#ElitesCollections
Ang tanging maliwanag na parte sa buong kwrato ay kung saan lamang ako nakaupo. Sapat na liwanag para lang makaaninag pero hindi para makita ang buong paligid. Medyo dim ang ilaw. May speaker lang sa gilid ko kung saan doon nakakonekta ang mikroponong nakakabit sa microphone stand.
Hindi naman nakagapos ang aking mga kamay, hindi naman ako nakakulong o hindi naman maliit ang silid pero para akong naso- suffocate sa presensyang pilit kong binabalewala kanina pa.
Kabog lang ng puso ko ang naririnig at ang dahan dahang pagbuhos ng likido sa isang baso na sa tingin ko ay alak. Naaamoy ko mula sa kinauupuan ko.
“You can start now, my Princess..” Malalim ang boses na iyon. Kalmado ngunit nagpaparating ng banta. A threat that made it clear what would happen if I refused to do as he wanted.
Huminga ako ng malalim.
Hindi ko inabala ang sariling hawakan ang mikropono.
♪ Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin..
Mabigat ang bawat salita at pagbitaw ko sa bawat letra. Wala sa loob ko ngayon ang pagkanta. Pumikit na lang ako at inisip na wala ako rito, na muli ay nasa Brice ako habang kumakanta sa harap ng iilang mga tao.
•♪ Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba..
Inaalala ng isip ko na buong puso kong kinakanta ang kantang ito dahil hindi ko man aminin, mahal ko ang musika. Mapakanta man o sayaw. Mas lamang nga lang ang pagkanta dahil pakiramdam ko kasi kapag ako mismo ang kumakanta, parang alon ang mga liriko na hinehele ako at dinadala sa kung saan. Nakakapanatag ng loob. Para akong malayang nakakalangoy kung saan ko man gusto ng hindi napapagod. Malaya kong ibuka ang mga bisig para magpatinod sa tubig. Parang nawawala ang lahat ng bigat, parang ang gaan ng lahat. Ang sarap lumutang dahil hindi mo kailangang dalhin ang sarili mong mundo. Ikaw mismo ang dadalhin ng tubig kapag hinayaan mo ito. Yun nga lang, dapat ay marunong ka lumangoy. Marunong kang magpalutang sa sarili ng hindi nalulunod.
Pero noong gabing iyon, noong gabi na masunog ang Brice, sa halip na magpalutang sa tubig para magpatianod sa mapayapang tubig ay sa iba ako dinala ng alon.
♪ Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya..
•♪ Nung ako ay masaya..
Nung ako ay masaya..
Blaze’s image slowly takes shape, and his eyes fixed on me alone. I can’t read what’s on his mind as he looks my way. Amid the sea of people that night, he’s the only one I can see, the only one my gaze refuses to leave.
Ngunit sa isang iglap, tila unti unting nagiging abo ang lahat. Dahan dahang nililipad ng hangin ang bawat imahe sa paligid. Binalot ako ng takot. Inangat ko ang mga palad para maabot si Blaze ngunit huli na ang lahat. Sa isang iglap ay sumama na sa hangin ang imahe n'yang kanina lang ay nakatingin lang sa'kin. Pilit ko s'yang inaabot ngunit hindi ko na naabutan.
Sa pagkawala ni Blaze ay may ibang imahe na naiwan sa likuran.
♪ Sabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pag-ibig naming dal'wa
O wala na talaga
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya..
BINABASA MO ANG
The Elites
ActionCandid was never meant to be understood. She grew up hiding more than her face. Always hidden behind a mask and scarf, she became the kind of girl people feared without knowing why-quiet, cold, and dangerously unreadable. Some called her freak. Othe...
