#ElitesStayAlive
"How about Denver? Isn't he coming?" Miss Coreen asked his companion.
Nananatili akong nasa likuran nila kahit ako ang magtuturo ng building na hinahanap nila. Ganun ata siguro talaga kapag nagpapasama ng mayayaman. Ayaw nilang may ibang naglelead sa kanila.
"Well, alam mo naman yun. Maraming commitments." Sagot naman ni Mr. Gamboa.
Ama ni Gunner at Sham. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa'kin ang koneksyon n'ya kay Papa. Pero ewan ko ba, hindi ko alam kung may lakas ako ng loob na magtanong.
"Why don't you call him first? It's been a decade, Coreen." natatawang pahayag ni Mr. Gamboa. "Besides, divorce na sila ng ex-wife n'ya."
Tahimik lang akong nakasunod. Mukha tuloy nila akong alalay.
"Here you go again, Gun. Wala akong panahon sa mga lalaki na yan. Si Keith lang naman ang swerte sa lalaki. Ilang lalaki pa ba ang makikilala ko para matagpuan ko yung tamang tao? Huwag na lang. Kaya ko namang tumanda magisa." mataray na sagot naman ni Ms. Coreen at mahinang natawa.
Sila lang naman dalawa ang naguusap habang ako ay nakabuntot lang. Mukhang alam naman talaga nila kung saan ang building na pupuntahan nila pero nagpasama pa sila sa'kin.
"So bakit hindi na lang nga si Denver?" Mr. Gamboa teased her.
"Shut up okay? Past is past. "
Kung titignan ko sila, kung hindi nasa 40' o kaya ay mid 30's na. Masyadong malakas at nakakaintimida ang datingan nila, pero kung magusap sila parang teen ager lang.
"Pero mukhang hindi ka pa naman nakaka get over sa past.” may pangaasar pa rin sa tono ng lalaki.
"Who said we’ve all forgotten the past, Gun? Even now, our past continues to haunt us. We both know that whenever the weather turns calm, a storm always comes without warning,” Ms. Coreen said seriously.
Patuloy pa rin silang naguusap ng sumingit na ako sa usapan. Narito na kami sa pakay nilang building.
"Wait, sagutin ko lang. It's Denver, excuse me." paalam ni Mr. Gamboa kay Ms. Coreen saka sumulyap sa'kin.
"Okay na-"
Magsasalita pa lamang sana ulit ako ng unahan ako ni Ms. Coreen na humarap sa'kin.
"Pasensya ka na talaga sa abala. Would you mind if I ask your name?" matamis itong ngumiti habang nakatingin sa'kin.
"Candid." I casually answered.
I'm about to say something when she interrupted me again. Nakakahalata na ako.
"Malaki na ang pinagbago ng HFA. Mas lumaki, mas lumawak at mas marami ng buildings."
Iginagala n'ya ang kanyang mata habang sinasabi yun sa'kin. Para lamang s'yang casual na nagkekwento sa isang kakilala.
Kung hindi lang talaga s'ya kapatid ni Mrs. Hyun at kung hindi lang ako nadadala ng pagkacurious ko kay Mr. Gun ay kanina pa ako nagpaalam na umalis na. Masyadong halata na pinipigilan n'ya na magpaalam na ako para umalis. Kaya tuloy lalo akong naghihinala kung ano ang totoong pakay nila rito.
"Alam mo ba, masyadong minahal ng kakambal ko ang Academy na 'to matapos mamatay ng magulang namin." panimula n'ya na parang nagkekwento na nga ng diretso.
BINABASA MO ANG
The Elites
ActionCandid was never meant to be understood. She grew up hiding more than her face. Always hidden behind a mask and scarf, she became the kind of girl people feared without knowing why-quiet, cold, and dangerously unreadable. Some called her freak. Othe...
