Chapter Ten - Kasal

285 12 5
                                    

Chapter 10

Napagmasdan ito ng mahal ni Haring Regadon mula sa kanyang palasyo. Hindi niya sukat akalain ang taglay na mahika na meron si Ulysses. Siya ay nagtataka pero muli ding naalala si Ulysses ay anak ni Haring Romos na dating kanyang mortal na kaagawan sa iisang teritoryo. Napaslang ng kanyang mga engkatadong kawal ito sa gitnang ng labanan. Nalungkot din sa pangyayaring naganap noon si Haring Regadon pero wala na siyang magawa. Kusang nawala at hindi na nagpakita sa kanila ang kabiyak nitong si Reyna Usuria matapos ang labanan. Napagtanto niya na si Ulysses ay saling lahi ng mga engkantadong may malalakas na mahika. Lahi ng bughaw na engkantado si Haring Romos kaya hindi nakapagtataka na may malakas itong mahika na maaring kusang namana ni Ulysses. Nagtataka din si Haring Regadon kung bakit hindi naipagtanggol ni Ulysses noon ang kanyang sarili ng pinarusahan niya itong tanggalan ng alaala at gawing mabaho at palaboy ang anyo nito.

Nagbubukang liwayway na. Inaabangan na ni Prinsesa Dana ang katuparan ng kanyang kahilingan. O kaya ang pagkapugot ng ulo ni Ulysses. Wala ng katiting na alaala ni Prinsesa Dana kaya ganun na lamang ang utos niyang kaparusahan sa oras na hindi matupad ang kanyang kahilingan.

Sumilip sa malaking bintana ng palasyo si Prinsesa Dana. Namangha siya sa kanyang nakita. Mula roon sa kanyang kinatatayuan tanaw niya ang napakagandang palasyo na nakapatong sa tuktok ng bundok. At nasunod lahat ng kanyang kahilingan. Ngunit hindi pa rin niya lubos na maisip ang pagpapakasal niya sa isang tulad ni Ulysses mabahong palaboy.

"Iyon ang kasunduang iyong binitawang salita, Prinsesa Dana. Mahalagang may isang salita anak kong prinsesa", paliwanag na sabi ni Haring Regadon. Umuurong kasi si Prinsesa Dana sa kasal kahit na naisakatuparan na ang kanyang kahilingan. Ayaw niyang pag-usapan ang pag-iisang dibdib nila ni Ulysses. Iisang solusyon ang maari niyang gawin ni Haring Regadon. Ang ibalik kay Prinsesa Dana ang kanyang alaala.

"Mahal kong amang hari, nasaan na si Ulysses?, ano ang ginawa mo sa kanya?", natarantang turan ni Prinsesa Dana. Sa isang iglap naalala na niya si Ulysses at ang kanilang pag-iibigan. At ang kanilang magkasamang pagpapalit anyo noon makatakas lang sa amang hari. "Anak narito sa ating kaharian si Ulysses.

Ipinatawag uli ng mahal na hari si Ulysses upang iharap kay Prinsesa Dana. Alam niyang papayag na si Prinsesa Dana na magpakasal kay Ulysses. "Siya ay si Ulysses na noon ay taga lupa. Pinarusahan ko sa pagiging mabahong palaboy dito sa kaharian nating mga engkanto", sambit ng hari. Halos hindi makapaniwala si Prinsesa Dana. Hindi niya sukat akalain na ang mabahong palaboy pala na kanyang kinaiinisan ay taga lupa na kanynag iniibig ng tunay. Lahat ng kanyang masakit na panlalait ay kanya ng naramdaman. Naaalala niya ang lahat at ito ay kanyang labis na pinagsisihan. Masyado siyang nahabag sa lalaking kanyang minahal."Patawarin mo ako, mahal ko", taos sa pusong hingi ng tawad ni Prinsesa Dana.

Alam na ni Ulysses na wala ring maalala si Prinsesa Dana tungkol sa kanilang pagmamahalan. Tulad din sa kanya na tinanggalan ng alaala. Kaya hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang irog. Niyakap ni Ulysses ang kanyang minahal na irog. Ang kanilang anak ang labis na masaya ng makita ang kanyang ama. Hindi rin masukat ni Ulysses ang kasiyahan bakas na makikita sa mukha ng anak. Bumalik ang dating makisig at guwapong hitsura ni Ulysses. Nagsaya at nagdiwang ang buong palasyo.

Alam na ni Ulysses na wala ring maalala si Prinsesa Dana tungkol sa kanilang pagmamahalan. Tulad din sa kanya na tinanggalan ng alaala. Kaya hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang irog. Niyakap ni Ulysses ang kanyang minahal na irog. Ang kanilang anak ang labis na masaya ng makita ang kanyang ama. Hindi rin masukat ni Ulysses ang kasiyahan bakas na makikita sa mukha ng anak. Bumalik ang dating makisig at guwapong hitsura ni Ulysses. Halos hindi makapaniwala si Prinsesa Dana na ang mabahong palaboy at engkantadong mahal niyang si Ulysses ay iisa.

Inihayag ni Haring Regadon ang kasalan nina Prinsesa Dana at Ulysses.
Masaya ang ganap na pagdiriwang sa palasyo ikinakasal sina Ulysses at Prinsesa Dana.

Kitang kita ang labis na kaligayahan ni Prinsepe Heron sa pagkakaroon ng

Mula noon muling nagpakita na si Reyna Usuria at lumitaw uli sa kaparangan ang dating palasyo. Palasyong naglaho din noong nawala si Reyna Usuria. "Ikaw na si Haring Amorro mula sa araw na ito", saad ni Reyna Usuria.

"Mahal ko na ang mundo ng akong kinalakihan, aking ina", pahayag ni Ulysses sa ina. "Dito man ang mundo mo o doon madali kang tumawid sa bawat mundo", masayang saad ni Reyna Usuria.

Samantalang sa lupa malungkot na nagdarasal si Aling Yolly sa pagkawala ng anak at umaasang babalik pa ito sa kanya. Naroon ito sa bukal at hinihintay ang anak. Doon niya unang nakita ang anak kaya palagay niya doon din niya ito makikita.

Bumalik sa lupa si Ulysses kasama si Prinsesa Dana sa lupa at handang mamuhay na parang tao. Ano mang oras mabilis nilang inuuwian ang kanilang mundo na magkasama.

Laking tuwa ni Aling Yolly sa pagbabalik ng anak kasama at Prinsesa Dana.

Iisa lang ang mundo ng bawat nilalang ang importante hindi nagagambala ang bawat isa.

W a k a s

Princess Dana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon