintayin mo ang tamang pagkakataon na bumalik sa iyo ang iyong maayos na anyo. Malinaw na naiintidihan ni Ulysses sa kanyang pagkatao. Kaya pala may taglay siyang katangian na wala sa
mga tao.

Nagkaroon ng malaking pag-asa si Ulysses. Sobra siyang naging masaya sa narinig na katotohanan. Bumalik na ang lahat sa kanyang alaala. Ang buhay niya sa lupa. Ang kanyang ina na si Aling Yolly at mga kapatid. Ang kanyang hanapbuhay sa talyer at ang kanyang buhay kabataan noon. Sabik niyang balikan ang buhay sa lupa ngunit paano si Prinsesa Dana at ang kanilang anak. Alam niyang anak niya si Prinsepe Heron. Ito ay dahil sa mahikang ibinigay ng kanyang ina.

Iilang oras na lang ang natira bago ang bukang liwayway. Tumayo si Ulysses at sumigaw. "Itayo ang pinakamaganda at nagniningning na palasyo sa gitnang tuktok nitong bundok" Ang mga puno ay nagkusang kanya kanyang natumba. Isang napakahiwagang pangyayari ang naganap.

Bago nga naman nag bukang liwayway napatayo ang plasyo. Natupad ang palasyong ayon sa kahilingan ni Prinsesa Dana. Na kahit si Ulysses ay hindi makapaniwala sa kanyang malakas na mahika.

"Ina, bakit ako napunta sa lupa?", malungkot na tanong ni Ulysses sa inang Reyna. Paano ko tatanggapin ang buhay dito sa kabilang mundo kung may mundo na akong nabuo. Malungkot pa rin kay Ulysses ang lahat.

Princess Dana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon