Seventeen

3.5K 138 43
                                        

#ElitesBonfire


Tahimik kaming lahat ng umikot na ang arrow ng roleta. Gaano ko man isipin na malaking kalokohang sumali dito ito, hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaunting excitement sa kung ano mang malalaman o mangyayari.


Iba na ang naging pwesto namin ngayon at hindi na namin pinapalibutan yung bonfire. Sa halip, umupo kami sa buhanginan at katabi nalang ang bonfire. Nasa likuran na namin ang sofa at nasa harap na kami ng bonfire sa di kalayuang distansya para maramdaman pa rin ang init nito.



Hindi naman kasi magiging epektibo yung pakulong roleta ni Axle kung wala ito sa gitna namin at hindi namin ito papalibutan ng malapitan. Nakapatong lang ito sa maliit na table habang nandoon din ang mga snacks namin at ilang mga led lights na nagsisilbi ring liwanag dito.



Napanatag saglit ang loob ng ko ng tapatan ng arrow ang pwesto ni Sham. Sya ang unang unang tatanungin ni Axle. Pagkatapos, si Sham naman ang magpapaikot at magtatanong.

Pero bago ang lahat, may binigay pang portion si Trust para mas maganda daw ang twist. Sa unang limang tanong, wala daw ibang itatanong kung hindi magbabanggit ng isang pangalan tapos dudugsungan ng “trotropahin o jojowain”. And take note, with explanation pa. Pero pagkatapos naman daw ng limang tanong na yun, one question at a time na. Kahit aning tanong, basta truth pa rin at walang dare kung hindi ang uminom ng dalawang shot kapag hindi nakasagot sa tanong.




“Nice nice!” Nakakalokong nakangiti si Axle kay Sham.




“Gago ayusin mo tanong mo.” banta nito kay Axle.



“Dude. Chill lang ha?” nakakaloko itong tumawa ng sulyapan si Trust. “Sham, si Trust ba? Trotropahin, o jojowain?”

“Yown! Magandang tanungan yan.” Komento ni Dwayne at kinuha na ang isang bowl ng crackers. Akala mo nanonood lang ng sine habang pinagmamasdan si Trust at Sham.


“Bwiset, wala bang ibang option? Yang pambansang condom na naman na yan?” reklamo naman ni Sham kaya humagalpak ng tawa si Axle at si Dwayne. Natawa na lang din kami ni Ellie sa reaksyon ni Trust sa pagkakasabi ni Sham. Seryoso itong ngumiwi.




“Makapambansang condom ka ah? Ganda lang? Choosy ka? Para namang gusto ko ring maging tropa at jowa mo ah.” Pagsusungit ni Trust pabalik sa babae.



“Sagot na lang kasi. Wala ng masyadong pagtatalo.” Dwayne interrupted.



“Trotropahin. Ayaw ko namang maging jowa yan dahil hindi kami talo. Lalaki din type nyan.  Ayaw ko sanang maging tropa, kaso no choice ako.Mabilis na ininom ni Sham ang one shot ng alak.


Wala namang sinabi na dapat may piliin ka talaga. Kaso kapag wala kang pinili, dalawang shot pa rin ang iinumin mo.





Nagpalakpakan naman ang mga loko maliban na lang kay Trust na nakabusangot sa sagot ni Sham. Si Blaze ay nakipalakpak na rin pero pacool lang. Panakanaka lang na nakikisabay sa tawa habang pumapapak ng snacks.




The ElitesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon